Kabanata XVII: Arthur

207 12 0
                                    

Ilang buwan na rin naang magsimula na akong pumasok sa isang kolehiyo ‘di kalayuan dito sa aking pinagtatrabahuhan na Bahay-Aliwan. At sa mga nakalipas na buwan, mayroon akong dalawang kaibigan na nakilala; sina Melody at Lewis. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting napapanatag ang aking loob na kasama silang dalawa.

Hindi ko mapigilan minsan ang maluha dahil mulo akong biniyayaan ng dalawang napakabuting mga kaibigan. At sa kolehiyo naman na aking pinapasukan, may mga araw at pagkakataon na hindi nagiging maayos ang araw. Dahil simula noong nabunggo naming dalawa ni Ryan si Tyra. Sa bawat araw na nakikita ako nito, ay patuloy siya sa pagbubully sa akin.

Gayunman, nariyan sina Lewis at Melody para ipagtanggol ako. Kung minsan nga ay nahihiya na ako sa kanila. Dahil minsan, naiisip ko na hindi ko man lang magawang depensahan ang sarili ko. Sa kabilang banda naman, simula noong nagsimula na akong pumasok sa kolehiyo, bibihira na lamang akong magtagal rito sa Bahay-Aliwan.

Bihira ko na lamang makasama ang mga kaibigan kong sina Ryan, Russell, Jeff at Mikaela. Hindi ko na rin nakakausap pa si Boss Adam dahil kung minsan ay abala ito sa iba pang mga bagay. Habang ako, kung minsan ay abala rin sa pag-aaral at trabaho. Habang abala ako sa aking ginagawang pagpupunas ng mga mesa. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ryan.

Nang makita ako nito ay agad itong nagwika sa akin, “Arthur, kumusta ang buhay kolehiyo? Bihira ka na lamang namin makasama rito?” Pangangamusta sa akin ni Ryan. Napangiti naman ako sa naging katanungan nito sa akin. Pakiramdam ko ay galing ako sa malayong lugar at ngayon lamang kami muling magkikita na dalawa.

Huminto naman ako sa ginagawa kong pagpupunas ng mesa at dahan-dahan akong humarap kay Ryan. Marahan kong inihampas sa kaniyang ang basahan na aking hawak sa ulo niya. Natawa naman ito sa aking ginawa sa kaniya. “Ano ka ba? Oo nga at bihira na lamang akong narito. Ngunit, narito naman ako sa gabi para magtrabaho.”

“Oo nga at nandito ka kapag gabi. Kaya nga lang, kami naman ang wala dahil ang mga kliyente namin ay maaarte at gusto laging nasa condo unit nila. Ang iba, gusto sa kanilang bahay at apartment.” Mahabang saad sa akin ni Ryan.

Napatango na lamang ako sa kaniyang pagsasalita. “Alam mo, Ryan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na muli akong makakapasok sa kolehiyo. Hanggang ngayon kasi ay hindi magawang maiproseso ng utak ko.” Tugon ko.

Isang mahinang tapik naman ang aking naramdaman na kaniyang ginawa sa aking braso. “Ano ka ba? Ito na ‘yong tsansa mo. Ito na ang babago sa buhay mo at mag-aalis sa ‘yo sa lugar na ito. Dapat nga maging masaya ka dahil tinulungan ka ni Boss Adam. Tsaka, narito naman kaming mga kaibigan mo, laging nakasuporta sa ‘yo.”

“Salamat,” huminto ako upang humugot ng isang malalim na paghinga bago ako nagpatuloy sa aking pagsasalita, “Ryan, noong isang gabi. May isa akong tao na nabigyan ng serbisyo. Natatakot ako. Natatakot ako na…baka malaman niya na ito ang trabaho ko.” Bigla na lamang gumuhit sa akin ang matinding kaba at takot sa posibilidad na malaman ng taong iyon ang trabaho ko.

Ilang araw na rin ang nakalipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatulog ng takot ko na ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko oras na malaman niya na ako ang taong iyon. Napayuko na lamang ako at hindi maiwasan ng aking katawan na maramdaman ang kaba na siyang nagiging dahilan ng minsa nang pangangatog ko.

“Arthur…” Lumapit sa akin si Ryan. Habang nasa ganung posisyon ako, bigla ko na lamang naramdaman ang paghawak niya sa aking likod. Sa ginawa niyang iyon, bahagya akong nakaramdam ng kaunting ginhawa. “Hindi niya naman nasabi ang pangalan mo, hindi ba? Tsaka ‘wag kang mag-alala. Alam ko na mauunawaan ka ng taong iyon kung malalaman niya na ito ang trabaho mo.” Pagpapatuloy niya.

