Goodness! This is the second time ngayong araw. Meron pa ba mamaya, hah?!


"You dare talk back to me?! Parang hindi ka naman tinuruan ng tama," galit niyang saad.


Sana din naman tama ang judgement niyo.


Napahawak nalang ako sa pisngi na sinampal niya ngayon at kaninang umaga. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kusa nalang na tumulo.


"This is your second time this day, at hindi ka pa natuto?! Ihanda mo nalang ang sarili mo pag-uwi natin," sabi niya sabay turo sa'kin at naglakad na paalis.


Napahinga nalang ako ng malalim. Ayoko na dito. Bakit sa lahat-lahat ng tao sa mundo, sa akin pa nangyayari 'to? Sarili ko pang kapatid ang sumisira ng buhay ko. Pati mga magulang ko naniniwala sa mga kasinungalingan niya.


Pinahid ko nalang ang mga luha ko at dali-daling umakyat sa Mansion at dumiretso sa kwarto at doon sumalampak. Goodness!


Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung papatulan ko ba sila o hahayaan nalang. Hindi na ako kumain at natulog nalang. Pagod na rin ako dahil sa lahat ng nangyayari ngayong araw.

 

⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅


Kinabukasan, may mga relatives na kaming umuwi na. Malayo pa kasi ang uuwian nila. Kami? Ewan ko kung kailan kami aalis. Pero, the moment na makakaalis kami dito malalagot na ako kay Mama at Papa.

Paniguradong grounded ako ng isa o dalawang linggo. Ang daily allowance ko magiging half nalang. Ang cellphone tsaka laptop confiscated din. Wala ring wifi connection at magko-commute pauwi.

Maraming beses na rin akong na-grounded, ni hindi ko na nga mabilang. No'ng una, it was so difficult but nasanay na rin ako, because I know na mangyayari pa 'yon ulit. But ang hindi ko lang matanggap ay 'yung maparusahan ako sa mga bagay at kasalanang hindi ko naman ginawa.

Pero kahit ano namang paliwanag ko ay hindi naman ako pinakikinggan. It's so funny na my younger sister manipulated my parents at kayang sirain ang buhay ko.

But anyway, ang akala ko ay masaya ang reunion at celebration ng birthday ni Lolo, pero boring naman pala. Well, except for the time na nakakita ako ng painting na kamukha ko ang isang tao do'n.

That was so funny though. Totoo ba talaga 'yon?


"Chestin? Bakit hindi kita nakitang kumain kagabi?" Napalingon ako nang marinig ko ang isang boses at nakita ko si Lola Cela na papalapit sa akin.


Nakatambay lang kasi ako sa Second House dahil wala akong magawa sa kwarto, at wala na din naman ang mga relatives namin.


"Ah, nakatulog po kasi ako eh." Sagot ko at nginitian siya ng konti.


"Nga pala, Lola, sorry po pala kahapon. Hindi ko po sinasadyang sagutin kayo ng gano'n," dugtong ko. Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.


Sa Taong 1890Место, где живут истории. Откройте их для себя