Chapter 16

707 66 13
                                    

Kahit nagmamadali ay napatigil si Sherin at nilingon ang matandang kasunod niyang tumigil sa gilid ng kalsada, "Tatawid din po kayo, lola?" Nang tumango ito ay ngumiti si Sherin, "Ako na po ang magdadala," aniya na hinawakan ang ecobag na dala nito.

Late na siya sa usapan nilang magkakaibigan. Ayon kay Jeraldine ay may mahalaga itong sasabihin sa kanila kaya nagyaya na maglunch sila sa labas. Kanina pa siya tinetext ng mga ito, pero hindi naman niya basta maiwan ang nobelang isinusulat kaya tinapos muna niya ang naumpisahang chapter saka lumabas ng bahay.

Luminga siya sa magkabilang side ng kalsada. Malayo pa ang sasakyan sa kabila, pero sa gawi nila ay may big bike na parating. Malayo pa naman ang motor pero matanda ang kasama niya at impossibleng makalakad nang mabilis. Itinaas na lang niya ang kamay bilang palatandaan na tatawid sila.

Nang malapit na ang motor ay tumigil ito. Nginitian niya ang rider bilang pasasalamat. Hindi niya kita ang reaksyon ng nakahelmet na rider pero alam niyang naunawaan nito dahil tumango pa ito. Sabagay, mukang maayos na rider naman ito kung pagbabatayan ang sticker na nakadikit sa big bike. Philippine Army sticker.

Pero marami ding nagdidikit ng gano'n sa motor at sasakyan para makaiwas sa huli kapag kay violations. Nagkibit-balikat na lang si Sherin at itinuloy ang pag-akay sa matanda. Nang makatawid ay ipinara pa niya ng tricycle ang matanda bago siya pumasok sa katapat na restaurant.

"Dumating din," ani Angelie na nakaismid.

Ngumiti siya, "Huli man daw at magaling..."

"Late ka pa rin!" putol ni Shanina sa sasabihin niya.

"Ang tagal mo. Upo ka dito at tsikang-tsika na kami," ani Armida.

Uupo na sana siya sa bakateng bankong katabi ni Jeraldine nang bigla itong magsalita. "Si Owen diyan. Malalate lang daw sila at pumunta pa sa site no'ng ipapatayong bahay ni Vince."

Nagkibit-balikat siya at maupo sa katabing bangko ni Armida.

"Si Vince, magpapatayo ng house? May serious girlfriend ba ngayon ang mokong na 'yon?" ani Angelie.

"Ang tamang tanong ay kung nagka-serious girlfriend ba ang lalaking iyon," natatawang sansala ni Shanina.

"May point," tumatawang sagot ni Armida. "Pero ang alam ko' y walang serious o kahit passing girlfriend ang bolerong iyon ngayon. Ilang buwan nang break 'yon sa huling girlfriend, eh. Pero wala akong nababalitaang pinopormahan ngayon," ani Armida.

"Pero magpapatayo na siya ng bahay?" ani Angelie. "Interesting."

"Ano naman ang interesting doon? Ikaw man ay nagsosolo at may sariling bahay na years ago pa," ani Sherin.

"Paano'y wala naman akong pamilya at sariling bahay na matatawag kaya kumuha ako ng sarili ko," kibit-balikat na sagot ni Angelie. "Pero si Vince? As par as I know, mabait ang parents niya at may masaya siyang pamilya. So, interesting kung bakit biglang-bigla, naisipan niyang magpatayo ng sariling bahay."

"Baka magseseryoso na sa buhay," ani Shanina.

"Malamang sa malamang. Baka tinamaan nang matindi-tiding pana ni Kupido ang pobreng mama," sagot ni Jeraldine.

"Teka lang, hindi ako naniniwalang ang walang kaseryosohang lovelife at buhay ni Vince ang dahilan ng lunch meeting na ito. Anong meron at may paganito?" ani Sherin na tiningnan ang mga pagkain na nasa lamesa. Wala pang nag-uumpisang kumain sa mga kaibigan niya.

Ngumiti si Jeraldine, "Dahil kumpleto na tayo, pwede ko nang ipakita ito," anito na itinaas ang kaliwang kamay. Sa ring finger nito ay may nakasuot na engagement ring.

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now