#24: In a Fake Relationship

132K 4K 322
                                    

Sorry for the delay, walang internet nung weekends huhuhu

~*~

I can't help but think about what happpened yesterday between me and Patrick. I'm in a fake relationship with him for a week. What am I thinking? Bakit ba ako pumayag sa gusto niya? Gusto ko rin ba ito? Nababaliw na ba talaga ako?

"Gusto mo bang suntukin pa kita para matauhan ka na?"

Nagising ako sa realidad at napatingala sa babaeng nasa harapan ko. Peke siyang ngumisi sa akin kaya binigyan ko rin siya ng pekeng ngiti. We're civil for the moment since kailangan namin ito. Since we are still a team.

"No thanks, Savannah." Sabi ko at tumayo na sa bench na inuupuan ko.

Nasa garden kami ng bahay ng pamilya ni Savannah ngayong araw dahil mag-uusap ang gang tungkol sa upcoming plans para sa kalaban namin. I'm just here for support. Hindi muna ako sasali sa pakikipaglaban hangga't hindi ko natatapos tong in a fake relationship ko kay Patrick. Pangako, pagkatapos nito ay babalik rin sa dati ang lahat.

"Hey." Tawag sa akin ni Savannah.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"This was bothering me for a long time now and I can't waste another minute to ask you this."

"That I'm very damn hot ang gorgeous? Of course I am---"

"Shut it." Iritadong sabi ni Savannah. "That's not even my question, geez."

Tumawa ako para hindi maging awkward ang paligid para sa aming dalawa. Kahit kailan talaga ang dali niyang mapikon sa akin.

"Then what's your question?" natatawa ko paring sabi.

"Do you like Adam?"

Tumigil ako sa pagtawa at seryosong tinignan si Savannah. She finally asked me the ultimate question between me and Adam.

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

Pilit na ngumiti sa akin si Savannah. Kitang kita na nahihirapan siyang tanungin ito sa akin at baka masaktan siya sa isasagot ko. However, hindi naman kasi niyang kailangan matakot dahil pabor sa kanya ang isasagot ko. I actually know that he likes Adam, alot. Kaya hindi ko na guguluhin pa ang relasyon dilang dalawa.

"You almost kissed." Sabi niya at umiwas ng tingin.

"I like him as a friend but not in a romantic way so don't worry." Sabi ko at nagkibit balikat.

"You sure?" pagdududa niya.

Ngumiti ako para bigyan siya ng kasiguraduhan at tumango. Ngumiti rin siya pabalik at nagpaalam na sa akin dahil kakausapin niya pa raw si Adam.

Nakangiti akong sinusundan ng tingin si Savannah na papalapit kay Adam. Lumingon si Adam sa direksyon ko at biglang kumaway. Kumaway rin ako pabalik pero agad iniba ang direksyon ng tingin, baka kasi hindi maniwala si Savannah sa sinabi ko sa kanya.

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at binasa kung ano ang nasa text.

From: +6392290019**

Let's have lunch together?

Napakunot ako ng noo. Unknown number? Bihira lang akong nakakatanggap ng unknown number. At eto pa, bakit niya ako niyayaya. Sino ba to? Agad naman akong nagreply sa kanya. Wrong number ata ang taong ito. Tss, hindi man lang nagpakilala kung sino.

To: +6391190019**

Wrong number.

Binalik ko naman kaagad ang cellphone sa bulsa ko at nilapitan ang Cryptic Vipers na ngayon ay nagtatawanan. Ngumiti silang lahat sa akin at binati ang pagbabalik ko raw sa gang. Ngumiti ako pabalik at umupo sa bakanteng upuan which is sa tabi ni Adam.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon