PATH TWENTY

32 7 0
                                        

A/N: Hi Galaxies! Nakapag update na naman ang inyong pamatay na writer! Enjoy reading and keep safe! Isang maulan na good evening sa inyo! Iloveyou all!

Hindi maaaring magsinungaling si Sister, alam kong pumunta ang kakambal ko rito, kilalang-kilala rin ni Sister ang kakambal ko hindi dahil sa magkamukha kami, kung hindi dahil halos nakasama na rin namin si Sister noong mga bata pa kami.

Pero anong kailangan ni Xion? Bakit nangyayari ang lahat ng 'to.

"Kambal, punta tayo kanila Sister!" yaya ni Xion sa akin.

"Xion, magagalit sila Mama sa atin kung tatakas na naman tayo!" sita ko sa kaniya.

"Hindi naman tayo tatakas, kasama natin si Nana, nagpaalam na kami kanila Mama." hay nako, si Xion talaga.

Wala na akong nagawa kaya nag-ayos na ako, ang hilig talagang pumunta ni Xion kanila Sister Trina roon sa orphanage.

"Kambal! Bilisan mo tara na!" sigaw nito mula sa labas.

Tumakbo na ako palabas at tumabi aa kaniya, kapwa kaming nakasuot ng bestida na parehas ang disenyo ngunit iba ang kulay.

Ako ay nakabughaw na bestida na may disenyo ng mga paru-paro, may bughaw din akong doll shoes. Si Xion naman ay nakaberde na bestida na may disenyo ring paru-paro at berde ring doll shoes.

"Mga bata, aalis na tayo!" tinig iyon ni Nana Emila.

Nagkatinginan kami ni kambal at kapwang ngumiti at tumango, naghawak-kamay kami at sabay na tumakbo sa kinaroroonan ni Nana.

"Ang gaganda talaga ng mga alaga ko." papuri ni Nana sabay halik sa aming nga noo.

Paborito itong gawin ni Nana sa amin paggising, bago matulog, at kung minsan ay biglaan na lamang.

"Xian! Excited na ako, makikita ulit natin sila Sister, at ang mga bata roon!" napakabibo talaga nito ni Xion.

"Sister!" sigaw naming dalawa ni Xion nang makita namin si Sister sa hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan.

Nakita kong sumibol ang ngiti at saya sa mga mata at labi ni Sister Trina. Tumakbo kaming dalawa kaya naman naiwan si Nana Emila.

Kapwa kaming bumungisngis nang marating namin ang pwesto ni Sister Trina. Walang kupas ang kagandahan ni Sister, hindi ko maiwasang humanga sa kaniyang angking kagandahan.

Kung hindi siguro siya nag madre, baka marami siyang manliligaw.

"Kambal, muli kayong napadalaw dito." masaya niyang bungad sa amin.

"Namiss po kasi namin dito Sister."

"Opo opo."

Sabay naming sagot kay Sister.

"O'siya sige, makipaglaro na kayo roon sa mga bata." masayang sambit sa amin ni Sister Trina.

Pinaalalahanan kami ni Nana Emila bago kami tuluyang nakipaglaro sa mga bata. Kaagad na napahiwalay si Xion sa akin, marahil nandoon na siya sa mga kalaro niya.

Katulad nang nakagawian, nakaupo ako sa paborito kong swing habang hinhintay ang nag-iisa kong kaibigan dito. Minsan kapag pumupunta kami rito, wala siya kaya naman malungkot ako. Kaya sana ngayon, nandito siya.

Tahimik lang ako na nanonood sa mga batang naglalaro pati na rin kay Xion, talagang napakasaya ng kakambal ko tuwing nandito kami, nakakasawa rin kasi kapag kaming dalawa lang.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now