#23: Heartless

123K 4.2K 775
                                    

Omg, Hope you'll like this update! Hahaha.

~*~

“F-cking brix man! Kamukha niya talaga si Tyler no doubt!” sigaw ni Dylan habang nasa harap kami ng pagkain.

Every Friday, sabay kaming naglulunch ng mga high school friends ko. Namiss ko na din sila eh kaya heto napagpasyahan naming sabay kumain every Friday. Hindi rin kasi tumutugma ang mga sched namin kaya once a week lang kaming nagkikita lahat.

“That was two weeks ago.” Sabi ni Charlotte.

Tahimik lang akong kumakain habang sila naman ay puros Patrick ang pinag-uusapan. Pati ba naman dito kailangang marinig ko ang pangalan niya.

“Are you okay? Them, making fuss about Patrick?” biglang tanong ni Nathan at hinimas ang likod ko.

Tumango naman ako at ngumiti.

“Yup.”

“You sure? Hindi mo na ba aalamin kung siya ba talaga si Tyler?”

Nilingon ko si Nathan at nagkibit balikat. I don’t know. There’s a part of me na pwedeng siya nga si Tyler. Pero mas malaking parte iyong nagsasabing hindi. Sa mahigit dalawang linggo niya dito, nalaman kong baliktad nga sila ni Tyler. Walang pake sa academics, puro pambabae, gusto ng atensyon, mayabang, arogante, yan si Patrick. Puros harot lang alam ng gagong yun.

“I don’t know.”

Bigla namang umingay ang cafeteria. Binalot ng tilian at bulungan ito nang biglang pumasok si Patrick. Napakunot ang noo ko, you atensyon seeker jerk!

“Instant heartthrob?” gulat na tanong ni Pierce.

I just shrugged my shoulders. I really don’t care if he’s a heartthrob in this university. Oh actually, I should not care. Sino ba siya para bigyan ko ng pansin.

“Damn it, he really looks like---“ Charlotte

Hindi naituloy ni Charlotte ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang binatukan ni Jade. Hilaw akong ngumiti sa kanila. Kailangan kong ipakita na hindi na ako naapektuhan kung kamukha niya man si Tyler. Kailangan ko ring paniwalaan ang sarili kong hindi siya si Tyler.

“Stop it Charlotte, move on na si Rien oh!” sabi naman ni Jade.

Lumingon naman silang lahat kay Jade na parang nagtataka.

Oh no. Wag mong sabihin ang sinasabi mong move on ay yung nakita mo nung isang araw. Not that kind of move on, Jade!

“Move on? Paano?” nagtatakang tanong ni Dylan.

“I saw Rien and Adam---“

Agad kong tinakpan ang bibig ni Jade at pinandilatan siya ng mata. Nakakainis, iba talaga ang nagagawa ng Jade Dela Cruz. Lahat ginagawan ng malisya. Tss, Mabuti na lang at naputol ko pa ang sasabihin niya at baka maniwala pa silang lahat pagnaituloy niya iyon.

His Gangster QueenWhere stories live. Discover now