Chapter 11

608 54 8
                                    

Pakiwari ni Sherin ay tumigil sa pag-inog ang mundo. Pero halos mabingi naman siya sa lakas ng pagtibok ng puso.

Ang tanging nagpapahiwatig na hindi panaginip ang lahat ay ang masuyong paggalaw ng mga labi ni Vince. Sinisimsim nito ang ibabang labi niya bago iyon magaang kinagat. Napasinghap si Sherin at sinamantala iyon ni Vince. Mas lalo nitong pinalalim ang halik.

Nalalasahan ni Sherin ang pinagsamang pait ng alak at tamis ng juice na inimon ni Vince kanina. At pakiwari ni Sherin ay maging siya ay nalasing din. Unti-unting pumikit ang mga mata niya at dahan-dahang tinugon ang mainit na halik ng kababata.

Mula sa masuyong paghalik ay unti-unting bumilis ang galaw ng mga labi ni Vince, maging ang dila nito ay naging malikot din sa loob ng kanyang bibig. Hindi nagawang umalpas ng mga singhap sa labi ni Sherin.

Umugol si Vince. Lumalim ang tiyan ni Sherin nang humigit siya nang malalim na hininga. Muling gumalaw ang kamay ni Vince, masuyo nitong sinapo ang kanang dibdib niya. Nakulong ang pag-ungol ni Sherin sa lalamunan. Kung pagtutol iyon o pagbabaubaya ay hindi niya alam. Pero ang ano mang pag-aalinlangan ay nawala nang sipsipin ni Vince ang kanyang dila. Humigpit ang pagkakapait niya sa braso nito at lalo niyang ipinikit ang mga mata. Pakiwari ni Sherin ay nalulunod siya.

Ngunit ang mainit at mapusok na halik ni Vince ay unti-unting naging masuyo. Maging ang pagdama nito sa dibdib niya ay unti-unting tumigil. Makalipas ang ilang saglit ay sinisimsim na lang nitong muli ang mga labi niya. At sa lahat nang iyon ay buong pusong nagpaubaya lang si Sherin.

Nang pakawalan ni Vince ang mga labi niya ay suminghap si Sherin. Si Vince naman ay umugol pero muling isinubsob ang mukha sa leeg niya. Hindi magawang kumilos ni Sherin, ni ang alisin ang kamay ni Vince na nakapatong pa rin sa dibdib niya ay hindi niya magawa. Nanatiling nakapako ang paningin niya sa kisame, pinakikiramdaman ang mga labing sa pakiwari niya ay nagbabaga pa rin. Tumaas-bumaba ang dibdib niya dahil sa malalim na paghinga.

Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang pagluwag ng hawak ni Vince sa katawan niya, maging ang normal na paghinga ng kababata. Dahan-dahang niyang inangat ang kamay nito saka siya bumangon.

Umugol ang lalaki kaya dali-dali siyang kumuha ng unan at doon pinayapos si Vince .

Ilang segundo siyang parang naestatwang nakatayo lang habang nakatitig sa kababata. Inangat niya ang kamay at dinama ang mga labi. Bumuntong-hininga si Vince, umungol at isinubsob ang mukha sa unan. Tumagilid ito at itinaas ang mga paa papunta sa kama.

Doon biglang natauhan si Sherin. Hinawakan niya ang binti si Vince at dali-daling kinalas ang sintas ng combat shoes nito. Kasalukuyan niyang hinuhubad ang medyas ni Vince nang bumungad si Tita Mabel sa pinto.

"Tulog na?"

"Opo, Tita." Nanatili siyang nakayuko para itago ang pamumula ng mukha, tinapos ang pag-aalis ng medyas sa kababata. "Kaso hindi ko po kayang higitin. Mabigat po kaya iyan, nakalawit po ang paa."

Kinuha ni Tita Mabel ang bangko sa study table ni Vince at doon ipinatong ang paa ng anak, "Mamaya ay tiyak gising na rin iyan," anito bago lumapit sa bintana at ibinaba ang mga kurtina.

"Ahm, Tita, hindi na rin po ako magtatagal. May gagawin pa rin po kasi ako."

"Sige. Salamat sa pagpunta. Pero sabay na tayong bumaba. Ibibigay ko 'yong ibinalot kong pang-uwi mo," anito habang binubuhay ang aircon.

******

Mula sa pagtitig sa repleksyon sa salamin ay napakislot si Sherin sa sunod-sunod na mga katok sa pinto.

Cheatmate (COMPLETED) Where stories live. Discover now