Muli akong napabuntong-hininga sa mga sinabing iyon sa akin ni Ryan. Tanging pagngiti na lamang ang aking ginawa bilang sagot ko sa kaniya. Ilang oras matapos naming maayos ang buong Bahay-Aliwan. Ay agad na akong nagpaalam kay Ryan para pumasok. Hindi na ako sumakay pa ng tricycle dahil medyo malapit lammang ang Unibersidad simula sa Bahay-Aliwan.

Mas pinili ko na lamang na maglakad dahil mahaba pa naman ang oras para sa unang klase ko ngayon araw. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga pamilyang kasabayan ko sa paglalakad. Hindi maitatanggi sa kanilang mga mukha at labi ang saya at tuwa habang magkakasama sila.

Habang abala ako sa aking pagtingin sa mga taong nakakasalubong ko. Hindi ko napansin na may isang tao na pa lang sinasabayan ako sa aking paglalakad. Napabalik na lamang ako sa aking ulirat ng bigla na lamang itong nagsalita. “Mukhang masaya ka na makakita ng isang masaya at buong pamilya, ano?”

Nang marinig ko ang kaniyang boses. Agad akong napatingin sa kaniya at wala sa aking sarili na napahinto ako sa aking paglalakad. Bigla na lamang nagbalik sa aking dibdib ang takot at kaba noong gabing nagtalik kaming dalawa sa Bahay-Aliwan.

“I-ikaw p-pala…” Utal-utal kong pagsasalita rito. Tanging pagngiti lamang ang kaniyang isinagot sa akin. “Ah? Oo. Natutuwa kasi ako kapag nakakakita ako ng tulad nila. Parang ang saya-saya nilang tignan.” Saad ko. Kahit na kinakabahan ako, ginawa ko pa rin ang aking makakaya upang makapagsalita ng maayos.

Ayokong magkaroon siya ng alinlangan at mahalata ang itinatago kong lihim. Kahit na kinakabahan, inayos ko pa rin ang aking sarili kahit na hindi ako komportable na kasabay siyang pumasok at kasabay sa paglalakad. “Arthur nga pala.” Pakilala ko.

Humarap ito sa akin at ngumiti bago nagsalita, “Ako naman si Archie.” Nagpatuloy na lamang kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa natatanaw na namin ang Unibersidad. “Pasensya ka na nga pala sa nangyari noon.” Pagsasalita ko.

Nang marinig niya ang aking sinabi. Agad siyang napahinto sa paglalakad. Dahil doon, naging dahilan rin iyon upang mapahinto rin ako sa aking paglalakad. “Pasensya? Saan naman?” Nagtataka nitong balik na tanong sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa kaniyang harapan. “Doon sa nangyari noong unang mga araw ng pasukan. Dahil sa akin, nagkasakitan sina Tyra at Melody. Wala man lang akong nagawa para pigilan sila. At isa pa, nabunggo ko rin noon ang nobya mo.” Pagkukuwento ko.

Bigla ko na lamang naramdaman ang paghawak na kaniyang ginawa sa aking balikat. Dahil sa ginawa niyang iyon, hindi ko naiwasang magulat na siyang nagbigay sa akin ng bahagyang kaba. “Hayaan mo na iyon. Tsaka, wala na naman kami ni Tyra.” Awtomatikong napatingin ako sa kaniya dahil sa huli nitong sinabi.

“Wala na kayo…ni Tyra?” Pag-uulit ko sa huli nitong sinabi. “Oo. Dahil mayroon na siyang iba. Ipinagpalit niya ako sa iba dahil lamang sa nagkaroon kami ng problema na dalawa.” Sagot nito sa akin.

Napayuko na lamang ako aa pagtatapat na ginawang iyon sa akin ni Archie. “Pasensya na. Naitanong ko pa ang bagay na iyan,” nang madapo ang aking mata sa suot nitong relos. Ay agad na nanlaki ang aking mata dahil sa oras na aking nakita. “Halika na, mahuhuli pa tayo sa unang klase natin.” Pagpapatuloy ko.

Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa akin habang hawak-hawak ko ito sa kaniyang pulsuhan. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Huli na nang mapagtanto ko ang bagay na iyon ng bigla ko na lamang naramdaman na nag-iinit ang aking pisngi.

“Pasensya na.” Saad ko habang nakayuko. Hindi ko magawang magtaas ng tingin sa kaniya dahil sa hiya na aking nararamdaman. At pakiramdam ko ay sa mga sandaling ito, namumula ang aking mukha.

