#21: Tyler the Second

137K 4.4K 694
                                    

~*~

Walang gana akong naglakad papuntang parking lot. Ugh, I need a drink right now. I’m too frustrated today. Pinaglalaruan kasi ata ako ng tadhana ngayon. Kasi bakit kailangan ko pang makita ang pagmumukha ni Tyler sa ibang katauhan. Bakit pa? Para hindi ako maka move-on? Psh.

“I can still move on---“

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Patrick na nakasandal sa kanyang sasakyan at may dinudungaw sa cellphone niya. Tinaas ko ang kilay ko at tinitigan siya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin. I really admit their phyisical appearance are the same. Pero sa ugali? Mukhang magkakalabuan tayo dyan.

Masungit. Arongante. Self-centered---

Yes, I know. Wala pang isang araw ang nakaraan at hinusgahan ko na siya ng napakasobra. Pero what the hell, I don’t care. Bitter ako sa pagmumukha ng gagong iyon. Mas gugustuhin ko pang kamukha niya si Adam kahit bwisit na bwisit rin ako sa mukhang iyon o di kaya kay Nathan pero kay Tyler? Damn, bakit mukha niya pa. Kainis! Namayapa na si Tyler tapos---

“Am I really that handsome and hot?”

Nagising ako sa realidad nang may biglang nagsalita. Napatingin ako kay Patrick na ngayon ay nasa harapan ko na at nakamulsa. Kinunot ko ang noo ko at napatingin sa mukha niya. Those features are very damn same from Tyler’s. Ngayon, masasabi ko ba talagang hindi siya si Tyler.

“Are you really---“

“What if, I’ll say to you that I’m not Patrick but Tyler?” kunot noo niyang tanong.

Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko at mas tumitig sa mga mata niya. Ang sarap umiyak sa harap niya at magmakawang sana siya na lang si Tyler. I have been so shattered, broken for so many damn times. And now, a face that really looks like Tyler appeared in front of me? Huh, I will be very desperate to insist that he is my Tyler.

“What? Can’t answer my question?” panunuya ni Patrick.

I closed my eyes. Right, he’s Patrick and not Tyler. I should stop hallucinating right now and move one.

“I can’t because there is no possibility that you are Tyler.” I lied.

Nilampasan ko naman siya at mabilis na naglakad patungo sa sasakyan ko. I can’t stay longer looking at him intently at baka mabaliw lang ako ng husto.

Don’t get me wrong, masyado lang talaga akong shock sa pangyayari ngayon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.

Mabilis akong sumakay ng sasakyan at agad dumaretso ng bar. I need a drink. 

“Blue Label, please.” Utos ko sa bartender at umupo sa counter.

Agad namang tumango ang lalake at nagsalin ng mga shots para sa akin. Huminga ako ng malalim. Ang lakas lakas ng transition ng music sa bar na ito, pero sa ngayon ay wala na akong pake. Ang gusto ko lang ay makalimot ngayon.

His Gangster QueenWhere stories live. Discover now