AN: You can play the song "All this Time." by Six Part Invention. Happy Reading. Lovelots!
"Ate Xian, laban ka lang alam ko na may mga problema kang dadating at alam ko din na malalampasan mo ito... Ate Xian you need to be stronger because you are the answer..."
"Ate Xian, hindi ka dapat sumuko kasi kailangan ka nila, kailangan ka ng sarili mo, kailangan ka ng lahat... ikaw lang ang tanging sagot, Ate..."
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Ysrael sa panaginip ko, simula nang magising ako nang gabing 'yun hanggang ngayon ayun pa din ang siyang inaalala ko, posible kaya na may papel ang pagkamatay ni Ysrael upang bigyan ako ng mga senyales at babala?
"Masyadong malalim na naman ang iniisip mo." rinig ko ang tinig ni Zean sa kabilang kama.
"Dinalaw kasi ako ni Ysrael sa panaginip ko noong nakaraang kagabi, parang ang lalim ng ibig niyang sabihin pero hindi ko malaman kung ano ba talaga..." sagot ko pabalik at gumilid ng higa para tagpuin ang mukha niya.
"Huwag ka na mag isip masyado, mamaya na ililibing si Ysrael." ginaya niya ang posisyon ko gumilid din siya ng higa upang mag tagpo kaming dalawa.
"Yeah..." sabi ko na lang.
Mamaya na ang libing ni Ysrael at hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap, tatlong araw namin siyang pinag lamayan at ni anino ng mga magulang nila walang nag pakita hindi sila karapat dapat na maging mga magulang.
Ni hindi nila inalala ang mga anak nila at iniwan pa dahil sa naging kondisyon nito at ngayong ililibing na siya wala pa ding nag papakita maski isa. Kapwa na kaming naligo ni Zean nang matapos ako ay wala pa siya sa higaan niya siguro ay hindi pa tapos maligo sa baba.
Nagsuot ako ng isang puting polo at pinares ko ang itim kong pantalon, ilang minuto pa ay dumating na din si Zean ganoon din ang suot niya tulad sa akin.
Maaga kaming gumising kahit hapon pa ang libing, para na din maayos ang mga papeles niya at ang Pari na siyang mag lilibing sa kaniya.
"Bakit ang tagal mo?" bungad ko sa kaniya habang binobotones niya ang puting polo niya.
"May bisita sa baba e." tipid na sagot niya.
Bigla akong napalingon sa kaniya. "Magulang ba nila?" hindi ko alam kung bakit ito ang pumasok sa isip ko.
Umiling siya at tipid na sumagot. "Hindi." tumango na lang ako at umupo sa gilid ng kama niya.
Nang matapos na siyang mag lagay ng paborito kong amoy niya, niyaya ko na siya pababa. "Tara bumaba na tayo."
Nang pababa kami laking gulat ko kung bakit napakaraming tao ngayon dito sa baba. Sampung tao, sampung tao na hindi ko inaasahan na mapupunta dito walang nag sabi sa kanila na nandito kami at alam kong hindi ako magagawang bibiguin ni Zean.
Mabilis na lumapit si Zean sa akin at bumulong. "Nag tataka ka ba kung bakit sila nandito?"
Mabilis din akong bumulong dahil hindi ko inaasahan na pupunta sila dito. "Malamang, hindi mo naman sila sinabihan 'di ba?"
Umiling ito at sumagot. "Mama at Papa mo ang nagsama sa kanila dito." alam ko na dadating ang mga magulang ko pero hindi ko naman inaakala na isasama silang sampu.
"Master Boss, condolence..." narito ang tatlong itlog.
"Yanyan, laban lang..." at ganoon din ang tatlong sisiw.
"Xirid, we're sorry for your loss..." at si Frank.
Nag uunahang lumapit ang tatlong babae na mahalaga sa buhay ko. "Sorry kung wala kaming nagawa habang umiiyak ka." at narito din ang tatlong dyosa.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
