Chapter 25

986 62 17
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" ani Jeraldine na inabutan siyang nakaupo sa itaas ng hagdan sa second floor ng bahay ng mga ito. "Kanina ka pa namin hinahanap. Pati si Vince, nakailang ikot na, pumunta na sa bahay niyo sa paghahanap sa iyo. Narito ka lang pala."

Lumabi siya. "Nahihiya na kasi ako. Engagement party mo, kaso maya't maya na lang may bumabati rin sa akin. Eh, hindi ko naman party ito. Kung pwede ko nga lang hubarin at itago ito, ginawa ko na." Itinaas niya ang kamay at tiningnan ang singsing na suot.

Napatawa si Jeraldine, "Iyon lang ang pinoproblema mo?"

Tumingin siyang muli kay Jeraldine. "Nakakahiya sa inyong dalawa ni Owen. Moment niyo ito, eh. Party ninyong dalawa ito." Kasalukuyang in full swing ang engagement party nina Jeraldine at Owen sa bakuran ng kaibigan. Nagkakasiyahan na ang mga bisita. Ang iba ay umiinom na nga.

"Engagement party nga namin ito, pero hindi naman namin nililimit ang pwedeng i-celebrate sa araw na ito," ani Jeraldine na naupo sa tabi niya.

"Still. Sa inyo dapat ang focus ngayong araw. Nakakahiya sa iyo at kay Owen na parang nakikiagaw kami sa atensyon na dapat ay sa inyo lang." Totoong nahihiya siya dahil may ilang classmate sila na kapag lumapit sa lamesa nila, imbes na si Jeraldine ang batiin ay siya pa ang unang pinapansin at kino-congratulate.

"The more reason to be happy, the better."

Magsasalita sana siya nang tingnan siya ni Jeraldine sa signature teacher glare nito. Imbes na salungatin ito ay itinikom ni Sherin ang bibig.

"Walang reason para magtago ka rito. You are not stealing the limelight, okay? We are happy to share the moment with you. At nagsasalita ako para sa aming dalawa ni Owen. Bumaba na tayo. Nahihilo na si Vince paghahanap sa iyo at hindi alam ang isasagot sa tuwing may nagtatanong kung nasaan ka."

Bumuntong-hininga si Sherin, "Alis na kaya kami? Tapos naman na ang program, di ba?"

"Alam kong kuya mo 'yong pupuntahan mo, pero maaga pa naman. Stay ka pa kahit thirty minutes. Magtatampo ako sa iyo, sige ka."

"Eh, kasi nga nakakahiya na..."

Ngumiti si Jeraldine, binunggo ng balikat nito ang balikat niya, "Ano bang nakakahiya? Masaya ako, kami ni Owen. Ikaw lang ang nag-isip niyan. Mag-best friends tayo at magkaibigan matalik din ang dalawang iyon. Ayon nga at pinagkukuwentuhan nila ang ginawang kalokohan noong date ninyong dalawa ni Jason. And speaking of, dumating si Captain. Hinahanap ka. Kawawa naman yo'ng fiance mo. Mag-isa mong pinaharap sa ranger na ex-suitor mo."

Tumayo na si Jeraldine at hinigit siya, "Halika na."

Paglabas sa bahay ay inabutan niyang nagtatawanan sina Owen, Vince at Jason. Ang huli ang unang nakapansin nang lumabas sila ng bahay.

"Congratulations, Sherin," nakangiting bungad nito.

"Salamat, Captain," may alanganing ngiti sa labi na sagot niya. "Pero hindi namin party ito. Dapat sina Owen at Jeraldine ang binati mo."

"Nabati ko na sila kanina pa. Kayo naman ni Vince ang babatiin ko," anito na tumingin sa lalaking kaagad na naikawit ang braso sa bewang niya. "Talagang wala kang pinalampas na oras, ha. Sinigurado mo na kaagad."

"Gano'n ko kamahal 'to. Kaya kung ine-expect mong magso-sorry ako sa ginawa ko, pasensya na, pare. Sorry not sorry."

Kunot-noong napatingin si Sherin kay Vince. Nakangiti ito habang nakatingin kay Jason, pero wala namang pagmamayabang sa mga mata nito, ang naroon ay saya.

Tumawa si Jason, "No'ng sumakay sa sa kotse ko, nagkaideya na kaagad ako sa plano mo. And I didn't take that against you. You earned my respect, actually. You're not afraid to face your enemy head-on." Bakas ang respeto sa mga mata ni Jason. "Kanya-kanyang tactics lang naman 'yan. All is fair in love and war."

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now