Kabanata X: Arthur

239 17 1
                                    

“Cheers! Sa wakas, muling makakapag-aral na ulit ang ating kaibigan na si Arthur!” Sigaw ni Mikaela sa amin, sabay taas sa hawak niyang baso na may lamang alak. At tulad niya, ganun rin ang aming ginawa na sinabayan pa ng tawanan naming magka-kaibigan.

Napuno ng tawanan at asaran ang apartment ni Mikaela, kung saan kami naroon ngayon. “Arthur, alam mo ba? Na sobrang saya namin dahil isa sa mga pangarap ang matutupad, simula ngayon. “ Ani sa akin ni Rusell. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi.

Hindi ko inaasahan na gagawin iyon sa akin ni Boss Adam. At dahil sa kaniya, ang pangarap kong makapasok muli at makabalik sa kolehiyo ay matutupad na. Siya ang naging daan at susi ko upang maabot ang munting pangarap ko.

Muli kong hinanap si Boss Adam upang tanungin kung para saan ang sobreng ibinigay niya sa akin. Alam ko na kailangan ko ng pera. At alam ko rin, na handa siyang tulungan ako upang muling makabalik sa kolehiyo. At ang sobreng hawak-hawak ko, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito, o, hindi.

Sobrang laking halaga ang iniabot niya sa akin. Sobra-sobra ito para sa mga papel at kailangan ko para sa pasukan. Hindi naman ako humihingi sa kaniya ng pera. Tanging hangad ko lamang ay ang suporta upang makapag-aral muli.

Habang naglalakad ako at palinga-linga, napatingin ako sa sobre na aking hawak. Malaking tulong ito sa akin, ngunit hindi ko ito puwedeng kuhain ng buo. Dahil alam ko rin na kailangan din ito ni Boss Adam. “Arthur, bakit ka narito? Ako ba ang hinahanap mo?” Nagulat ako ng biglang magsalita si Boss Adam mula sa aking likod.

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nagmula ang kaniyang boses. Nang makita ko ito, malawak ang ngiting ipinapakita niya sa akin. “Boss, hindi ko po ito, matatanggap. Sobrang laki po ng halaga nito.” Ani ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga naman ito sa naging tugon ko sa kaniya. Muli niyang ibinalik sa akin ang sobre na inabot ko sa kaniya. “Arthur, bigay ko ‘yan sa ‘yo. Kapalit ng pagiging masipag at dedikasyon mo sa trabaho. Alam ko naman, na hindi ka magtatagal sa lugar na ito,” paliwanag nito sa akin.

“Pero, boss…” Hindi ko na natapos pa ang aking pagsasalita ng agad niyang pinutol ang aking sasabihin.

“Tulad ng sabi ko at ng pangako ko sa ‘yo, handa akong tulungan ka sa abot ng aking makakaya. Iyang sobre na ‘yan, magagamit mo ‘yan para sa pag-aaral mo,” lumapit ito sa akin at marahan na hinimas ang aking ulo. “Tulad ng mga magulang mo. Ayokong manatili ka sa lugar na ito. Gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mo para sa kanila. Ayoko rin na habang-buhay kang narito. Dahil nakikita ko, na malayo pa ang mararating mo sa buhay, Arthur.” Hindi ko naiwasan ang mapaluha sa mga sinabing iyon sa akin ni boss Adam.

Agad akong napayakap sa kaniya habang patuloy sa paglandas ang aking mga luha sa aking pisngi. Hindi rin ako makabuo ng salita dahil napupuno ako ng emosyon. Kaya naman, agad na nagsalita sa akin si Boss Adam tungkol sa sobre na kaniyang ibinigay sa akin.

“Arthur, hindi mo kailangang isauli sa akin ang sobreng iyan. Dahil ‘yan ay pag-aari mo na. Ibinigay ko ‘yan sa ‘yo, wala naman akong kapalit na hinihingi – basta paghusayan mo lamang ang pag-aaral mo. Doon lamang, masaya na ako para sa ‘yo.”

