My phone beeped kaya kinuha ko ito sa bulsa ng skirt ko.

Oh, a text message from the school.

Love Academy: 

Good day students! I would like to inform you to wear your complete uniform instead of your PE attire. Because we will be having visitors tomorrow. It's a must! 

One thing I liked about Love Academy is that they monitored their students so well. It's actually Loise Vellomina Academy, but since it's too long we call it, Love Academy for short.

Panandalian lang na nadisturbo ang isip ko, nang matanaw ko na ang malaking gate ng mansyon namin ay bumigat na naman ang loob ko.

Stay chill Rose, walang mangyayaring sakalan esti kasalan.

Automatic ang pagbukas ng gate namin, mahaba pa ang driveway papasok mismo sa mansyon

I saw ten busy house maids na mukhang naghahanda na para sa panauhin mamaya. Even the big circular fountain na may tatlong anghel sa itaas ay buhay na buhay.

Tumigil ang sasakyan sa main door ng mansyon, nagpasalamat ako kay Kuya driver bago bumaba at umakyat sa hagdanan para makapasok na sa loob.

Agad akong sinalubong ni Mommy sa pintuan pa lang. "You're in time Darling," aniya at hinalikan ang pisngi ko. I forced myself to smile at ginantihan din siya ng halik.

"Go upstairs, maligo ka na at mag-ayos. Your things are already prepared, papapuntahin ko na lang ang make-up artist once you're done taking a bath." Napabuntonghininga na lang ako nang malalim. Talagang pinaghandaan niya ang araw na 'to.

Wala na akong sinabi at umakyat na lang sa kwarto ko. Tama at handa na nga ang lahat dahil pagpasok ko sa kwarto, tumambad sa akin ang black glittering at eleganting dress na proud na proud na nakatayo suot ng mannequin.

Buntonghininga kong inilapag ang bag sa bedside table at pinasadahan ng tingin ang dress na tila nagsusumigaw sa presyo

It's beautiful, it's a tube umbrella cut dress, lalong nagpaganda ang madetalye nitong mga puting bato na mga designs. Do I deserve to wear this? Napailing na lang ako sa sarili.

I took a bath at hinayaan ang make-up artist na umayos sa mukha ko. My hair is in a high ponytail, I looked matured with my look today kaya napairap ako. Para talagang pinaghahandaan na ibenta ako.

Nakangiting sinalubong ako ni Mommy pababa ng grand staircase. Again, pinilit ko ang sarili na ngumiti.

"You're beautiful Serene," my Mom said.

"Thanks," I simply replied.

"Wear your proper etiquette and manners. Serene, be an elegant lady at nand’yan na ang mga Monte Amis," my mother reminded me.

I didn't care about her reminders dahil halos mayanig ako sa sinabi niyang apelido.

Monte Amis. . .  it's impossible, marami naman sigurong ganoong apelido sa business world right? Wala pa man ay dumadagundong na ang sestima ko sa kaba.

"Let's go, Darling." 

My breath became so heavy, nagsisimula ng manlamig ang mga kamay ko. Kanina naman confident ako but now? Why I'm feeling nervous?

Habang tinatahak namin ang daan papuntang garden, kung saan magaganap ang dinner ay gulong-gulo na ang isip ko.

"Amigo!" salubong ni Mommy sa lalaking may edad na, nang iangat ko ang tingin ay agad nagtama ang mga mata namin. Napaawang ang labi ko sa gulat.

This can't be happening! Are they going to fix marriage me with. . .

Prineson Monte Amis?

My enemy. . .

Nawala ang pag-iisip ko sa nangyari kagabi nang padabog na umupo si Lian sa tabi ko.

Busangot na naman ang mukha niya, halos masipa niya pa ang kabilang upuan dahil sa inis niya.

Nakita niya ang kuryosong tingin ko sa kanya kaya nilapit niya ang armchair niya sa 'kin.

I was about to ask her nang dumating si Mae. Nakahalukipkip at nakasimangot din.

Anong nangyari sa mga kaibigan ko?

Walang imik niyang hinila ang armchair palapit sa amin ni Lian dahilan para gumawa ito ng kakaibang tunog.

Tahimik ko silang dalawang pinagmasdan.

"Anyari sa inyo guyz?" halos sabay pa naming tanong tatlo.

______

An: Names Pronunciation.

Rona Serene (Rose) Norriente 
Rona Seren (Rows) Noryente

Prineson (Prine) Monte Amis
Praynson (Prayn) Monte Amis

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon