Kabanata XIX: Arthur

492 20 7
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Tatlong buwan. Makalipas ang tatlong buwan kong pananatili rito, at sa mahaba kong pagtulog, hindi ko aakalain na mahihimlay ang katawan at isip ko sa ganung katagal na panahon.

At sa mga panahong iyon, hindi nawala ang mga kaibigan kong matiyagang nagalaga sa akin—nagbantay at naglilinis sa aking katawan ng may buong pag-iingat. Hindi rin natitigil si Boss Adam na magdala ng mga pagkain para sa akin—at sa mga kaibigan kong nagbabantay sa ward ko.

Sa mga nagawa’t naitulong nila sa akin, hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan sa mga kabutihang ginawa nila para sa akin. Habang iniisip ko ang mga panahong wala akong ulirat, iniisip ko kung gaano kahirap para sa kanila ang nangyari sa akin.

Noong ilang linggo pa lamang ako umaayos, kinausap ako ni Boss Adam tungkol sa nangyari sa akin. Hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng isang klase ng Amnesia; Anterograde Amnesia. Naikuwento rin niya sa akin na may iilan akong mga bagong memorya na nabura at pansamantalang hindi ko maaalala.

Posibleng nakuha ko raw ang Anterograde Amnesia noong araw na nasagasaan ako ng truck. Dahil doon, nagkaroon ako ng brain damage na siyang nag-ugat sa pagputok ng iilang ugat ko sa aking ulo. Habang isinasalaysay niya sa akin ang mga nangyari. Mayroon siyang isang pangalan ng lalaki naa kahit anong pag-isip at pag-alala ang aking gawin, ay hindi ko talaga maalala o matandaan.

Sa tuwing sinusubukan kong muling alalahanin siya, matinding sakit ng ulo ang akin nararamdaman. Kaya mula noon, kahit nakikita ko pa ang lalaking ikinuwento sa akin ni Boss Adam. Hinahayaan ko na lamang na bantayan at alagaan niya ako.

“Arthur,” napalingon ako kay Boss Adam ng tinawag niya ako sa mahinang boses nito, “anak, ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Boss Adam.

Marahan kong hinawakan ang kamay na nakalagay sa aking braso, at marahan ko iyong minasahe. “Wala naman po. Pero, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maalala kung sino si Archie sa buhay ko.”

“Arthur, ‘di ba sabi ng doctor, na huwag mong puwersahin ang utak mo sa pag-alala ng mga memoryang nabura sa ‘yo. Muli naman iyang babalik kapag tuluyan ka nang naging maayos,” tugon niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Pakiramdam ko ay parang napakasamang tao ko, dahil hindi ko man lang maalala ang taong iyon.

“Pero, nakakaawa naman po kung palagi siya narito. Halos lahat ng oras niya ay ginugugol niya sa akin—kahit hindi ko siya maalala,” saad ko.

“Hijo,” tumayo si Boss Adam at bahagyang lumapit sa akin, “Arthur, noon kasi, hinayaan mong manligaw sa ‘yo si Archie. Maaaring hindi mo maalala, ngunit iyon ang totoo. Isa siya sa dahilan kung bakit ka narito at muntik nang malagay ang buhay mo sa peligro.

“Gayunman, hindi naman sa pinupukol namin siya ng sisi. Siguro, nabigla siya, kahit may pagkakamaling nagawa si Archie. Inamin niya sa amin kung gaano ka pa rin niya kamahal.”

Napahawak ako sa aking ulo, nang maramdaman ko ang bahagyang pagkirot sa parteng iyon. Agad naman akong inalalayan ni Boss Adam. Nang akmang tatawag ito ng nurse upang tignan ako. Umiling na lamang ako sa kaniya, senyales na kaya ko ito.

“Kung anuman ang nangyari sa mga panahong iyon, siguro…” napatingin ako sa lalaking nasa labas ng ward at tahimik na pinagmamasdan ako, “…kalimutan na lamang ho natin. Kung totoo ngang minahal niya ako, gusto kong maramdaman ang pagmamahal niya para sa akin.”

