From: Unknown number
Sleep now young lady, don't stay late at night. Good night...
Halos tatlong araw na akong nakatitig sa unang mensaheng natanggap ko noong Martes ng gabi galing sa misteryosong number na ito. Medyo nakakakaba, nakakatakot kaya kapag may stalker ka. Kala niyo masaya, hindi kaya kasi mamaya nasa peligro na pala ang buhay ko.
Ayaw kong mawalan ng dyosa na anak sila Mama at Papa.
Lumipas ang apat na araw ko sa BHU kasama ang bago kong mga kaibigan. Hindi ko rin maipagkakaila na nakilala ko sila thankful talaga ako. Nakaraang Lunes napag-usapan na namin kung ano ang magiging agenda namin sa Saturday na siyang araw na pinakahihintay ko.
Dumaan ang Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes. Katulad ng nakasanayan sa klase na puro activities, homeworks, groupings and other stuffs ang giangawa namin, totoo ang sinasabi nila na HUMSS ang pinakaabala na strand at dahil naranasan ko na, sumasang-ayon na ako.
Dahil sa paglipas ng isang linggo pakiramdam ko halos limang buwan na ang lumilipas, pero masaya ang mga naging kaganapan dahil sa tatlong itlog na siyang naging happy pill ko.
*FLASHBACK*
"Master Boss, third day mo na pala rito 'no." rinig kong sabi ni Nemar habang nandito kami sa tambayan nila.
"Oo nga tatlong araw pa lang ako pero pakiramdam ko halos isang taon na ako rito dahil sa gabundok na activities namin." sagot ko na lang sa kaniya, dahil kapag pinag-usapan pa namin 'to lalo kong mararamdaman na pagod ako.
Naglalaro lang ang dalawang itlog habang katabi ko si Nemar dito sa kahoy na bangko, wala ang nag-iisang balot ngayon buti na lang dahil lalo lang ako maiinis kapag makita ko ang mukha niya.
"Sumali ka na sa kanila ayos lang ako rito papanoorin ko na lang kayo."
"Sige Master Boss!" at nagmamadali na siyang tumakbo sa kapwa niyang mga itlog. Cute nila panoorin, mga itlog na naglalaro ng basketball.
Pagkatapos ng breaktime bumalik na ako ng classroom, ngayong Wednesday hindi ako nakasabay sa kapwa kong mga dyosa dahil may gagawin sila.
Pagkapasok ko ng classroom nagulat ako nang makita kong nandito na silang tatlo. "Nauna pa kayo sa akin." saglit silang napatingin sa direksyon ko at nginitian ako.
"Mabilis din kasing natapos kaya may time pa kami para makapag lunch." pagod na paliwanag ni Hera.
"Sana naman sinabihan niyo ako para makasabay ako sa inyo." reklamo ko sa kanila.
Umupo na lang ako at hinayaan silang huwag kausapin dahil mga pagod sila, sino ba naman ang hindi mapapagod kung utusan kayong mag rounds bawat buildings. Ang laki nitong BHU.
"Saturday, eleven-thirty am susunduin ka namin sa bahay niyo." I heard Hera reminds me. I simply nodded and smiled at her.
"See yah!" Mina and Hasha waved their hands for dismissal.
"I'm so excited guys, ingat kayo." I also waved my hands to them.
"Master Boss!" nandito na pala ang tatlong itlog.
"Tara uwi na tayo, pagod ako ngayon."
"It's alright 'Mi lady." I felt Brind's hands slightly tapping my head.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
