"Salamat, Nana." Zean and I said.

I took a deep breath again, and faced them.

"Sana tayo-tayo lang po muna ang may alam nito, saka ko na po sasabihin sa mga kaibigan namin ha?"

Ayoko pa talaga muna sabihin sa mga kaibigan kong 'yon. Panigurado baka magpa-party o mag-hysterical sila. Tumango silang lahat sa akin at ngumiti.

May tiwala naman ako sa kanila, nakahinga na ako ng malalim at ngumiti. "Salamat po." Sambit ko.

"Sige, tara na at kumain na tayo." Yaya ni Nana sa amin.

Pag-uwi nila Papa, sasabihin ko na rin sa kanila, ayokong maglihim sa kanila hehe, baka si Mama pa kumurot sa singit ko.

During lunch time, puno ng tawanan at kwentuhan ang hapag, nangunguna sa daldalan si Ysmael, panay ang kwento tungkol sa eskwelahang pinapasukan niya. Malapit na rin pala ang sembreak namin, ano kaya ang magiging agenda namin.

"Hey, are you okay?" I heard Zean's soft voice.

I just shooked my head and smile, siguro napansin niya na medyo tahimik ako. E busy lang naman ako mag-isip kung anong magiging ganap namin sa sembreak hehe.

Dahil close sina Ysmael at Zean, panay ang daldal ni Ysmael kay Zean hanggang matapos ang tanghalian, nandito kami ngayon sa backyard nagpapahangin, siguro uuwi 'to si Zean pag nasabi na namin kanila Mama.

Nako po, mukhang matutuwa silang dalawa, kasi boto sila kay Zean, lalo na si Papa, tropa ba naman ang papa ng boyfriend ko. OMG hindi ako sanay na boyfriend tawag ko sa kaniya hehe.

"Ate, buti sinagot mo na si Kuya, masaya siguro si Ysrael." Sambit ni Ysmael na siyang pumukaw ng atensyon ko.

Si Ysrael...

Kumusta na kaya siya, ilang buwan na rin ang nakalipas matapos siyang mamaalam sa amin. Napatingin tuloy ako sa kalangitan ng wala sa oras.

"Miss ka na namin Ysrael, gabayan mo kami palagi." I whispered.

Maya-maya pa ay nawala na sa tabi ko sina Ysmael at Zean, naglaro na pala ang dalawa. Nakaupo lang ako habang masaya silang pinapanood na naghahabulan.

Ngayon ko na lang ulit nakita na ngumiti at tumawa ng ganito si Ysmael, huli ko siyang nakita na ganito, noong buhay pa ang kakambal niya, kaya laking pasasalamat ko na ipinakilala ko si Zean sa kanila.

Habang pinapanood ko sila, napansin ko na tinabihan ako ni Nana Emila.

"Alam kong masaya ka sa desisyon mo." Sambit nito ng may ngiti sa mga labi.

Nilingon ko siya at pinakinggan ang mga sasabihin niya. "Magiging masaya kayong dalawa, nararamdaman ko." Oo Nana, ngayon pa nga lang sobrang saya ko na.

"Talagang mahal ka ng batang 'yan, tuwing may nangyayari sa 'yo na hindi maganda, pinupuntahan ka niya, kaya hanga rin ako sa pagsusumikap niya sa 'yo." Habang sinasabi ni Nana ang mga katagang ito, hindi ko maiwasang titigan si Zean.

Parang nag-slow mo ang paligid namin, his eyes, his hair swing by the wind, his masculinity, and especially his smile. He looked at me and waved his hands, I smile and waved back too.

"Nana, tama naman po ang desisyon ko 'di ba?" I asked.

Tumango ito at ngumiti, hindi siya nagsalita, hinihintay siguro ang susunod kong sasabihin.

"Nana, mahal ko na rin siya e, alam mo 'yung feeling na ayaw mo nang mawala sa tabi niya, ayaw mong makita na kasama siya ng ibang babae."

Totoo naman, siguro ganito talaga kapag nahulog ka na ng tuluyan, ngayon ko lang din kasi 'to naramdaman, at hindi ko alam na ganito pala ang epekto nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now