"Shit..."
"Damn..."
"The heck..."
"Fvck..."
"May sinasabi kayo?"
Sabay-sabay silang umiling at tuluyan na kaming lumisan sa pugad ng mga itlog at balot, naglakad na kami papunta sa isang building.
Kasama ko ang tatlong itlog ngayon, at pilit silang nag mamakaawa sa akin dahil sa kalokohan na nalaman ko tungkol sa kanila, pero hindi ko sila pinapansin, bahala sila riyan.
Una kaming pumunta sa building ng juniors, mukhang halos lahat ata ng building at classrooms may na bully sila, o sabihin na natin na buong Campus.
Kapit-kamay silang tatlo habang naglalakad, nagtutulakan pa kung sino ang mauuna mag lakad o lumapit sa akin, at itong si Frank kampante lang habang nasa likod namin, napahinto na kami sa unang classroom.
Pumasok na kami at sinimulang pasadahan ng tingin ang loob nito, dahil wala ngang magbabantay sa amin, nagkakagulo sa loob, well ano pa ba ang aasahan ko may pagka-isip bata pa rin sila.
"Sino rito sa inyo ang na bully ng mga 'to." panimula ko at turo sa apat na nasa likuran ko ngayon. Nagkatinginan silang lahat, at ni-isa walang naisipang sumagot sa akin.
"Ano, walang sasagot!" hindi nagtagal ay may iilang lalaki at babae na tumayo.
Pinandilatan ko silang apat na nasa likuran ko. Pinalapit ko 'yung mga babae at lalaki na tumayo kanina sa tabi namin at tinawag silang apat, hindi nawawala ang ngisi ko habang tinitignan sila na nag-aaway pa kung sino ang mauunang lalapit.
"Dali, lumapit kayo rito, humingi kayo ng tawad sa mga kalokohan niyo!" yumuko na ang tatlo habang humihingi ng patawad sa kanila, bakas ang gulat nilang lahat dahil sa hindi kapanipaniwalang nangyayari ngayon. At itong si Frank, wala 'kampante' nga 'di ba.
Pero walang makakaligtas sa akin, kaya lahat sila humingi ng dispensa sa mga ginawa nila noon, pagkatapos ng madramang pangyayari. Nagpasalamat sila sa akin, at sinabi ko na hindi na mauulit 'yun.
Hindi ko alam na matatapos na namin 'to sa loob lang ng dalawang oras, dahil ang dami talaga nito, siguro sapat na rin na kahit papaano nakahingi sila ng tawad sa iba. Halos lahat ng classroom at building ang napuntahan namin, para lang mag-sorry silang apat.
Dinala nila ako sa cafeteria, at sinabing ililibre nila ako, pumayag ako dahil napagod ako, at dapat lang din dahil pinagod nila ako sa kalokohan nila. Sa pagkakatanda ko nalibot na namin ang buong BHU.
Hindi pa kami nakakaupo nagsalita na agad si Brind. "Master Boss sorry na talaga, pansinin mo na kami oh." tsk mga pasaway kasi kayo kaya bahala kayo sa buhay niyo. Umupo na lang ako sa inukupahan naming parte rito sa cafeteria.
"Oo nga, hindi na talaga namin gagawin 'yun." pagpapangako naman nitong si Ken, pinagtitinginan na kami dahil sa pinaggagawa nilang tatlo.
"Tiklop kami sa'yo, Master Boss." edi wow, tiklop your face Nemar.
"Oo na, oo na, basta huwag niyo na lang uulitin." dahil mabait din naman ako, pinatawad ko na sila, marunong naman magpatawad ang mga dyosang katulad ko kahit papaano, hinayaan ko na lang na sila ang umorder ng kakainin namin. Dahil pagod na ako.
Naiwan kaming dalawa ni Frank dito sa lamesa, hindi ganoong kapuno ang cafeteria ngayon dahil may sari-sariling mundo ang mga estudyante ngayon dahil mahaba ang free time namin.
Dahil mukhang hindi ko naman siya makakausap, at nararamdaman ko na ang presensya ni Mareng Elsa, lamig ng pakikitungo mga brad, minabuti ko na lang na ilabas ang phone ko at tignan ang GC namin nila Hera. "THE FOUR DYOSAS" pa nga ang group name jusmeyo.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
