Chapter 20

797 58 30
                                    

"I have nothing but mad respect for you, bro," ani Vince. "Thank you sa serbisyo mo sa bansa."

Tuluyan nang nawala at inis ni Sherin sa kababata, pero ang pagdududa ay nasa isang sulok pa rin ng kanyang puso. Gayon pa man ay nagpapasamalat pa rin siya sa kadaldalan ni Vicente. Nakukuha niya ang mga impormasyong kailangan na hindi niya kailangang magsalita nang magsalita. Ini-on na lang niya ang sound recorder app at nakinig sa kwentuhan ng dalawa.

Nakarating sila sa Sta. Cruz nang hindi niya namamalayan. Dahil sa kwentuhan nang dalawa ay nalaman na niya ang mga nangyari mula sa pagpasok si Jason sa PMA, paggraduate nito, sa tatlong taong active duty sa army bago sumalang sa training para maging isang Scout Ranger. Pero napansin pa rin niyang may mga pagkakataong hindi direktang sinasagot ni Jason ang mga taong ni Vince, lalo na kung tungkol sa military tactics na ginagawa sa actual missions at combat operations ang tanong ng kababata.

Manaka-nakang isinisingit siya ni Jason sa usapan pero mas pinili niyang makinig na lang sa usapan ng dalawang lalaki sa harapan. Sabagay, nang marining niya ang intensity ng training na dinaanan ni Jason ay na-mental block yata siya. Oo nga't nanood na siya ng mga documentary tungkol sa mga uniformed personnel, maging ang ilang actual combat videos, pero iba pala ang dating kapag personal na kakilala mo ang nagkwento ng mga pinagdaanan nitong hirap, mula nang pumasok sa PMA hanggang sa ganap na maging scout ranger.

"Salamat. At kung gusto mo ring makapagsilbi sa bayan ay pwedeng pwede. Maraming paraan. Isa na doon 'yong nai-share ko sa inyo kahapon," ani Jason.

"Interested ako. Hindi lang ako, actually, pati ilang classmates natin."

Tumango si Jason. "Maganda iyon.

"Gusto ko ngang magtanong kung ano ang mga requirements para maging Army Reservist, kaso nawala kang bigla."

Napamaang si Sherin. Si Vicente? Ang maloko at walang sinerseryosong lalaking ito, magtatraning para maging reservist?

"Excuse me, pare," ani Vince na sinagot ang tawag sa cellphone, "Oh," makilipas ang ilang sandaling pakikinig ay natawa ito, "Walang problema. Take your time. Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka na." Muli itong nakinig sa kausap. "Hindi, pare. Okay lang. On the way pa rin naman ako. At kung hindi ka pa tapos ay bibilhin ko na muna ang dapat kong bilhin bago ako pumunta diyan. Magkita na lang tayo mamaya.... Sige. Bye."

"Sa'n ka ba? Hatid ka na muna namin," ani Jason.

"Salamat, pero masyado na iyong malaking abala. Doon na lang ako sa kanto," ani Vince, habang inaalis ang  seatbelt ay lumingon sa kanya, "Piece of advice nga pala, Jason. Mag-ingat ka dito sa kasama mo. Namaster na niyan kung paano manakit ng gwapo." Kung seryoso o nagbibiro ito ay hindi sigurado si Sherin.

Napatawa si Jason habang pinaikot naman ni Sherin ang mga mata. "Excuse me, Vicente! Sa ating dalawa, ikaw ang mapanakit. High school pa lang tayo, ang dami mo ng babaeng niloko. At sa dami ng babaeng pinaiyak mo, deserve na deserve mong masaktan, kaya 'wag kang magreklamo."

Ilang sandali itong hindi nagsalita at tumitig lang sa kanya. At may kung anong humaplos sa puso ni Sherin nang makita ang pangamba sa mga mata ng kababata.

"Sigurado ka bang dito ka na?" ani Jason pagtigil ng kotse.

"Oo," ani Vince, tumingin ito kay Jason, "Salamat ulit sa ride, pare," tinapik nito sa balikat ang lalaki bago bumaba.

Nakagat ni Sherin ang labi nang magtama ang mga mata nila ni Vince bago muling umusad ang kotse.

Raw and pure determination.

Matapos ang saglit na pangamba ay iyon ang emosyong malinaw na nakita niya sa mukha ng binata. Kaparehas na emosyong nakita na niya noong papunta sila sa bahay ni Angelie para pag-usapan ang engagement party nina Owen at Jeraldine. Hindi nito kailangang magsalita, sapat ang emosyong ipinahatid ng mga mata nito para ipabatid sa kanya kung ano ba ang handang gawin ng kababata.

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now