Chapter 4

12 4 0
                                    

Chapter 4: Welcome

Kagabi ay sobrang tuwa nina Solo at Zon dahil sa wakas ay naipasa rin ni Solo ang exam. Umabot pa nga sa puntong uminom ng light beer kagabi ang dalawa para sa isang simpleng selebrasyon.

Ngayong araw ng Huwebes ay ang unang araw ni Solo bilang isang estudyante sa Linus Academy. Nakasuot na rin siya ng complete uniform ng Linus dahil binigyan na siya nito kahapon pa lang, kasama na rin ang gym uniform. Komportable naman siya sa uniporme nila dahil imbes na school shoes ay puting rubber shoes ang sapin nila sa paa.

Napabuntong hininga si Solo habang tahimik na nakatayo sa loob ng elevator, kasama niya roon si Gun na siyang sumalubong sa kaniya kanina sa main gate. Ngayon naman ay papunta na sila sa 12th floor ng main building, kung saan ay naroroon ang classroom nila.

“I’m excited to be your classmate.” Sabi ni Gun saka ngumiti sa kaniya.

“Hmn, ako rin.”

“I hope we can hang along and can be friends, if you don’t mind.” Anito pa saka bahagyang nagkamot ng batok.

“Hmn, wala namang problema ‘yon.” Sagot naman ni Solo saka ngumiti ng tipid.

Matapos ang ilang minutong ginugol nila sa loob ng elevator, sa wakas ay bumukas na rin ito sa mismong 12th floor. Kaya naman lumabas na ang dalawa saka binaybay ang tahimik na hallway.

Mula sa glass wall ng building ay kitang-kita ni Solo ang kabuuan ng Linus Academy, kahit ang asul na langit ay kitang-kita rin niya.

“We’re here.”

Kaagad na napatingin si Solo kay Gun nang marinig ‘yon. Ngayon ay pareho na silang nakatayo sa labas ng isang kulay light brown na pintuan. Ngumiti si Gun sa kaniya saka binuksan ang pintuan, saka ito naunang pumasok sa loob.

Mas nilakihan pa nito ang pagbukas ng pintuan, senyales na pinapapasok na nito si Solo. Solo took a deep breath and then release it after. Matapos gawin iyon ay saka na siya nagdesisyong pumasok sa loob. Nang makapasok naman siya ay saka na sinarado ni Gun ang pintuan.

Bumungad sa kaniya ang isang malinis at kalmadong atmosphere sa loob ng classroom na ‘yon. Tahimik na nakaupo ang mga estudyante sa kani-kanilang pintuan. Si Newt naman na siyang class president ay nakatayo sa harapan habang bahagyang nakangiti sa kaniya. Habang si Gun naman ay pumunta na sa upuan niya.

“Welcome to class 1/8, Miss Severino.”

Matapos no’n ay saka nagpalak-pakan ang mga estudyanteng nakaupo. Medyo yumuko na lang si Solo bilang tugon. Hindi kasi niya alam ang tamang gagawin kasi hindi naman siya sanay sa ganito.

“Welcome, Solo!” Masiglang sigaw ni Asla na ngayon ay nakaupo sa upuan niya.

“Please take a sit to your respective seat.” Anang Newt.

Tumango naman si Solo saka naupo roon sa may bakanteng upuan sa pinakagitna, middle row, 2nd desk.

Ganito kasi ‘yong seating arrangement nila.

First row:

Newt Imperial
Luna Imperial
Jade Allison Cordova
Minrod Jiv Cameo

Second row:

Asla Martinez
Solo Elis Severino
Gun Wansathorn
Techno Alvarez

Third row:

Ada Jackson
Brandon Marcus
Meen Villamora
Reen Ramida

“So since nabanggit naman na pala sayo ni Asla kung ano ‘yong mga role namin as class 1/8, then I assign you to be with Mr. Wansathorn and Mr. Marcus’ group as the schools Violence Committee.” Anang Newt na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan.

Linus Academy: School Of ElitesWhere stories live. Discover now