Chapter 32 part 1

Start from the beginning
                                    

Nabuhayan ng loob si Lourdes. “Nalaman na ni Vincent ang tungkol kay Venice..”

“Sinong Vincent naman ito?” putol ni Franco sa sasabihin ni Lourdes.

“He’s the father of my grandchild at gusto niyang makuha ang custody ni Venice.”

“Kahit saang korte pa siya pumunta hindi siya mananalo. The general rule is that a child under seven years of age shall not be separated from her mother, which is based on the basic need of a child for her mother’s loving care.”

“I know hijo, ayoko lang na umabot pa sa korte ang tungkol dito. Naaawa ako sa apo ko dahil siya ang maapektuhan dito.”

 

“If he really loves his daughter he will not think about bringing this issue in the court. Pwede namang pag-usapan ito ng maayos baka nga magkaayos pa sila ni Jesica dahil may namamagitang anak sa kanila.” Paliwanag ni Franco.

“That’s my point that’s why I need your help.” Mabilis na sang-ayon ni Lourdes.

Napakunot ang noo ni Franco dahil hindi niya maintindihan ang gustong mangyari ng kausap. Gusto nitong ligawan niya si Jesica pero gusto rin niyang magkaayos sila ng Vincent na yun.

 

“Hijo, I’ll explain it to you alam kong naguguluhan ka na sa akin. Hindi natin ipapaalam kay Jesica ang tungkol sa plano natin, tayong dalawa lang dapat ang makakaalam nito.” Sinimulan ng ilahad ni Lourdes ang plano sa binata.

What if she will fell in love with me? Lalong magugulo ang sitwasyon.”  Nakangiting sabi ni Franco kahit sigurado siyang hindi mangyayari yun dahil hanggang magkaibigan lang talaga sila ni Jesica.

“It will not happen dahil alam kong may nararamdaman si Jesica kay Vincent. Baka nakakalimutan mo na mula noong college pa kayo ay patay na patay si Jesica sa lalaking yun….”

“You mean we’re talking about Vincent Almonte?” Iisang Vincent lang ang alam niyang kinahuhumalingan ng kaibigan noon.

Tumango si Lourdes para kumpirmahin ang sinabi ni Franco.

Napabuntong hininga si Franco. “Tita, did you talk to Toffer? Mas okay kung siya ang manliligaw kay Jessie.”

 

“Si Toffer talaga ang unang choice ko kaya lang out of the country siya ngayon. Franco, sana matulungan mo ako hijo.” May pagsusumamo sa tinig ng matandang babae.  

“Okay, it’s a deal. Pero two months lang kasi parating na si Lian.” Tukoy niya sa kanyang childhood sweetheart.

Napangiti ng maluwag si Lourdes ng pumayag din sa wakas ang binata. “Yes hijo two months is enough baka nga hindi pa umabot. Pero mag-iingat ka kay Vincent.” Pagbibigay babala ni Lourdes.  

“Pagkatapos ninyo akong mapapayag ngayon naman tatakutin ninyo ako. Don’t worry tita, kapag nakikita ko ng nagseselos siya ay kakausapin ko siya.” Biglang nakaramdam ng excitement si Franco, gusto rin naman niyang maging maligaya ang kaibigan kaya kahit tutol siya sa plano ng ina nito ay pikit mata niyang tinanggap.

“Thank you so much Franco, tatanawin kong utang na loob ito sayo.” Naluluhang pahayag ni Lourdes.

“Don’t mention it tita, starting today I will do my homework.” Sabay kindat ni Franco kay Lourdes.

_______________

A.N.

Hayan magsisimula na ang paghihirap ni Vincent.. hehehehe

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now