Chapter 8

11 1 0
                                    

Chapter 8: The Cordova Siblings

Linggo. Isang typical na araw sa bahay ng mga Cordova. Tahimik. Well, gano’n naman talaga palagi ‘yon. Umiingay lang siguro ‘yon sa tuwing meron silang bisita, o kung may engrandeng party celebration.

At tsaka isa pa, maliban sa mga kasambahay ay si Justine lang din ang nandoon sa bahay nila. Nasa school ang Papa nila at busy naman ang Mama niya sa pagiging Dentista. Wala rin naman dito si Jade dahil naka-dorm ito sa Linus Academy.

Sa mga ganitong araw ay walang ibang ginagawa si Justine kung hindi ang maglaro sa aso nilang si Milky. O di naman kaya ay maglalaro ng video games buong araw, magbasa ng libro, o manonood ng mga movies at series. Hindi rin naman siya lumalabas ng bahay dahil hindi niya trip ang gano’n.

Ngayon naman ay nakalubog lang siya sa kama niya habang nanonood ng Pacific Rim: Uprising, kasama ang asong si Milky. Ilang beses na niyang napanood ang movie na ‘yon, minsan nga ay kabisado na niya ang ibang linya.

Habang na sa kalagitnaan ng panonood ay napansin niyang nagvibrate ang cellphone niya na siyang nakapatong sa kaniyang bed side table. Kinuha niya ‘yon saka kaagad na sinagot ang tawag, habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa pinapanood niya.

“Hello?” Aniya.

Matagal bago sumagot ang sa kabilang linya. Minsan pa niya itong narinig na bumuntong hininga bago ito nagsalita.

“Justine . . .”

Matik na napabalikwas ng bangon si Justine. Kahit ang aso nitong si Milky ay napatahol din, marahil ay nagulat. Habang si Justine naman ay hindi nakaimik nang makilala ang boses mula sa kabilang linya.

“J-jade?”

Yes, he stuttered. His eyes even became teary. Gano’n niya ka-miss ang kapatid niya. Na kahit ang simpleng pagtawag nito ay halos maiyak na siya. Hindi rin naman kasi ‘yon simpleng bagay para kay Justine. It means everything to him lalo pa’t ngayon lang ito kumausap sa kaniya.

Mula naman sa kabilang linya ay nakagat ni Jade ang kuko niya sa kaba. Sa totoo lang ay nanginginig siya sa takot. Hindi lang ‘yon basta takot dahil samut-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon.

Sa sobrang kaba niya ay hindi tuloy siya makahanap ng salitang maari niyang sabihin. Nagpractice naman na siya kanina pero parang umurong ang dila niya. Ngayon ay nandito siya sa labas ng isang cafe. Sa labas niya pumiling tumambay dahil mas komportable siya kapag nadadama niya ang simoy ng hangin.

“Ah, free ka ba ngayon?”

Kaagad na tumango si Justine. “Oo naman. Wala naman akong ginagawa rito sa bahay.”

“Ah, pwede mo ba akong puntahan dito sa Lav’ios Café? Gusto lang sana kitang makausap. K-kung okay lang?”

Ngumiti si Justine kahit pa hindi naman siya nakikita ng kapatid niya. “Oo, naman. I’ll be there in a minute.”

“Uhm, ingat ka.”

Hindi na nakasagot si Justine nang bigla ay pinatay ni Jade ang tawag. Hindi kaagad siya nakakilos at nakuha pa niyang tumulala ng ilang minuto. Kinakabahan siya. Hindi dahil makikita niya ulit si Jade kung hindi dahil, kinakabahan siya sa maaaring pag-usapan nila.

Pero sa huli ay pinili na lang niya ‘yong hindi pansinin. Hindi na siya nagpalit ng damit dahil nagmamadali siya. ‘Yong dark blue na hoodie jacket at gray na jagger pants lang na suot niya kanina ang sinuot niya ngayon. Dinampot na rin niya ang puti niyang sapatos saka ‘yon sinuot.

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay pinatay niya ang TV. Tinawag niya rin si Milky saka sila sabay na lumabas ng kwarto. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan, gano’n rin si Milky na sinasabayan ang bawat hakbang niya.

Linus Academy: School Of ElitesWhere stories live. Discover now