Chapter 6

686 59 10
                                    

"Make sure dala ninyo lahat ng naka-assign na materials para sa experiment bukas, ha," ani Arlette bago nito itiniklop ang notebook na hawak. Uwian na pero bago umalis ng classroom ay nag-usap muna sila para sa science experiment bukas. Si Arlette ang leader nila kaya ito ang nagtoka kung alin ang dadalhin nino.

"Basta dyaryo lang sa akin," ani Sherin habang inilalagay ang gamit niya sa bag.

"Hoy, Cor, baka tulad ka na naman noong third year tayo na laging nalilimutan ang naka-assign sa iyo. Tandaan mo, kapag nalimutan mo ang itlog, wala tayong gagamitin," ani Jenny habang nakatingin kay Jason.

"Meron naman, Jenny," singit ni Patrick, na mas kilala bilang Tricia. Hindi lang sa classroom nila kilala ang kaklase niya, maging sa lower section dahil marami itong organization na kinabibilangan, masayahin at matalino kaya maraming kaibigan. "Yung itlog ng my loves ko na lang. Ako pa mismo ang kukuha," anito bago tumingin kay Jason, pinapungay ang mata saka kinagat ang labi.

Lahat silang magkakagrupo ay tumawa. Maging si Jason ay nakitawa rin. Vocal si Tricia na crush nito si Jason, na hindi naman kataka-taka. Marami talagang nagkakacrush sa kaklase nila. Kahit nga mga lower year students ay madalas na dumadaan sa classroom nila gayong halos dulo na sila ng school grounds.

Common joke nila na tirador ng chicks ang mga lalaki sa section nila dahil hindi lang naman si Jason ang crush ng bayan sa klase nila. Kabilang sa dinarayo doon ng mga kababaihan ang kaibigan niyang si Vince, si Benj, si Owen at si Anton. Kilala ng halos lahat ng mga estudyante ang mga kaklase nila dahil mga student-athletes ang mga ito na nagrerepresent sa school nila sa mga palarong pangdestrito, maging sa regional, at ilang beses na rin namang nakapag-uwi ng medalya.

Si Jason lang ang naiba dahil CAT Corps Commander kaya wala na halos oras para sumali pa sa mga sportsfest. Mataas ito, dahil sa CAT training ay maayos ang built ng katawan, laging clean-cut, disiplinado, matalino rin, at imbes na makabawas ay nakadagdag sa karakter nito ang bilad sa araw na balat. Dahil ito ang Corps Commander ay mas madalas na "Cor" ang tawag nila imbes na pangalan nito.

"Magdadala ako ng itlog. Takot ko lang sa iyo, Tricia," nakangiting sagot ni Jason.

"Pwede mo namang kalimutan, my loves. Ako na ang bahala," maharot na sagot ni Tricia, pasimple pang humaplos ang kamay nito sa balikat, pababa sa braso ni Jason.

"Dito ako para sure na hindi ako mamomolestiya," ani Jason na tatawa-tawang lumipat ng pumuwesto sa bangkong katabi niya.

"Hmp!" Nag-flip ng imaginary hair si Tricia, "Pasasaan ba't matitikman din kita," anito na muli nilang ikinatawa.

"Safe nga naman sa tabi ni Sherin. One of the boys 'yan, eh," natatawang singit ni Djonas.

"Safe sa molestiya, pero sa gulpi, may kalalagyan ka kapag paloko-loko ka," ani Arlette na nag-umpisa na ring magligpit ng gamit.

"Eh di safe pa rin ako. Bukod sa gwapo, mabait naman ako at magalang, di ba?" ani Jason na tumingin pa sa kanya.

Napatawang muli si Sherin, "Oo. Pero may mga moment, katulad ngayon, na may pagkamayabang ka."

"Hindi naman yata pagmamayabang ang pagsasabi ng totoo," nakangiting sagot nito.

"Ah, hindi pala pagyayabang sa iyo 'yon, Cor? Eh di pagbububat na lang ng sariling bangko," tatawa-tawang sagot niya bago tumayo at isinukbit ang bag sa likod. Wednesday ngayon kaya hindi naman siya cleaners, pwede na siyang umuwi.

"Gano'n ba?" anito na tumayo na rin, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.

"Cor, nakakapanibago ka. Hindi ka naman dating palabuhat ng sarili mong bangko, ah," ani Djonas na binunggo ang balikat ni Jason.

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now