Napabalik na lamang ako sa reyalidad matapos kong maalala ang taong nagbigay sa akin ng pag-asang makapag-aral muli. “Alam ninyo, sobrang saya ko ngayon. Dahil kay Boss Adam, matutupad na ang pangarap ko na muling makapasok sa kolehiyo. Siya ‘yong naging tulay at susi para matupad ang isa sa mga panagarap ko,” hindi ko napigilang maging emosyonal sa kanilang harapan.

Kaya siguro ako naluluha, marahil sa sayang nararamdaman ko. Binigyan ako ni Boss Adam ng bagong pag-asa. Tatanawin ko iyon ng isang malaking utang na loob sa kaniya. Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si Mikaela. Habang nakaupo ito sa aking tabi, marahan niyang hinahaplos ang aking likod. Nakaramdam naman ako ng bahagyang pag-gaan ng pakiramdam sa ginawa niyang iyon sa akin.

“Arthur, nahihiya kami sa nagawa namin kay Boss Adam. Hindi namin alam na…ganun pala ang layunin niya. Hindi namin inisip na, isa pala siya sa tutulong sa ‘yo sa mga pangarap mo. Kung hindi sana kami nagpadala sa emsoyon namin. Hindi sana namin mababastos ng ganun si boss.” Malungkot na pagtatapat sa akin ni Mikaela.

“Mikaela, Rusell, Jeff at Ryan, walang mali sa nagawa ninyo. Nauunawaan kayo ni Boss Adam. Alam niya kung gaano kayo nag-alala sa akin noong mga panahong iyon. Sinabi niya pa sa akin na, kung alam niya na ganun raw ang mangyayari. Hindi na para raw pumayag siya. Humingi rin siya sa akin ng tawad sa nagawa niyang iyon sa akin.” Ani ko sa kanila.

Napatingin naman ako kay Jeff ng magsalita ito ng malakas. Muling sumilay sa aking labi ang tuwa at ngiti na nais nilang makita sa akin palagi. “Nakaraan na ‘yon, guys. Ngayon, alam na natin na kasama natin si boss upang tulungan si Arthur sa kaniyang pangarap. Ang mahalaga, muli na siyang makakabalik sa kolehiyo,” kinuha ni Jeff ang kaniyang baso sa mesa at nilagyan ang aming mga baso ng alak. Muli nitong itinaas ang baso at sabay sabing, “Cheers! Para kay Arthur!”

Nagtawanan naman kami sa ginawang iyon ni Jeff sa amin. Ang suwerte ko, dahil kahit wala na akong mga magulang. Mayroon naman akong mababait na kaibigan at mabait na boss – na siyang boluntaryong tumulong sa akin. “Sabihin mo, Arthur. Salamat, Boss Adam!” Muli kaming nagtawanan sa sinabing iyon ni Mikaela. Napuno ang buong apartment ni Mikaela ng asaran, tawanan at hiyaan dahil sa mga pagpapatawang ginagawa ng aking mga kaibigan.

Hindi namin namalayan na isa-isa na pala kaming nakakatulog dahil sa lakas ng tama ng alak sa amin, marahil ay marami na rin ang aming nainom na alak. Habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan kong natutulog. At ramdam ko pa rin ang tama ng alak sa akin, hindi ko magawang makatulog. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa naging pagtulong sa akin ni Boss Adam.

Habang hinihintay ko sa Ryan upang samahan ako sa pagpunta sa isang malapit na Unibersidad dito sa lugar namin. Muli kong inabala ang aking sarili na tignan muli ang mga dokumento na aking isusumite sa kolehiyo na aking papasukan. Agad kong binuksan ang bag na aking hawak upang tignan ang mga papel kung kumpleto na ba ang mga iyon.

Isa-isa kong tinignan ang mga papel. At habang abala ako sa pagtingin sa mga iyon, isang larawan ang nahulog mula sa mga nakaipit na papel na aking hawak-hawak. Kinuha ko ang larawang iyon sa lapag. At nakita ko na ang litratong iyon ay ang aming kuha kasama ang aking mga magulang.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon