Chapter 26

1.6K 80 42
                                    

Umawang ang labi niya kasabay ng pagsasalubong ng mga mata nila. Mula sa mabirong ngisi ay unti-unting sumeryoso ang mukha ni Vince.

Alam ni Sherin na dapat niyang alisin ang kamay, pero waring naestatwa na siya.

"Wala ka bang balak alisin ang kamay mo, mahal?" ani Vince. Ang mainit na hininga niyo ay tumatama sa kanyang mukha.

At legit.

Maging si Sherin ay nalango na ring bigla. Dahil imbes na alisin ang kamay ay lalo niya iyong ipinasok sa bulsa ng fiance.

"Mahal..." ani Vince na lalong nanliit ang mga mata. "Baka kung ano ang mahawakan mo diyan," bulong nito.

Lumunok siya, "Bakit? Ano bang meron dito?" aniya na tuloy pa rin sa pagkapa sa bulsa nito habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Vince.

Hinapit siya ng fiance, "Ahas, mahal. Mag-ingat ka. Nanunuklaw 'yan," anito na pinaulanan ng halik ang mukha niya.

At imbes na matakot ay kabaligtaran noon ang naramdan niya. Itinaas niya ang mukha, bahagyang iniawang ang labi. Pero maliban sa pisngi, noo, mata, baba at ilong ay sa gilid ng labi lang siya hinahagkan ni Vince. Sa wari'y sayang umiiwas itong hagkan siya sa labi.

"Hindi naman yata makamamatay ang kamandag ng ahas dito," aniya, lalong inilapit ang katawan kay Vince habang tinatanggap ang mga mumunting halik nito sa kanyang mukha.

"Nakabubuhay ang kamandag niya, mahal," anito na iginitgit ang ibabang bahagi ng katawan sa kanya.

Napalunok si Sherin. Nang magtagpo ang mga mata nila ay biglang pinangapusan ng hininga si Sherin. Kinagat niya ang labi.

Hindi matukoy ni Sherin kung ano ang eksaktong pinanggaligan ng lakas ng loob niya, pero walang pag-aalinlangang kumilos ang kamay niya pababa.

Sabay silang humigit nang hininga ni Vince lang tuluyang sakupin ng palad niya ang hinaharap ng binata.

Matapos ang ilang saglit na pag-uusap ng mga mata nila ay kumilos ang kamay ni Vince. Pumukit si Sherin, ang nakaawang na labi ay itinaas niya palapit sa labi ni Vince.

Pero napamulat bigla si Sherin dahil inalis ni Vince ang kamay niya.

"May pupuntahan pa tayo, mahal," anito sa mababang boses, binitawan siya at saka umatras. Umigting ang mga panga, maging ang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom.

"Ano?" naguguluhang tanong ni Sherin.

"May pangako ako sa kuya mo na pupunta ako do'n. Inaantay tayong tiyak ng mga kuya mo," anito habang sunod-sunod na humihinga ng malalim.

Nagsalubong ang kilay ni Sherin. Pinaghalo ang inis at frustration na nadarama.

"Seriously? Gusto mong umalis tayo? Now na?" aniya na biglang humalukipkip. Kailangan niyang gawin iyon kung hindi ay baka mabigwasan niya sa asar ang fiance.

Lumunok ito at saka tumango, "Oo. May lakad tayo, di ba? Alis na tayo. Ngayon na."

Tuluyang nainis si Sherin. Nanliit ang mga mata niya, "Hindi tayo aalis lalo na't nakainom ka. At Vince, hindi ko gusto na mukang napapadalas ang pag-iinom mo, ha."

Tumaas ang kamay nito, masuyong hinaplos ang pisngi niya, "Tingnan mo itong mahal ko, parang hindi ako kilala. Alam mo naman na kapag may okasyon lang ako umiinom, di ba? Nagsunod-sunod lang ang mga bagay na isine-celebrate ko ngayon. At saka alam ko naman ang alcohol limit ko. Hindi ako nalampas doon, lalo na kung magda-drive ako."

Pinalis niya ang kamay nito at tiningnan pa rin ng masama, "Mula ngayo'y hindi ka na pwedeng magdrive kapag nakainom ka. Paano kung maaksidente ka? Be responsible, Vicente."

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now