#19: Exchange Student

118K 4.3K 1.1K
                                    

~*~

I put on my clubmaster sunglasses and confidently walk towards the main gate of the university. Inayos ko ang black bag na dala ko at taas noong nilalampasan ng mga taong nakaharang sa dinadaanan ko. Mainit ang ulo ko ngayon kaya wala akong pake sa mga taong nadadaanan ko. Nakakainis lang kasi. I woke up at Adam’s crib last night. Like what the hell? Bakit ako napunta sa condo niya eh ang alam ko ay nasa bar ako. At alam niyo ang tanging sinagot niya sa akin? Tinawagan ko raw siya. Like the f-ck? I remembered calling Jade that night and not him!

“Hey, Rien!”

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag ng pangalan ko. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Nathan na tumatakbo papalapit sa akin. Agad nawala ang init ng ulo ko at numiti ng malawak sa kanya. Gosh, I missed him!

“Nathan.” Sabi ko.

Huminto si Nathan sa harap ko at agad akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na lang ito pinansin. Niyakap ko na rin siya at natawa sa inasta naming dalawa.

“God, it’s been weeks! I miss you so much.” Aniya.

Ngumiti lang ako. I also missed this jerk! Matagal tagal rin kami hindi naguusap ni Nathan. Ni text ay hindi namin nagawa.

“Ikaw kasi, nagtatampo.” Pagbibiro ko.

Kumalas naman sa pagyakap si Nathan at agad kinurot ang ilong ko. Ngumuso ako sa ginawa niya at agad siyang hinampas sa braso. Ginaya niya ang pagnguso kaya mas lalo akong nairita sa ginawa niya.

“Hey! I don’t pout like that.” Reklamo ko sa kanya pero agad naman akong tinawanan.

“Hey, I’m just joking!” ani ni Nathan na natatawa pa rin.

Ngumwi na lang ako sa sinabi niya at binelatan siya. I really missed this guy!

“So, hindi ka na galit sa akin?” tanong ko.

Umiling naman siya at ngumiti.

“Hindi na po!” aniya.

“Good. Let’s have lunch then.” Ani ko at ngumiti sa kanya.

Tumango naman siya at agad tinapik ang braso ko.

“Sure. Sige, una na ako. Bye, Xyra.”

Kumaway na siya sa akin at agad tumakbo papalayo. Kumaway ako pabalik kay Nathan at sinundan siya ng tingin. Nang hindi ko na maaninag ang anino ni Nathan ay sinuot ko ulit ang sunglasses ko at nagpatuloy sa paglalakad patungong classroom.

“Sabi daw nila may gwapong exchange student raw!”

Nilingon ko ang mga babaeng nasa likuran ko. Napailing na lang ako nang malamang si Mia ito kasama ang kaibigan niya. Right, the exchange student is going to transfer today. Ha.

His Gangster QueenWhere stories live. Discover now