While he is walking, he saw Zean. Lumapit siya kay Zean at tinapik ang balikat nito.
"By the way, congrats man. I'm leaving now." Then he vanished.
Zean walks towards me with his curious face.
"Anong nangyari ro'n?" He said immediately.
Hindi pa pala tapos, siya pa. Medyo hindi na ako kinakabahan, pero may .01% pa rin na kaba. I took a deep breath again for the third time.
"Zean..."
He raised his right eyebrow. "Ano? Bakit siya nag-congrats sa akin?" Ang cute niya hehe.
"It's a yes."
Natahimik kaming dalawa, kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat, hindi ko alam kung gulat ba 'yon, halo-halo 'yung emosyon na nakikita at nararamdaman ko mula sa kaniya ngayon.
Magulo pa ang buhok nito, mapungay rin ang kaniyang mga mata. Halatang kagigising lang niya.
"It's a yes, huwag mo nang ipaulit pa sa akin baka mag bago isip ko." I said sarcastically.
Pero naka-nganga pa rin ang lolo niyo. Ano ba 'yan ang cute niya. Oh my gosh! Ready na ba ako pumason sa isang relasyon? Handa na ba akong mag-commit? Syempre oo, kaya nga sinagot ko na si Zean e.
"What the potato french fries Xiridrea Xian Colland!" He shouted.
Natawa na lang ako sa hitsura niya. Gulat na gulat talaga siya promise. We both didn't know what to do. Kaya naman niyakap ko na lang siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumitig sa mga mata ko.
"Totoo ba? Hindi nga? Xian, hindi mo alam kung gaano ako kasaya, feeling ko, ako na ang pinakamasaya, at swerte na lalaki sa ibabaw ng lupa."
Napailing na lang ako sa kakulitan niya, kung ano-ano pa ang sinabi ng lokong 'to, batukan ko 'to e.
"Magtigil ka nga! HAHAHAHA!" Sita at tawa ko sa kaniya.
Binitawan nito ang balikat ko at napahawak sa kaniyang buhok at naglakad pabalik-balik sa harap ko. Hindi pa siguro nag-s-sink in sa kaniya.
"Legit ba? Official na tayo?" He asked me again. I nodded and smiled.
"Yes! Yes!" I shouted happily.
I took his hand. "Pero, pwede bang sa ating dalawa muna?" Ayoko pa muna ipaalam sa mga kaibigan namin, hahanap ako ng magandang oras.
Tumango at ngumiti siya sa akin. "Oo—" napatigil ito sa pagsagot nang may sumigaw mula sa likod namin.
"Anong sa inyong dalawa?!" Jusko santisima Nana Emila!
Muntik na akong atakihin sa puso! Ayokong mabyudo si Zean agad, charot.
"Nana? Tatay? Ysmael?" Gulat kong sambit nang makita silang nasa pintuan ng backyard. All this time? Nakikinig sila? Ano ba naman 'yan, Nana talaga Marites e.
Naglakad sila papunta sa amin.
"Madamot kayo, bakit hindi niyo sasabihin sa amin? Ikaw talagang bata ka, makukurot ko singit mo!" Sermon ni Nana sa akin.
Ano ba naman 'tong si Nana e, panira moment!
"Nana!" I shyly shouted.
They all laugh at me!
What the hell?
"Biro lang anak, masaya ako para sa inyong dalawa." She said with a smile on her lips and eyes.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWENTY-TWO
Start from the beginning
