Nang kumalma si Zean, humiwalay ito sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Nakatungo ito sa akin at mahinang humihikbi.
"Xian, tandaan... mo, mahal na mahal kita, gagawin ko... ang lahat para... sa iyo. Hinding hindi kita iiwan, tandaan... mo 'yan Xian." Sambit nito habang nanginginig ang kaniyang boses.
Muli niya akong niyakap, ngunit kakaiba ang yakap na ito, hindi katulad kanina, iba ang yakap na ito ngayon, parang yakap kung saan masasabi mong ligtas ka, komportable ka, at masaya ka.
Ngunit kahit na positibo ito, may kaunting negatibo pa rin akong nararamdaman, dahil hindi ko alam kung huli na ba ito. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
Huling yakap ko na ba ito sa kaniya? Bakit ang tagal nilang nag-usap kanina? Okay lang ba siya? May problema ba? Bakit bigla na lang siyang umiyak?
Hindi ko alam, hindi ko na alam kung anong iisipin at gagawin ko.
"Xian, alam kong naguguluhan ka ngayon, pero please, mag tiwala ka sa akin. Trust me..." He whispered.
Ang talas talaga ng pakiramdam nito, tumango ako at ngumiti sa kaniya. Oo may tiwala naman ako sa kaniya, hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya muna sabihin sa akin ngayon. Pero alam kong may problema, pero ngayon. Mag titiwala muna ako sa kaniya.
Nang kumalma siyang muli, nag paalam na siya na uuwi na siya. Nagmano ito kay Mama at Nana Emila. Nang magtungo kami sa labas, nandoon si Papa at naghihintay. Nauna nang umuwi si Tito Clifford dahil may dala naman itong sasakyan, at dala naman ni Zean ang motor niya. Sinabihan ako ni Zean na pumasok na ako.
Niyakap ko na ito at nagpaalam sa kaniya. Hinintay ko si Papa sa may pinto, nakatanaw lang ako sa kanila at pinapanood habang nag-uusap sila, panay tango lang si Zean kay Papa. Hindi rin nag tagal, niyakap na ni Papa si Zean at hinintay na makaalis bago ito maglakad papasok.
Nang makita niiya ako sa pinto, inakbayan niya ako at pumasok na kami sa loob ng bahay. Tapos na ang pinapanood nila mama kaya naman pinatay na nila 'yung T.V. at tumungo na sila sa mga kwarto nila.
Hinatid ako ni Papa sa kwarto ko, at bago siya tumungo sa kwarto nila Mama, may mga salita siyang binitawan sa akin.
"If you really love him, trust him, huwag ka basta-basta maniniwala sa mga maririnig at makikita mo, hangga't hindi siya ang mismong mag sasabi sa 'yo..."
Hinalikan na ako ni Papa sa noo at umalis, naiwan akong tulala sa harap ng pinto ng kwarto ko. Nahiwagaan ako sa sinabi ni Papa at lalo tuloy akong napaisip ng kung ano-ano. Mahina kong sinampal ang sarili ko upang bumalik sa wisyo.
Tuluyan na akong tumungo sa kwarto ko kasunod si Xirian, hindi ko na nagawa pang gawin ang mga ginagawa ko tuwing gabi. Humilata na lang ako sa kama ko at tinabihan din ako ni Xirian, mukhang pagod din ang anak ko ah.
Humiga na kaming dalawa, nakayakap ito sa akin, hahang hinihimas himas ko siya, napatigil ang kamay ko sa collar niya. Tinignan ko ito, at nang napansin ko na parang may nakasiksik dito, kinuha ko kung ano iyon.
May maliit na black bag na nakatali sa collar niya. Kinuha ko ito at agad na binuksan. Napangiti ako nang makita kong isa itong kwintas na may pendant ng apoy, at may naka-ukit na X at Z. May papel din akong nakita.
Nang buksan ko ito, may mensahe sa loob at panigurado akong kay Zean ito galing.
"Hi Xian, the moment na makita at mabasa mo 'to ibig sabihin sinagot mo na ako. Almost one month na ito kay Xirian, at everytime na pumupunta ako sa inyo, tinitignan ko kung nakatali pa rin sa kaniya, at thankful naman ako kasi hindi nawawala. Sana mabasa mo 'to kapag nasagot mo na ako. Kung nabasa mo 'to before mo ako masagot, sayang ang surprise, kaya sana lang mabasa mo 'to kapag tayo na. So, hi Xian, hi sa maganda kong GF. Thank you for giving me a chance, and thank you for trusting me. Pinapangako ko na mamahalin kita. This necklace symbolize of me being a hot person, kidding. Kaya fire pendant ang pinili ko, kasi everytime na nakikita kita, I always see and feel the fire in your eyes, I don't know why, pero nararamdaman ko talaga 'yon. So ayun lang naman mahal ko, uh can I call you mahal ko? Hehe, that's all, I love you Mahal ko!"
—Zean,
Hindi ko alam kung iiyak or tatawa ako, isinuot ko na lang 'yung kwintas, nang maisuot ko ito, saktong nag-chat si Zean.
Zean: Good night mahal ko, sana magustuhan mo. I love you, see you tomorrow...
After I read his message I immediately fall asleep.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-cassioussness
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWENTY-TWO
Start from the beginning
