Kabanata XII: Arthur

234 14 0
                                    

“Hayop talaga ‘yang babaeng iyan. Pati ikaw, Arthur? Pagdidiskitahan niya?! Buti nga lang sa kaniya ‘yon. Edi, natikman niya ang sampal ko – na dapat noon ko pa ginawa sa malanding tulad niya!” Inis na pagsasalita ni Melody sa aming dalawa ni Lewis.

Hinila naman ni Lewis si Melody papunta sa gilid ng kampus upang tumabi sa daanan ng mgaa estudyanteng lumalabas ng Unibersidad. “Dito nga tayo, Melody,” tanging pagsunod na lamang sa kanilang dalawa ang aking ginawa. Nang makatabi na kami, agad na pinagpatuloy ni Lewis ang kaniyang pagsasalita. “Bakit ganun na lamang ang galit mo dun sa Tyra na ‘yon? May nakaraan ba kayong dalawa?” Kyuryos na pagtatanong ni Lewis kay Melody.

Napatingin naman ako kay Melody at hindi naman nakaligtas sa akin ang pagbungtong-hiningang ginawa niya. “Meron,” simpleng sagot nito kay Lewis. “Hayop siya. Dahil sa kaniya, kung bakit ako iniwan ng nobyo ko. Siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.” Nakita kong ikinuyom ni Melody ang kaniyang kamay. Marahil ay sa galit at inis na kaniyang nararadaman kay Tyra.

Lumapit naman ako kay Melody at marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. “Melody, mas mainam na munang huminahon at kumalma ka. Baka anong mangyari sa ’yo,” saad ko rito.

Napatingin naman sa akin si Melody at tanging pagtango na lamang ang naging sagot niya sa akin. “Si Tyra ang rason kung bakit nagkahiwalay kaming dalawa ni Prince. Inakit niya ito, nilasing hanggang sa may nangyari sa kanilang dalawa. Ang nangyaring iyon ay hindi alam ng kasalukuyan niyang nobyo.” Pagtatapat nito sa amin.

Nagka-tinginan naman kaming dalawa ni Lewis. At sa tinginan naming iyon, iisa lamang ang nasa aming mga isip. “Teka? Kung siya ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon ninyong dalawa, nasaan na si Prince? ‘Di ba dapat magkasama kayo ngayon?” Tanong ni Lewis kay Melody.

Napa-iling na lamang si Melody bago magsalita, “Hindi. Pinili ko na lamang na makipaghiwalay sa kaniya. Tutal, si Tyra naman ang kaniyang pinili. Ngunit, anong ginawa sa kaniya? Iniwan rin siya. Ayoko ng makisama sa kaniya, dahil nalawayan na siya ng iba.”

“Hindi mo na ba mahal ang dati mong nobyo? Sayang naman ‘yong pinagsamahan ninyong dalawa. Dapat nag-usap kayo ng maayos – baka puwede pang ibalik sa dati ang relasyon ninyong dalawa.”

“Arthur, kung puwede lamang, ay ginawa ko na. Pero, mas maayos na ‘yong ganito kami. Hindi naman ako ang nagloko, kundi siya. Siya ang sumira sa relasyon namin at hindi ako,” huminto sa pagsasalita si Melody. Napayuko ito at narinig kong muli itong napabuntong-hininga. “Sa totoo lang, mahal na mahal ko pa si Prince. But, everything has changed noong pinili niya ang babaeng iyon over me.”

“Bakit hindi mo subukang ayusin? Alam mo ba, na baka pagsisihan mo sa huli ang desisyon mong ito? Melody, it is not too late to fix your relationship with that guy named Prince. It will never be late than sorry.” Sa sinabing iyon ni Lewis, ramdam kong bigla na lamang nagdalawang-isip si Melody.

“I know, guys. Let destiny do his job for us. Kung kami talaga ang para sa isa’t isa. Handa akong tanggapin siya at kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin. I am willing to accept him, forgive him – if it is a fate or not.”

Hindi na kami sumagot pa ni Lewis sa sinabing iyon sa amin ni Melody. Bilang bagong kaibigan niya, kailangan naming respetuhin ang desisyong ginawa niya. At bilang kaibigan niya, handa akong tulungan at unawain siya – tulad ng ginawa niya sa akin sa harap ni Tyra.

Napabalik na lamang ako sa reyalidad ng may isang boses ang bigla na lamang nagsalita sa amin. Sabay-sabay naman kaming napalingon na tatlo sa taong nagsalita. “Anong ginagawa ninyo rito? Hindi ninyo ba alam na bawal ang istambay sa lugar na ito? You know, what? Nakakasagabal kayong tatlo sa mga estudyanteng lumalabas ng Unibersidad.”

Nagulat naman kaming dalawa ni Lewis ng biglang humakbang pasulong si Melody mula kay Tyra. At base sa tindig niyang iyon, halata sa kaniyang tapang na hindi siya magpapadaig kay Tyra. “Sino ba ang nakaharang sa ating dalawa sa daanan ng mga estudyante?” Huminto sa pagsasalita si Melody at lumapit pa ito ng husto kay Tyra. “Dapat sa basurang katulad mo, winawalis. Para mawala ang kalat sa daanan.” Dinig naming pagsasalita ni Melody kay Tyra.

