Chapter 21

778 57 24
                                    

"Bigas at sardinas? Seryoso?" ani Sherin na napamaang sa kausap na lalaki. "I mean, makikipagbakbakan kayo, pero kailangan niyo pang magluto?" Muli niyang naibaba ang kutsarang isusubo sana.

Ngumiti si Jason, "Kapag engkwentro na, kahit kumain, hindi na namin magawa."

"Exactly! I mean, naulan ng bala sa paligid mo and yet, ang dala ninyong pagkain, kailangan mo pang iluto? Seryoso ba 'yon?" Pinaghalong habag, paghanga at respeto ang naramdaman ni Sherin habang nakatingin sa lalaki.

"That was before. Ngayon naman ay may MRE na kami mula sa counterpart natin sa US. Meal ready to eat na tubig na lang ang idadagdag, makakain mo na. 'Yon nga lang, kapag nasa engkwentro ka, hindi ka rin naman makakain," kibit-balikat na sagot nito.

"Kahit naman yata sino. Kahit ako, kahit lechon ang kaharap ko, kung umuulan ng bala, magpapass din muna ako," ani Owen matapos bitawan ang cellphone. Kasama na nila sa lamesa ang lalaki. Inimbita ito ni Jason nang makitang nag-iisa na dahil umalis na ang mga kausap kanina. Si Matteo ay kailangan na rin daw umuwi dahil sa Manila pa babalik.

Sa wari ni Sherin ay bigla siyang nabusog. Tuluyan na niyang binitawan ang kubyertos. "So, nakakakain lang ang tropa ninyo kapag nagkakaroon ng break sa barilan?"

"Hindi pa rin," umiling pa si Jason nang sabihin iyon, "Ang kasunod na gagawin namin ay planning kung pursuit or ex fil na."

"Kapag pursuit pa, bye-bye food na talaga muna?" ani Sherin na lalong tumindi ang respeto sa sandatahang lakas.

Tumango si Jason.

"Kapag ex fil kakain ba muna kayo bago bumalik sa base?" ani Owen, katabi ito ni Jason at ito na lang ang kumakain sa kanila. Si Jason ay kanina pa naubos ang pagkain sa plato.

"Depende. Pero madalas diretso balik na sa detachment lalo na kung alam namin na hindi pa totally secured ang lugar. Sa kampo na ang kain, tulog at pahinga."

Napailing si Sherin. Ngayon niya naunawaan kung bakit ang bilis nitong kumain kanina. Force of habit marahil. Kung sanay siyang makipag kwentuhan at tawanan pa habang kumakain, sa linya ng trabaho nito ay luxury iyong maituturing.

"Hindi ba kayo natatakot? I mean, everytime na may raid kayo, hindi ninyo masasabi ang pwedeng mangyari," aniya habang nakatitig sa lalaking katapat.

"Mas nakakatakot ang pwedeng mangyari sa bansa natin kung hindi kami gagawa nang paraan na masupil sila. We are soldiers first and foremost. We know what we signed up for, unang araw pa lang. We never allow our fear overcome our sence of duty, our sence of honor and our sence of manhood. At may kasabihan kami sa Army - kapag oras mo na, oras mo na."

Napailing si Sherin. Ilang sandali siyang walang maisip na sabihin.

"Ito ang trabaho namin, at tanggap na namin ang katotohanang iyon." Bakas ang katatagan at kapanatagan sa mga mata ng binata na animo'y hindi kamatayan ang pinag-usapan nila. Pero makalipas ang ilang saglit ay unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha nito, "Isang karangalan ang mabalutan ng bandila ng Pilipinas. Sabi nga sa pambansang awit natin - ang mamatay nang dahil sa iyo."

May gumapang na kilabot sa balat ni Sherin. Isang karangalan para sa kanya ang makakilala ng lalaking katulad nito. Umpisa pa lang ay mataas na ang respeto niya kay Jason. At ngayon ay nadagdagan pa iyon ng paghanga.

"You deserve all the praises in the world, pare. Habang kami ay natutulog nang matiwasay, kayo ay hindi na halos kumakain, wala pang maayos na natutulog kapag napasabak sa giyera," ani Owen.

Pilit ngumiti si Sherin, "Agree ako sa sinabi ni Owen. Grabe ang level ng patriotism mo. Lahat ng himaymay ng katawan mo, at kahit sa dugo mo, pagmamahal sa bayan ang nakatatak. Hindi sapat ang salitang 'salamat sa serbisyo' sa lahat ng sakripisyong ginagawa ninyo sa military."

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now