Narinig ko namang itong natawa dahil sa aking ikinikilos. “Ano ka ba? Ayos lang iyon. Nakakatuwa nga, e.” Tugon nito. Hindi ko na lamang sinagot ang kaniyang sinabi sa akin. Bagkus, nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad papasok ng aming klase. Habang siya ay tahimik at nakangiting nakasunod lamang sa akin.

Matapos ang mahigit apat na oras. Tuluyan nang nagpaalam sa amin si Ms. Evangelista. Ngunit, bago ito lumabas ng aming kuwarto ay nag-iwan muna ito ng isang mensahe sa aming lahat, “Since, naidiscuss ko ang lahat ng kailangan ninyo. At mayroon na rin kayong mga kasama sa paggawa ng ating mini-research. Okay, so perhaps, next week. I’m expecting that all of you wilp submit your research. Okay? Bye!”

Matapos niyang sabihin ang kaniyang bilin sa amin tungkol sa research na kaniyang ibinigay sa amin kanina. Ay tuluyan na itong umalis. Agad naman akong nag-ayos ng aking gamit. Napatingin naman ako kay Melody ng bigla itong nagsalita sa aking tabi, “Tara, punta muna tayo sa kainan. Medyo gutom na rin ako.” Saad nito.

Agad namang pumayag si Lewis ng marinig niya iyon mula kay Melody. Agad namang napatingin sa akin sina Melody at Lewis ng wala akong sagot na ibinigay sa kanilang dalawa. “Arthur, hindi ka ba sasama? Hindi ka ba nagugutom?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Melody.

Umiling naman ako sa kaniya at tsaka ako nagwika, “Hindi. May trabaho pa kasi ako at medyo mauubos na rin kasi ang laman ng wallet ko. Siguro kayo na lang. Sa susunod na lang ako sasama sa inyo.” Pagtatapat ko sa kanila.

Naging malungkot naman ang kanilang mga mukha. Agad na nawala ang tuwa sa kanilang mga labi ng marinig ang hindi ko pagsama sa kanila. “Arthur, sumama ka na sa amin. Ako na—” Hindi na natapos pa ni Melody ng may isang boses ang bigla na lamang nagsalita sa gitna ng aming usapan.

“Ako na ang sasagot ng gusto mong kainin, Arthur. Huwag ka nang mahiya sa akin,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at lumapit ito sa amin kasama ang dalawa pang lalaki. “Puwede bang sumabay kumain, Melody at Lewis? Kasama ko rin kasi ang kaibigan kong sina Chester at Miko.” Pagpapatuloy nito.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama na lamang ako sa kanila. Dahil sa naging sagot ni Melody sa kaniyang tanong, matindi rin ang pagnanais ng aking mga kaibigan na maisama ako. “Sure, why not? Ano? Tara na?” Pag-aya sa aming lahat ni Melody.

Sabay-sabay kaming sumagot kay Melody. Matapos iyon, ay sabay-sabay na kaming naglakad lahat palabas ng kampus. Ilang minuto lamang ang aming paglalakad ng agad kaming nakakita ng isang maliit at medyo-lumang istilo ng kainan ‘di kalayuan sa Unibersidad.

Hindi na kami naghanap pa ng iba bagkus, agad kaming pumasok lahat sa loob ng kainan na iyon. Nang lahat kami ay mayroon nang pagkain. Bahagya kong inilibot ang aking tingin. Magkatabi sina Melody at Lewis, samantala, magkatabi naman ang dalawang lalaki na kasama ni Archie. At ako naman ay katabi ko si Archie na siyang nanlibre sa akin ng pagkain.

“By the way, mga kaibigan ko; Miko at Chester. Salamat at pinayagan ninyo kaming sumabay sa inyo na kumain.” Bigla pagsasalita ni Archie sa gitna ng aming pagkain. Napahinto naman kami sa ginagawa naming pagkain.

“Don’t mention it. Maliit na bagay lang iyon, Archie. Tsaka, ang guwapo ng mga kaibigan mo.” Pagsasalita ni Meloody habang patuloy siya sa ginagawa niyang pagpapaganda sa harapan ng dalawang binata sa kaniyang harapan. Napa-iling na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang aking mga kasama sa hapag na nagtatawanan.

Ngunit, agad rin iyong naputol ng may isang boses ng lalaki ang nagsalita mula sa aming likuran. At dahil doon, agad kaming napatigil sa aming tawanan. Nang lingunin ko ang taong iyon. Ibayong kaba, takot at inis ang agad kong naramdaman sa mga sandaling ito.

“Arthur, kailangan nating mag-usap na dalawa. Gusto kong makausap ka ngayon.”

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Where stories live. Discover now