Matapos kong sabihin iyon, muli kong nilingon ang lalaking hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at mula sa aking puwesto, nakita ko itong namula at ngumiti rin sa akin pabalik.

Hindi ko alam pero noong ginawa ko iyon, nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib, naramdaman ko rin na namula ang akin pisngi noong sinagot niya ang aking pagngiti. Agad akong napahawak sa aking dibdib dahil sa abnormal na bilis ng pagtibok ng puso ko.

“Arthur, may masakit ba sa ‘yo?” tanong sa akin ni Boss Adam.

Umiling ako sa kaniya habang nananatili akong nakatingin sa lalaking nasa labas ng ward, “Wala po,” lumingon naman ako kay Boss Adam at saka ako muling nagsalita, “maaaring nakalimot nga ang utak ko, pero hindi ang puso ko.”

Muli akong tumingin kay Boss Adam at naramdaman kong marahan niyang hinipo ang aking ulo. Ngunit, agad naputol ang pag-uusap namin ni Boss Adam ng may dalawang tao ang pumasok sa aming ward.

“Adam, puwede ba naming makausap si Arthur?” biglang tanong ng babaeng ‘di masyadong katandaan . Nasa kaniyang tabi naman ang isang lalaki na may pormal na suot.

“Puwede naman po,” ngumiti muna si Boss Adam sa akin bago ito lumabas ng ward, “maiwan ko muna kayo.”

Nakita ko namang naglakad ang dalawang tao nang tuluyan ng nawala sa ward si Boss Adam. “Arthur, kumusta ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” mahinahong pagtatanong sa akin ng babae.

Nangunot naman aking aking noo sa mga tanong nila sa akin. Marahil ay nagtataka sila sa reaksyon na mayroon ako ngayon. Nang wala silang nakuhang sagot mula sa akin, muli silang nagsalita.

“Kami ang mga magulang ni Archie; Lucia at Emmanuel. Maaaring hindi mo kami natatandaan dahil sa nangyari sa ‘yo,” pagpapakilala nila sa akin.

“Kayo po pala,” tugon ko sa kanila.

“Hindi mo ba kami natatandaan talaga, Hijo?” muling nagtanong sa akin ang tatay ni Archie na si Mr. Emmanuel. Umiling ako sa kaniya bilang sagot ko, “matagal na rin simula nangyari ang aksidenteng iyon. Hanggang ngayon, hindi namin nakakalimutan ang buong nangyari.”

“Ano pong ibig ninyong sabihin?”

“Hijo, kami ang nakabanggaan ninyo noon. Dahil sa amin, nawalan ka ng mga magulang. Hindi namin mapatawad ang mga sarili namin dahil patuloy naming hinahawakan ang nakaraan,” tugon ni Ms. Lucia sa akin.

Dahan-dahan naman akong bumangon mula sa akin pagkakahiga. Nang makita ako ni Mr. Emmanuel, maagap ako nitong inalalayan at tinulungan sa aking pagsandal sa kama.

“Matagal na hong mangyari ang aksidenteng iyon,” bakas sa mga mata nila ang pagsisisi at ayoko naman na hanggang ngayon ay nagsisisi sila sa isang aksidenteng hindi naman namin ginusto.

Nang wala akong sagot na narinig mula sa kanila, kinuha ko ang pagkakataong iyon upang muling makapagsalita, “Siguro, panahon na po para pare-parehas na nating kalimutan ang nakaraan. Palayain ninyo na rin po ang mga nararamdaman n’yo mula sa nakaraan.”

“Salamat, Hijo. Huwag kang mag-alala, tutulong kami sa lahat ng gastusin sa hospital,” napahinto si Ms. Lucia sa kaniyang pagsasalita at bahagyang lumapit sa akin, “payag kami ni Emmanuel na tumira ka sa amin kasama ang anak ko. Tutal, mahal ninyo ang isa’t isa. Maaaring hindi mo naaalala, pero, naniniwala ako na babalik ang nararamdam mo para sa akin naming si Archie.” 

