PATH NINETEEN

27 9 0
                                        

A/N: aking butihing Galaxies, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update, super busy and toxic kasi sa module last 3rd grading, kapag nag end na ang school year promise babawi ako sa updates hehe. Enjoy reading! Lovelots!

"XION..."

Hindi ako pwedeng magkamali kakambal ko 'yon kaya alam kong siya 'yon kilala ko si Xion, pero bakit siya nag pakita sa akin ngayon? Bakit ngayon lang? Sa hinaba-haba at tinagal-tagal ng panahon ngayon lang niya naisipan? Ngayon lang niya ba kami naalala?

"Shh, sleep ka na dito lang ako sa tabi mo." nag-aalalang sambit ni Hera at patuloy pa din ang pag-alo sa akin.

Alam ko na hindi panaginip 'yon at totoo 'yon, dahil 'yung bawat tingin niya sa mga mata ko na kahit panandalian lamang iyon alam kong totoo, iyong una, oo panaginip lang 'yon, pero 'yung nasaksihan ko sa bintana totoo 'yon. Dahil hindi lang sa kadahilanan na siya ay nakita ko kung hindi damang dama ko ang presensiya niya.

Hera stays at by my side until I fell asleep again sana hindi ko na muling mapanaginipan 'yon, it was a short rest at all. I felt my head hurts that's why I woke up. Hindi ko kinaya 'yung sakit na pinapadama ng aking ulo ngayon.

I'm going about to stand but suddenly someone hold my hand and trying to stop me. "Xirid, anong kailangan mo? Are you okay?"

I know that it was Frank because of his familiar scent, my heart beats so fast not because of that kilig impact! But because I got shocked! For pete sake! Damn this Frankeous!

"You scared me! What the hell!" I shouted in the middle of the midnight.

Sa kabutihang palad hindi sila nagising, mga pagod na ang lahat at lasing, umupo lang siya sa tabi ko at hinintay kung ano man ang sasabihin ko. Panandalian kaming natahimik parang may anghel na dumaan.

Gusto ko muna sanang tumahimik sa ngayon. Kaya naman nakatitig lang ako sa bintana kung saan nakita ko si Xion.

After a few minutes of silence he broke the silence. "You need anything?" he asked.

"Uh, I just want to get some medicine, my head hurts." I said while holding my head.

Legit naman kasi talaga 'yung sakit walang biro, para bang pinupukpok ako ng isang dosenang martilyo, hindi naman ganoon kadami ang nainom ko ah, baka naman may naglagay ng kung ano sa iniinom ko kanina hayss. Frank lean me again to my bed and faced me.

"Okay, just wait me here." I sit and put my gaze on the window, again...

Muli akong nakipag-argumento sa sarili ko dahil hindi ko talaga malimutan ang pangyayari na iyon, hindi ako pwedeng magkamali alam ko na siya 'yon, bawat sulok ng mukha niya alam ko.

I really miss you...

You are the person who accepts me for who I am despite of all of my imperfections, you are the one who accepts me, may sikreto ako na hindi pwedeng malaman ng iba at tanging kaming dalawa lang ng kakambal ko ang nakakaalam no'n. Kahit mga magulang namin ay hindi alam.

Hindi na din ako maaaring magtiwala kung kanino man, lalo na ngayon, dahil muling nagpakita si Xion sa akin, at alam kong may dahilan kung bakit siya muling nagpakita, kung ang kakambal ko ay kaligtasan, kakambal naman niya ang kapahamakan. Kaya kailangan kong mag ingat sa bawat kilos ko ngayon, at alam ko din na kahit ano mang oras magpapakita na siya ng tuluyan sa akin.

Maaaring may panganib na mangyayari, kaya dapat akong mag ingat sa mga taong nakakasalamuha ko. Hanggang hindi ko nakakausap ng maayos ang kakambal ko dapat akong maging alerto.

Hindi ko alam, baka isa sa mga kaibigan na pinagkakatiwalaan ko ngayon kapahamakan pala ang dala sa amin o lalo na sa akin.

Sobrang tagal ni Frank, kaya naman kahit masakit ang ulo ko bumangon ako para hanapin siya, gusto ko na talagang uminom ng gamot para makapagpahinga pa ako. Habang naglalakad ako, narinig ako ng mga boses na nag uusap.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now