"Mama, papasok na po ang dyosa niyong anak!"
"Sige, Anak mag ingat ka, mag kwento ka mamaya." she pat my head.
"Sige po, Mama."
Lumabas ako ng bahay at natanaw ko na si Papa na naghihintay habang nasa loob ng kotse.
"Hi, Papa."
"Ang ganda talaga ng anak ko." ang aga-aga pinupuri na naman ako. Iba talaga kapag pinanganak na maganda.
"Papa naman maliit na bagay lang 'yun, nasa lahi na kasi natin 'yan." umiling na lang si Papa dahil sa kapilyahan ko.
"Sana mag enjoy ka sa new school mo, Anak." He said before he stars the engine.
"Naman Pa, ako pa ma-e-enjoy ko roon, tiwala lang sa anak mong dyosa." I jokely said while wiggling my eyebrows.
Tawa lang kami nang tawa sa buong byahe, hindi nagtagal nakadating na kaagad kami sa bagong University na pag-aaralan ko.
"Mag-ingat ka po, Papa I love you!" sigaw ko kay Papa nang makababa ako ng BMW niya.
"Take care dyosa kong Anak, Papa loves you too." Sabay kindat sa akin.
Kumaway na lang kami sa isa't isa, tumayo lang ako saglit at hinintay kong mawala sa paningin ko ang itim niyang BMW bago ako tuluyang pumasok.
"Hi, Kuya Guard!" masiglang bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga, may magandang estudyante na naman dito sa BHU." pati si Kuya Guard pinupuri na ako ang hirap maging dyosa.
"Si Kuya masyadong honest!"
Napailing na lang siya sa akin at tumawa.
"Sige na, 'Nak welcome sa BLUE HEARTS UNIVERSITY."
Nagpaalam na ako kay Kuya Guard at naglakad na sa Campus, kakaunti pa lang ang nandito
ngayon, mukhang ang aga ko ata.
Namangha ako dahil sa kagandahan ng Campus, nararamdaman ko na maganda ang umaga ko ngayon, sana walang umepal ngayon.
Kakasabi ko pa nga lang at...
"Aray ko!"
Ano ba naman 'yan sabi ko maganda ang umaga ko ngayon pero parang salungat pa yata. Ang hassle ah, kabago bago ko pa lang sa University na 'to ang malas agad.
"Mag tagpo lang talaga landas natin patay ka sa akin!" hindi ko kakalimutan ang boses na narinig ko dahil ako lang naman ang tao rito ngayon.
Huwag na huwag ko lang makasalubong o maririnig 'yung boses no'n o kung sino man 'yang bumato sa akin patay talaga siya sa akin. Walang manners ano nang mangyayari sa sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Saglit akong napalingon sa paligid ko para hanapin kung sino man 'yun kaso sadyang malawak ang Campus mahihirapan ako hagilapin ang tao na 'yon, hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil sa iniinda kong sakit. Kamuntik pa akong magpunta ng clinic.
Pero dahil hindi ko alam kung saan pass muna tayo.
Narinig ko nang tumunog ang bell, hudyat na dapat lahat ng estudyante ay nasa loob na ng kani kaniyang silid, hawak-hawak ko ang batok ko at hinihimas ito dahil sa sakit na natamo ko kanina, lakad-takbo lang ako upang mahanap na ang classroom ko at maupo na lamang,
Buti hindi rin nagtagal ang paglalakad ko nahanap ko na rin ang classroom ko.
As usual magulo rin, katulad ng mga typical na classrooms. Umupo na lang ako sa may sulok kung saan walang gaanong tao at nagbasa ng mga creepy facts, and theories, which is my favorite things or genre to read. Nakakalahati ko na ang binabasa ko nang dumating na ang Professor namin. Dahil first day nagpakilala muna ito, at sumunod na lang kami.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
