#1: Senior's Ball

375K 8.2K 1.1K
                                    

Magsisimula na ang mala roller coaster ride! Omg so excited. Hi sa inyo! 

~*~

[Rien's Pov]

Padabog akong pumasok sa boy’s dormitory kahit alam kong labag ito sa academy rules. Kitang kita ko ang mga gulat na mukha ng mga lalake nung makita akong nasa kanilang teritoryo. Pero wala na akong panahon para murahin pa sila dahil isang tao lang ang pinunta ko rito.

*TOKTOK*

“TYLER LAWRENCE MONTEREAL! LUMABAS KA DITO!” sigaw ko.

Bigla naman nagsilabasan ang mga lalake sa kabilang kwarto at gulat na gulat na nakatingin sa akin. Pinandilatan ko lang sila ng mga mata kaya bigla silang nagsitakbuhan papasok ulit ng kanilang mga kwarto.

“HOY MONTEREAL! BUBUKSAN MO BA ANG PINTUAN O GUSTO MONG SIRAIN KO ITO!” sigaw ko sa labas.

Bumukas naman ang pintuan at nakita ko ang iritadong mukha ni Pierce ang bumungad sa akin.

“Uhm... good morning Rien?”

Hindi ko na siya pinansin pa at sapilitang pumasok sa kanilang dorm. Agad kong hinanap sa apat na sulok ng kwarto si Tyler.

“The hell! Nasaan si Tyler?” galit kong tanong at hinarap si Pierce.

Napakamot naman ng ulo si Pierce at tinuro ang banyo.

“Naliligo. Teka nga, bakit ba ang init ng ulo mo?” tanong niya.

Humalukipkip at umupo sa kama ni Tyler.

“I know Tyler is full of surpsries pero this one is kind of embarassing!” galit kong sigaw kay Pierce.

Nagtimpla naman ng juice si Pierce sa mini kitchen nila. Yeah, rich kid dorms are like condo. Binigay niya naman ito sa akin kaya agad ko naman itong ininom.

“Relax Rien! Bakit? Ano bang surpresa ni Tyler sa iyo?” natatawa niyang sabi.

Pumula naman ang pisngi ko dahil naalala ko nanaman ang kahihiyang ginawa ni Tyler. He’s a gangster but he’s really vocal to what he feels. Hindi siya nahihiyang ipagsigawan sa lahat kung ano ang kanyang nararamdaman. A gangster with a good heart.

“M-may nakasabit kasi na tarp dun t-tapos...” napapikit ako sa kahihiyan bigla ata nawala ang galit ko.

“Tapos ano? Ano bang nakalagay sa tarp, Rien? I.Love.You?” panunuya ni Pierce sa akin.

Dahan dahan naman akong tumango. Humagalpak na sa tawa si Pierce at ako naman ay napaface palm. Damn it, Tyler. Bumukas naman pintuan galing banyo kaya agad naman akong tumayo at hinarap si Tyler.

“HOY TYLER ALISIN MO NGA----“

Hindi ko natapos ang sabihin ko at agad na tumalikod. Shit, wala man lang warning galing sa kanya na half naked siyang lalabas sa banyo. He’s also damn hot wet. Di ko kayang titigan ng matagal ang heat inducing abs niya.

His Gangster QueenWhere stories live. Discover now