Syempre hindi pwedeng si Zean lang magsalita dapat ako rin, bida-bida ako e.

"Pero kalma po, ngayon ko lang din po siya sinagot, at gusto po namin na sabihin din agad sa inyo, dahil ayaw naming maglihim sa inyo." Seryosong sambit ko.

Ilang segundo ang makalipas, napasigaw si Mama, tumayo ito at tumungo sa amin ni Zean sabay yakap sa aming dalawa.

"Sabi na! Masaya ako para sa inyong dalawa, huwag mong aasaktan 'tong anak ko Zean, malalagot ka sa akin!" Bati at banta ni Mama.

"Opo, hangga't maaari, hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo." Ngiting sambit ni Mama, at bilang tugon ni Mama, ginulo nito ang buhok niya.

Tumingin ako kay Papa at hinintay kung ano ang rekasyon niya, ngumiti ito sa akin at ibinuka ang kaniyang mga bisig. Tumayo ako at agad siyang niyakap.

"Dalaga ka na anak, hindi na ako ang lalaki sa buhay mo." Sambit ni Papa sa akin.

Medyo natawa ako dahil do'n, parang baliw 'tong si papa hays.

"Pa naman, huwag ka nga mag selos diyan kay Zean, ikaw pa rin naman ang first love ko e." Ngiting sambit ko rito.

Hindi ako kumakawala mula sa yakap niya at hinayaang pakinggan ang kaniyang mga sasabihin.

"Pasensiya na Xian, hindi lang sanay si Papa, hindi lang ako sanay na malaki ka na, may sarili ka ng pag-iisip at mga desisyon, dati binubuhat at nagmamakaawa ka pa na bilhan kita ng barbie, tapos tignan mo ngayon..."

Napahiwalay lang ako nang madinig ko 'yung sinabi ni Tito Clifford kay Papa.

"Pare, umiiyak ka ba?"

Tinignan ko ang mga mata ni Papa, at oo confirmed, umiiyak nga siya bakas ang pamumula ng kaniyang mga mata.

"Hoy Clifford manahimik ka! Hindi mo kasi alam pakiramdam kapag babae ang anak e!" Dipensa naman ni Papa.

Nagtawanan lang kaming lahat, binati nila kami at binigyan ng mga advice. Masaya ako dahil tanggap nila kami, at magkasundo ang mga magulang namin. Ang next step naman namin ay kung paano muna ito ililihim sa mga kaibigan namin.

Nang matapos kaming kumain, sila Papa, Tito Clifford, at Zean, tumungo muna sa likod-bahay namin, siguro may pag-uusapan sila, boys talk kumbaga, hinayaan lang namin sila, habang kami naman ay nanood na lang sa T.V.

Habang hinihintay namin sila, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko, tinignan ko ang mga notification at mga message mula sa barkada. Nag-backread na lang ako at hindi muna nag-chat. Nang magsawa ako sa cellphone ko, itinabi ko na ito at muling bumaling sa T.V.

Kasalukuyang nanonood ng teleserye sila Mama at Nana Emila, The Broken Marriage Vow ata 'to. Inabot din sila ng dalawang oras mahigit doon. Naunang lumabas sila Papa at Tito Clifford, nagpaalam si Tito sa amin at tumungo na sila Papa sa kotse nito.

Hinintay kong lumabas si Zean, ngunit ilang minuto wala pa rin siya, kaya naman pinuntahan ko na lang siya. Nadatnan ko siyang naka-upo roon sa bench malapit sa may poste ng ilaw. Tumabi ako sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko.

Maya-maya pa ay niyakap niya ako, hinayaan ko lang siya, ilang minuto rin kami na nasa ganoong posisyon, maya-maya, may naramdaman akong patak ng tubig sa aking balikat, akala ko umaambon na, ngunit mali pala ako.

Pinakiramdaman ko si Zean, at napansin kong mabigat ang paghinga nito, umiiyak siya, paniguradong umiiyak siya, gusto ko sanang mag salita, pero pinigilan ko 'yung sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now