#29: Under the Rain

109K 3.8K 427
                                    


~*~

"He's really unbelievable." Bulong ko sa sarili habang nakasakay sa kotse ni Adam.

Nakita ko naman sa peripheral view ko ang pabalik balik na lingon ni Adam. Gosh, ito na iyong hinihintay kong tyempo para makausap si Adam tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.

"Who's unbelievable, Rien?"

You and Patrick! Seriously!

Pero sa ngayon, hindi ko makayang sikmurain ang pagiging maalahanin ni Patrick sa akin. I mean, Patrick? A person who cares for someone? No way. Sa mahigit na isang buwan kong pagkilala sa kanya ay alam kong hindi siya ganun.

"It's nothing, Adam." Sabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Am I going to say the word now or later? Gustong gusto ko na kasing isabi sa kanya yung totoo.

"Look." Sabi ko at nilingon si Adam. "About last—-"

"We're here." Ani ni Adam at pilit na ngumiti.

Damn, wrong timming.

Mabilis akong lumabas ng kotse niya at napatingala sa isang malaking gym. Tinaas ko ang kilay ko. This would be interesting.

Nagsidatingan na rin ang iba pang myembro ng Cryptic Vipers, at kasama na duon si Savannah.

"Sav—-" pagsubok kong pagtawag sa kanya pero bigla siyang lumayo.

Sigh, I get it. You hate me.

Hindi ko na lang siya pinansin at nakipagkumpulan na lang rin kasama pa ang ibang mymebro ng CW para magplano kung ano ang kailangang gawin sa gang fight. Pero habang naguusap kaming lahat ay hindi ako makapagconcentrate dahil panay vibrate ng cellphone ko. Sh-t, sino ba tong lokong to na tawag ng tawag?

"Are we all ready?" Tanong ni Adam.

Nagsitanguan naman yung iba kaya tumango na lang rin ako kahit hindi ko ganun naintindihan ang plano.

"Ok ka lang ba, Rien?"

Napalingon ako kay Adam na nakakunot noong tumango sa akin. Tinaas ko ang kilay ko.

"Yes, I am."

"Balisa ka kasing tignan." pagaalala niya.

"F-ck it, pwede bang wag sa harapan ko?"

Natahimik kaming dalawa ni Adam at napalingon kay Savannah. Oh andito na pala siya. Pero bwisit, Wala akong alam kung ano na ba ang namamagitan sa kanila pero parang ang bitter pakinggan ni Savannah. Nasabi na kaya niya yung nararamdaman niya para kay Adam?

"Savannah." Pagbanata ni Adam

Inirapan niya lang ito at nagwalk-out.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagvibrate ulit kaya hindi ko na pinatagal pa at sinagot na ang tawag.

"Ano?" Galit kong tanong.

Wala namang sumagot sa kabilang linya. Tinignan ko naman screen ng cellphone ko at si Patrick ang tumatawag. Weird, walang sumasagot.

Nilagay ko ulit sa may tainga ko ang cellphone.

"Patrick?"

"Do you want him alive?"

Biglang nanlaki ang mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko. Bakit parang iba ang nararamdaman ko? Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Who's this?"

Narinig ko naman ang isang halakhak sa kabilang linya. Patrick's in trouble? But why? Sino naman ang may gustong patayin si Patrick? Hindi kaya ang taong nagpapadala ng black rose?

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon