Chapter 2

23 3 0
                                    

Chapter 2: Retake

Nang makauwi si Solo sa apartment na inuupahan nilang dalawa ni Zon ay kaagad siyang sinalubong nito.

“Kamusta ang exam?” Nakangiting tanong nito.

Bumuntong-hininga si Solo saka naupo sa may upuan. Hinubad pa muna nito ang suot niyang sapatos saka nilagay sa may shoe rack malapit sa pintuan nila. “Madali lang naman pala.”

“Sa‘yo oo, pero sa iba?”

“Aba malay ko. Ba’t ako tinatanong mo?” Tanong din nito pabalik.

Napailing na lang si Zon. Kumuha pa siya saglit ng tubig saka niya ‘yon binigay kay Solo, na kinuha rin naman nito kaagad. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ni Solo, kinuha naman niya ‘to saka tiningnan ang caller ID.

“Si Boss,” anito.

“Ha? Sagutin mo.”

Solo onced sighed, and then hit the green button. “Boss Jiex,”

“Kamusta ang exam?” Malaki ang boses na bungad nito.

“Okay naman po, Boss.”

“Siguraduhin mo lang na makakapasok ka roon sa Linus Elis dahil kung hindi ay alam mo na ang kakahantungan niyong dalawa.” Anito gamit ang isang mapag-bantang boses.

Parehong napalunok ang dalawa. “Opo, naiintindihan ko po.”

Maya-maya lang ay natapos ang tawag. Muling napabuntong hininga si Solo saka nilapag ang kaniyang telepono sa katabi niyang lamesa, saka niya nagulo ang buhok niya.

“Pasensiya na kung nadamay ka sa kapalpakan ko.” Bigla ay sabi na lang ni Zon. “Hindi ko naman kasi alam na gano’n pala ang mangyayari.”

“Tama na, Zon. Wala ng dahilan para ungkatin mo pa ‘yon.” Seryosong sabi ni Solo.

“Galit ka ba sa‘kin, Solo?”

“Medyo masama lang ang loob ko ng konti.” Deretsahang sabi nito habang naka-iwas ang tingin. “Pero huwag mo na lang pansinin ‘yon, dati lang din naman ‘yon.”

“Pasensiya na talaga, Solo—”

“Zon, keep moving. Hindi ka uusad kong gan‘yan ang mga pinag-iisip mo. Hindi niyan mababago ang mga nangyari na.”  Putol nito sa nagda-dramang kausap. “What we’re suppose do right now is to continue what we have started. That’s the only way to get rid of this. At kapag natapos na ang lahat, pwede na tayong bumalik sa rati. Pwede ka ng bumalik sa dati mong buhay at gano’n na rin ako.”

Tumayo si Solo saka lumapit kay Zon na ngayon ay naka-iwas ang tingin, saka niya ‘to marahang tinapik sa balikat. “That’s the plan, and we better stick with it.”

Nang bandang pasado alas sais ng hapon ay nag-desisyon ang dalawa na sa labas na lang kako kakain. Wala rin naman silang maluluto dahil naubusan silang dalawa ng grocery. Napagdesisyonan din nilang motor na lang daw kako ni Zon ang kanilang gagamitin.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Kaagad na bumaba ng motorsiklo si Solo, habang si Zon naman ay naghanap na muna ng bakanteng parking space. Si Solo na rin ang lumapit doon sa may tindera para umorder.

Sa isang sikat na Barbecue Haus sila pumunta. Well, madalas naman talaga sila ritong dalawa. “Set A po.” Anang Solo sa tindera.

Tumango ang tindera saka siya nito binigyan ng numero na nakadikit pa sa isang stick. Matapos no’n ay saka siya naghanap ng isang bakanteng upuan.

Solo found a vacant one on the middle, kaya naman doon na rin siya naupo. Nang makita si Zon sa entrance ng kainan ay saka naman niya ‘to tinawag.

“Set A lang ‘yong inorder ko kasi medyo busog pa ako ng konti.” Anang Solo.

Linus Academy: School Of ElitesWhere stories live. Discover now