Kabanata XXVII: Arthur

235 13 2
                                    

Nanlaki ang aking mga mata nang deretsahang sinabi ni Tyra ang salitan iyon. Halos sumabog ang puso ko sa samu’t saring emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Nang madapo ang tingin ko sa mga kaibigan ko, nakita ko silang umiiyak rin sa mga sandaling ito. Ngunit, muli kong naramdaman ng si Archie naman ang humawak sa aking pulsuhan, “Totoo ba ang sinabi ni Tyra?! Totoo ba?!”

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nakikita kong galit ni Archie sa akin. Napahawak na lamang ako sa aking bibig dahil sa sobrang pag-iyak na aking nagagawa. Nagsisimula na ring kapusin ako sa aking paghinga dahil sa walang labis na pagtigil ng aking luha.

“Totoo ang bagay na ‘yon,” napatingin naman ako kay Hanz na papalapit sa amin, “dahil ako ang nagsabi ng bagay na ‘yan kay Tyra. Isa ako sa mga magpapatunay dahil minsan na ako nabigyan ng serbisyo ni Arthur. And, guess what? Mahusay siya sa pagpapaligaya.”

Wala na akong magawa pa nang ipagtapat ni Hanz ang lahat-lahat sa harapan naming lahat. Napayuko na lamang ako sa harapan ni Archie at Tyra. Ilang sandali pa, may narinig akong isang malakas na sampal.

Nang iangat ko ang aking ulo, tumambad sa aking harapan ang galit na Melody. “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Hanz?! Ang patayin si Arthur sa harap ng lahat ng estudyanteng naririto ngayon?! Hindi ko alam kung ano ba ang makukuha mo kapag pinahiya mo ng husto si Arthur. Nagagalit ako ng husto.”

“Wala.” Nang marinig iyon ni Melody, isang malakas na sampal ulit ang natanggap ni Hanz sa kaibigan ko, “gusto ko lang maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko noong tinanggihan niya ako.”

“Archie…” pinilit ko ang aking sarili na makapagsalita kahit na nahibirapan akong huminga, “pasensya na kung itinago ko ang totoo sa ‘yo. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa ‘yo ang lahat. Kaya natakaot ako at itinago na lamang ang trabaho ko.”

“So, totoo nga?! Totoo ngang nagbebenta ka ng katawan para lamang sa maliit na halaga?! Nakakadiri ka pala, Arthur! Akala ko, iba ka sa kanilang lahat! Pero, nagkamali ako. Mas masahol ka pa pala.”

“Archie, Arthur had a reason kung bakit niya ginawa iyon. Please, listen up to him.” Pagpapaliwanag ni Melody.

“Melody, huwag ka nang gumatong pa. Pokpok ang kaibigan mo, that’s it. Hindi niya deserve ang lalaking dapat para lamang sa akin.” Tugon ni Tyra.

Ilang sandali pa, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakadapa sa damuhan ng quadrangle. Hindi ko alam na magagawa akong saktan ni Archie. Dalawang magkasunod na suntok ang natanggap ko sa kaniya. At hindi pa siya nakuntento ng bigla niyang hinablot ang aking buhok.

“You deserved all of this, callboy.” Ito na ang pinakamasakit na nangyaro sa akin. Makatanggap ng pisikal na sakit at makarinig ng mga salitang masasakit mula sa taong mahal mo.

Agad naman akong inalalayan nina Melody at Lewis. Halos wala na akong luhang mailabas, wala na rin akong lakas para gumalawa pa. Tila nagsipbing lantang gulay na lamang ako.

“Archie? Ganun-ganun na lamang ba? Matapos ang mga pinagsamahan ninyong dalawa, ganun na lang sa ‘yo kadali na itapon lahat ng iyon?” Narinig  kong tanong ni Lewis.

Habang hawak ako nila Lewis at Melody, nakita ko namang lumapit sa akin si Archie at marahas na hinawakan ang aking baba. “Hindi ako manghihinayang na itapon ang lahat sa amin. Dahil ayoko ng basurang tulad niya.”

Pinilit kong gumalaw, kahit nananakit na ang ibang parte ng katawan ko, lalo na ang parteng pinagsusuntok ni Archie. Ngunit, wala ang mga sakit na iyon kung ikukumpara sa sakit na natatanggap kong mga salita mula kay Archie.