Nang magsasalita na sana ako, nakita kong dahan-dahang pumasok si Archie sa aming kuwarto. Nang magtama ang aming mga mata, muli kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

“Ma, Pa, puwede po ba ninyo muna kaming bigyan ng privacy? Gusto ko lang pong makausap si Arthur,” pakiusap nito sa kaniyang mga magulang.

Nakita ko namang tinaoik ng kaniyang ama si Archie bago sila tuluyang lumabas na dalawa. Matapos iyon, dahan-dahan na umupo si Archie sa aking tabi. Naramdaman ko rin na marahan niyang hinawakan ang aking kamay.

“Sorry, Arthur,” agad kong nakita ang mabilis na pagdaloy ng mga luha ni Archie sa kaniyang pisngi, “naging duwag ako, naging mahina ako. Hindi ko nagawang tuparin ang mga ipinangako ko sa ‘yo.”

Inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak nito. Nagulat si Archie ng marahan kong hinawakan ang kaniyang mukha at saka ko dahan-dahang pinunasan ang kaniyang mga luha.

“Alam mo, sa totoo lang, hindi talaga kita magawang matandaan. Kahit anong pilit ko. Sumasakit ang ulo ko pag pinupuwersa kong pilit kang alalahanin. Archie, huwag ka nang umiyak. Huwag mong pasakitan ang puso mo dahil lamang sa isang pagkakamali ma nagawa mo sa akin.

“Kung naaalala ko lamang ang lahat, hindi na sana ikaw nahihirapan ng ganito. Nasasaktan ako kapag nakikita kang malungkot, pero hindi ko naman maisip kung ano ang posibleng dahilan.

“Arthur, ayos lang sa akin kahit hindi mo ako matandaan o maalala kahit kailan. Kapatawaran mo lamang ang hangad ko,” habang hawak ko ang kaniyang mukha, muli na namang naglandas ang kaniyang luha pababa sa pisngi nito.

“Pinapatawad na kita, Archie. Anuman ang nagawa mo, buong puso kong pinapatawad ang lahat ng iyon,” tugon ko.

Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. “Maraming salamat, Arthur,” marahan niyang hinihimas ang aking likod. Sa ginagawa niyang iyon, bahagya akong nakaramdaman ng kakaibang pakiramdam, “Arthur, if it is not too much, puwede ba na muli kitang ligawan? This time, tutuparin ko ang mga pangako ko sa ‘yo. Magiging matapang na ako para ipaglaban ka.”

Bago ako nagsalita, humugot muna ako ng isang malaim ma bugtong-hininga. “Hindi mo sana ito ginagawa dahil lamang sa nakokonsensya ka sa akin,” maikli kong tugon sa kaniya.

“Hindi,” nananatili pa rin siyang nakayakap sa akin, “ginagawa ko ito dahil gusto kong bumawi sa ‘yo. Ginagawa ko ito dahil gusto ko muling patunayan ang sarili ko. Mahal na mahal kita, Arthur. At hindi ko kakayanin kung sakaling mawala ka sa akin.”

“Nakakataba ng puso, Archie,” saad ko, “kung ito ba ang gusto mo, tatanggi pa ba ako?” muli akong inakap ni Archie ng mahigpit. Patuloy lamang siya sa pagsasabi ng salamat hanggang nauwi iyon ng bigla niyang inilapat ang kaniyang labi sa akin.

Ilang segundo pa ang tumagal, nang bumitaw si Archie sa aming halikan. Nang magawi ang aking tingin sa pintuan ng ward, nakita kong naroon ang lahat ng aking kaibigan—naroon rin ang mga magulang ni Archi at sina Boss Adam na malawak ang kanilang mga ngiti, habang pinagmamasdan kaming dalawa.

W A K A S

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Where stories live. Discover now