"Inaamin ko Nana, noong una ko siyang makita may kakaiba akong naramdaman, basta masaya ako ngayon, Nana."
Sambit ko na siyang ikinangiti ni Nana.
"What! Xiridrea Xian! May boyfriend ka na? Sino? Kailan? Bakit hindi ko alam?"
Sabi na e, praning na naman 'tong nanay ko, whooooo, kalma Xian, inhale, exhale, inhale, exhale.
Kung si Mama ay panay ang pagka-praning, si Papa naman ay tahimik, pero halatang seryoso. Bumaling muli ako kay Mama at nag salita.
"Ma naman, kumalma ka lang po, please lang."
Kalmado kong sambit dito. Pinanlakihan niya ako ng mata, at tumungo ang mata niya kay Zean.
"Oo nga pala may bisita pa tayo, pero humanda ka sa akin mamaya ha!" Muling banta sa akin ni Mama, napakamot na lang ako sa aking noo at umiling.
Nang makaupo kaming lahat, binasag naman ni Papa ang katahimikan. "Bakit ka nga pala narito?" Kaswal ngunit may diin na tanong ni Papa.
"Dumalaw lang po." Simpleng sagot ni Zean.
Hindi pa umuuwi si Zean, dahil sinabi niya na dalawa kaming dapat mag sabi sa kanila. Alam ko naman na kapwang boto si mama at papa rito kay Zean, kaya all goods na ito.
Habang hinahantay namin sila Papa kanina, naglaro lang sila ni Ysmael, habang ako ay natulog panandalian sa kwarto ko. Ginising lang ako ni Nana nang mag-text si Mama sa kaniya na pauwi na sila.
Saktong hapunan nakauwi na sila mama. Sinalubong ko sila at agad na nagmano, ganoon din si Ysmael. Sila naman ay nagmano rin kay Nana. Sinabi ko kay mama na amy boyfriend na ako habang papasok kami ng bahay.
Hindi niya alam na naroon si Zean kaya ayon naging hysterical siya, ngunit napawi rin nang napagtanto nito na naroon si Zean. Sa kalagitnaan ng aming pagkain, nagsalita muli si Papa.
"Zean, siya nga pala, sinabihan ko 'yung papa mo na pumunta rin dito, siguro ay malapit na 'yon." Sambit ni Papa.
Tumingin si Zean sa akin at ngumiti, sabay baling muli kay Papa. "Ah sige po, salamat po." Ngiti niyang sambit.
Siguro kaya masaya ang loko kasi pupunta rin ang papa niya kaya naman isahang pag-aamin na lang 'to. Hinawakan niya 'yung kamay ko sa ilalim ng lamesa at ngumiting muli.
Tama nga si Papa, dahil makalipas ang tatlong minuto, narito na ang papa ni Zean kasama naming nakaupo sa hapag.
"Tito, Tita, Papa, may sasabihin po sana ako sa inyo." Sambit ni Zean.
Wow naman! Lakas ng loob, hindi halata na kabado ha. Sumisim muna ito ng tubig bago mag salita.
"Nagpaalam naman po akong ligawan si Xian, hindi po ba? Makalipas po ang ilang buwan, aaminin ko na mahirap mahuli ang puso ni Xian, ngunit dahil sa kagustuhan ko na mag wagi ako sa puso niya, nag sumikap ako upang ipakita ang pagmamahal ko sa kaniya."
Loko, anong mahirap akong paibigin, hindi ba niya alam na na-love at first sight ako sa kaniya? Syempre hindi niya alam kasi hindi ko naman sinasabi sa kaniya hehe. Itinahimik ko muna ang utak ko at nakinig sa kaniyang speech.
"Tito, Tita, bilang paggalang po sa inyong mga magulang niya, at sa iyo na rin po Pa, nais po naming sabihin na, kami na po."
Tinignan ko ang mga reaksyon nilang lahat, si Papa ay tahimik lang, mukhang alam naman na niya siguro, si Mama naman ay medyo gulat dahil nakatulala lang ito sa Zean, habang ang Papa ni Zean, hindi ko maintindihan kung masaya o natataranta na ewan.
BẠN ĐANG ĐỌC
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWENTY-TWO
Bắt đầu từ đầu