“Pakinggan mo naman ako, Archie. Paano na ‘yong pangako mo sa akin na yayakapin mo ako sa pinakamadilim na parte ng buhay ko? Paano na lamang iyong relasyon natin?” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

“Arthur, halikana. Samahan ka na namin sa clinic para macheck-up ka ng mga nurses roon.” Pag-alalay sa akin nina Chester at Miko.

Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa. Pero muli ring naglandas ang aking mga luha dahil sa sakit na nararamdaman ko. “Wala nam kalimutan mo na ‘yon.”

Napayuko na lamang ako sa sinabing iyon sa akin ni Archie. Kahit ilang beses ko siyang kinulit na kausapin ako, tila nagtetengang kawali siya na pakinggan ang mga pakiusap ko.

Napalinggon naman kaming lahat ng muling nagwika si Tyra, “Kayong lahat, si Arthur Rodriguez, ay isang callboy. Nagbebenta siya ng laman kapalit and pagkatao at dignidad para lamang sa maliit na halaga. Nakaka-awa siya ‘di ba?”

“Tsk! Nakakadiri naman siya. Saka, sayang dahil ang guwapo pa naman niya.”

“Siguro kung may kapatid akong ganiyan, malamang ikakahiya ko at itatakwil ko. Nakakasuka ang tulad niya.”

“Nako! Buti may nagsiwalat na. Kundi, baka marami pa siyang mabiktima rito sa University.”

“Archie, hindi mo talaga pakikinggan ang sasabihin ni Arthur? Alam ko na may rason siya kung bakit niya itinago sa iyo ang bagay na ‘yon.”

“Hindi na mahalaga sa akin ang rason o kahit na anong dahilan mayroon siya, Chester. Niloko at pinaglaruan niya ako. Sapat na ‘yon para alisin siya sa buhay ko.”

“Hindi na ikaw ang tulad na Archie na kilala ko. Masyado ka nang matigas.” Nang marinig kong nagagalit sina Miko at Chester kay Archie. Agad akong tumayo para pigilan silang dalawa.

“Miko? Chester, ayos lang. Wala na akong magagawa pa sa ayaw makinig sa aki,” napakapit ako kay Chester ng pakiramdam ko ay babagsak ako, “salamat. Aalis na lang siguro ako para hindi na kayo madamay pa.” Tugon ko.

Agad namang lumapit sa akin sina Lewis at Melody. “Pero, Arthur? Kaya mo ba? Grabe na ang natamo mong mga sugat. Dalin ka na—” umiling na lamang ako kay Lewis ng maring ko iyon sa kaniya.

Dahan-dahan akong tumayo habang akay-akay ako nila Chester at Miko. Humarap ako sa kanilang apat, at nang makita ko ang mga tingin nila sa akin. Bakas roon ang matinding lungkot at pag-aalala. Ngunit, bago ako magdesisyong umalis sa Unibersidad, ngumiti muna ako sa kanila.

“Paalam na mga mahal kong kaibigan,” hindi ko mapigilan na muling maglandas ang aking luha pababa sa aking pisngi, “salamat, Archie sa pinakamaiksing oras na minahal mo ako. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon.”

Nang masabi ko na iyon kay Archie. Dahan-dahan akong maglakad. Hindi na ako lumingon pa, ngunit ramdam ko ang pagsunod sa akin nina Melody, Lewis, Chester at Miko.

Nang malapit na ako sa tawira, huminto ako upang tuluyang magpaalam. Ngunit, hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang silang nagtakbuhan palapit sa akin. Maya-maya pa ay narinig ko na silang nagsigawan. Ilang sandali pa, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahandusay sa kalsada, habang naliligo ako sa sarili kong dugo.

Bago ako tuluyang panlabuan ng paningin, isang tao ang aking naaninag na umiiyak at humihingi ng tawad.

“Arthur… Arthur… please, hold on! Huwag mo akong iwanan, Arthur!!!” nang marinig ko iyon, gumihit sa akingg labi ang tuwa at saya bago ako tuluyang walanan ng hininga.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Where stories live. Discover now