“Melody, tara na. Huwag mo nang patulan ang babaeng iyan. Huwag mong hayaan na ibaba mo ang lebel mo, sa lebel na mayroon ang taong iyan. Hindi dapat siya pinag-aaksayahan ng oras at panahon.” Biglang pagsasalita ni Lewis kay Melody.

Narinig ko namang natawa ng malakas si Melody sa sinabing iyon ni Lewis sa kaniya. Matapos iyon, bigla na lamang nagbago ang itsura ni Melody. Kung kanina ay maamo pa ang kaniyang mukha, ngayon ay para na itong isang mabagsik na hayop. “Hindi mo ko kaya, Tyra. Kung inaakala mo na matapang ka. Patunayan mo muna sa akin ang tapang at lakas mo. Nakakalimutan mo ba? Basura ka.”

Matapos sabihin iyon ni Melody ay agad itong umalis. Agad naman naming sinundan si Melody. At habang naglalakad kaming tatlo, isang tao ang aking nakita sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Ilang araw na simula noong huli kaming nagkausap na dalawa. Ilang araw siyang hinanap ng aking mga mata, ngunit sadyang mailap ang taong ito sa akin.

Napatigil naman ako sa ginagawa kong paglalakad. Narinig ko namang tinawag ako ni Lewis, ngunit hindi ko inabala ang aking sarili na pansinin iyon. Bagkus, napako ang aking tingin sa taong ilang araw nang walang paramdam sa akin. “Arthur, sabi ko? Tara na. Sino ba kasi iyang tinitignan mo?!” Naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Lewis at sinundan nito ang aking tingin.

“Niloko niya ako, Lewis. Akala ko, totoo siya sa mga pangako niya. Akala ko, ako lang ang mahal niya. Agad akong nagtiwala sa taong akala ko ay totoo at tapat sa akin.” Hindi ko namalayan na sinabi ko ang mga salitang iyon kay Lewis.

Tama ba itong nakikita ko? O, sadyang namamalik-mata lamang ako? Ngunit, may isang parte sa akin, na nagsasabing totoo ang aking nakikita. Nahagip ko ang aking paghinga ng biglang napatigin sa akin si Hanz sa gawi ko. Napabitaw ito ng hawak sa kamay ng babaeng kasama niya.

Nananatili pa rin akong nakatingin sa kaniya at sa babaeng kasama niya ngayon. Walang mga salita ang lumalabas sa aking bibig. Ni hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at tatanungin kung sino ang kaniyang kasama.

Nakita kong lumapit si Hanz sa akin kasama ang babaeng iyon. Mas lalong tumindi ang kaba na aking nararamdaman habang papalapit sa aking kinatatayuan si Hanz. Nang tuluyan na itong nakalapit sa akin, akmang yayakapin ako nito. Ngunit, agad akong humakbang paatras mula sa kaniya.

“Ito ba ang rason, kung bakit hindi kita makita sa apartment mo sa tuwing pupuntahan kita? Bakit hindi mo agad sinabi sa aking ang tungkol sa bagay na ito, Hanz?” Sunod-sunod na pagtatanong ko mula sa kaniya.

Napakamot naman ng kaniyang ulo si Hanz sa naging mga tanong ko sa kaniya. Napatingin naman ito sa babaeng nasa kaniyang tabi. At base sa tinging ibinibigay sa kaniya ng babaeng iyon, tila nagtatanong ito kay Hanz.

“Sadyang marami lang talaga akong ginagawa sa opisina ko, kaya hindi mo ako nakikita o nadadatnan sa apartment kapag nagpupunta ka,” nagulat na lamang ako sa kaniyang ginawa. Bigla na lamang niyang hinawakan ang aking mga kamay at marahan na hinalikan ang mga iyon. “Totoo ang mga tinuran ko sa ‘yo. Sadyang marami lamang akong inaayos sa opisina ko. Hayaan mo, babawi ako sa ‘yo, oras na matapos ko na ang lahat ng iyon.”

Inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak niyang iyon. Sapat na sa akin ang aking nakita. Ayoko ng paasahin pa ang aking sarili na may isang taong tatanggap at magmamahal sa tulad kong callboy. Alam ko rin – na kaya niya lamang iyon ginawa sa akin, upang mapaglabasan niya ako ng init ng katawan niya.

Ayoko na rin na kumbinsihin ang sarili ko sa mga palusot ni Hanz, lalo na’t sa aking harapan na ang mga prowebang hinahanap ko. At sapat na ang mga iyon upang tapusin kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa. “Hindi mo na kailangan gawin iyon, Hanz. Dahil simula sa oras na ito, pinuputol ko na ang kahit na anong ugnayan natin sa isa’t isa. Malaya ka na rin na magagawa ang lahat ng gusto mo.” Matapos kong sabihin iyon, agad akong umalis sa kabiyang harapan.

Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Lewis. Kahit na patuloy akong tinatawag ni Hanz, tinigasan ko ang aking puso na huwag nang magpaloko pang muli sa kaniya. Ayoko ng maging tanga, sapat na ang ilang linggong panglolokong ginawa niya sa akin.

Mababa na nga ang tingin sa akin ng iba, hahayaan ko pa ba na lokohin at gaguhin ako ng mga taong nasa paligid ko? Tama lang pala ang ginawa ko. Sa trabaho kong pagiging callboy, wala dapat na emosyon o kahit na anong nararamdaman sa oras na ginagawa ang pagtatalik. Maaaring makasira iyon sa trabaho o sa akin mismo.


Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon