AN: sorry for the late update because I was confined to the hospital for four days, but don't worry I'm fine na po hehe. Enjoy reading!
From: Unknown number
You really look beautiful, elegant, gorgeous, and stunning young lady, can't wait to take a picture with you...
Isang mensahe na naman ang natanggap ko mula sa misteryosong tao na 'to, sadyang malakas talaga ang tama, mabilis kong tinago ang phone ko nang marinig kong tawagin na ako ng mga kaibigan ko.
Nakita kong naka ayos na din ang apat na lalaking siyang makakasama namin sa pagiging human display para sa ngayong araw, sa loob ng isang linggong celebration ng Foundation Day iba't ibang pakulo mayroon ang BHU, kasama na dito ang mga booths, contest, programs at kung ano ano pa. Bilib na talaga ako.
"Mukhang matumal pa tayo ngayon, tumingin kaya muna tayo sa ibang booth?" sambit ni Gordon sa amin.
Sabay sabay kaming umiling bilang sagot sa kaniya kaya wala na siyang nagawa. Isa lang siya at puro dyos at dyosa kami na nandito ngayon.
Hindi nag tagal dumami na din ang pumupunta sa amin, puro 'Wow', 'Ang ganda', 'Ang galing'. Ang mga naririnig namin na komento nila.
"Ate, super ganda mo po!" masayang bungad ng isang juniors at mga kaibigan niya sa harapan ko, tanging ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya at sa mga kasama niya.
Limang shot ang ginawa namin para sa iba't ibang pose, dahil sa mababait kami, instax camera na lang ang binili namin para auto develop na at makuha na din nila kaysa doon sa DLSR camera na dapat bibilihin namin.
Dipende sa customer namin kung ilang shots ang gusto nila kaya naman nasa sa kanila na 'yan kung magkano ang bayad nila hehe tingin ko naman ay mga magagaling mag business talk ang mga kagrupo ko kaya naman dumami na ang napapadaan dito.
Ilang oras ang lumipas bago dumating ang tatlong itlog at ang balot, pawang mga nakasuot ng itim na damit na may pang demonyong nakasukbit sa kanilang mga ulo ang suotan nila ngayon. Kung wala lang occasion ngayon iisipin ko na may saltik silang apat dahil sa mga suot nila.
Dahil ako ang nasa dulong pwesto nauna silang nag papicture kay Hasha, sumunod kay Hera at kay Mina hindi na nilang ginusto na mag papicture doon sa apat na makikisig na lalaki ang aarte kala mo naman mga may ibubuga sa mga adonis namin ngayon 'di hamak na mga dyos sila samantalang ang tatlong itlog at balot ay mga demonyo pa.
"Ang ganda mo talaga Master Boss, sali ka ng pageant sa Friday." rinig kong sabi ni Ken nang makalapit sila sa akin.
Inirapan ko na lang siya at sinimulang umayos ng pwesto.
Dahil mayayaman sila isa isa silang nag papicture sa akin ng may iba't ibang pose at hindi ko alam kung tig ilang shots 'yun mayroon din kmaing shots na mag kakasama kaming lima. Nag request din sila kung pwedeng picturan din kaming walo.
Katabi ni Hera si Nemar at mukhang nag aaway pa ang dalawa para talaga silang aso at pusa, katabi nila si Mina at Ken na nagkakahiyaan pa parang mga junior high school letchugas, si Frank ang kasama ko na siyang tumabi na kanila Ken, at sa dulo ay sila Hasha at Brind na tahimik lang.
Nag simula na kaming pumormang walo at halos amoy na amoy ko ang pabango ni Frank tanging pabango lang niya ang siyang bumabalot sa ilong ko ngayon, tila kuryente ang naramdaman ko nang mag dikit ang mga balat namin.
Kakaibang pajiramdam na mahirap ipaliwanag, ipinag sawalang bahala ko na lang 'yun at sumabay sa daloy go with the flow ikanga.
Walong shots ang ginawa namin para may tig iisang kopya kami, ipacopy na lang daw namin ang ibang shots kung gusto namin, matapos nilang manggulo sa booth namin buti ay naisipan na nilang lumayas nag pacute pa sila sa mga tao dito sa loob bago mag paalam sa amin para bumalik sa booth nila.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
