"Ang galing mo talaga nahabol mo na naman ako haha!" tawa niyang sambit.

"Dali, round two tayo haha!" excited kong sambit, ngunit kapwa kaming natigilan.

"Kambal! Miryenda na!"

"Si Nana Emila!" sigaw naming dalawa.

Narito na muli si Nana, dalawang linggo kasi siyang nawala, umuwi saglit sa probinsya nila, namiss namin ng sobra si Nana!

"Tara paunahan kay Nana!" sigaw ni Xion sa akin.

Nang kapwa kaming tumango, nagsimula na kaming tumakbo, halos sabay lang kaming nakarating kay Nana Emila. Niyakap namin ito at pinaulanan ng halik.

"Nako ang kambal ko namiss ako ng sobra." natatawang turan ni Nana.

"Syempre naman po, tara po sa loob para makapahinga na po kayo." sambit ni Xion, sabay bitbit namin ng mga bag ni Nana. Sinaway pa kami ngunit matigas talaga ang ulo namin.

"Nana buti umuwi po kayo, akala namin wala po kayo sa birthday namin bukas." sambit ko naman.

"Pwede bang mawala si Nana sa seventh birthday ng dalawa niyang prinsesa?" tanong nito at sabay iling namin ni kambal.

Bukas na ang ikapitong kaarawan namin ni kambal at super excited ako! Ngunit napawi ang lahat ng iyon.

Dahil mula nang tumuntong kami sa aming ikapitong edad, doon na nagbago ang lahat. Nagsimulang nagbago ang pag-uugali naming dalawa, tila naging yelo ang ugali ni Xion, at ako naman ay tila apoy dahil sa bilis uminit ang ulo ko.

Ang laking pagbabago iyon, hindi kami sanay, lalo na ang mga taong nakapalibot sa aming dalawa. Bumilis ding kumilos si Xion ng mga panahong iyon, at ako naman ay mabilis makasira ng mga gamit.

Ang laking pagtataka ng mga magulang namin, nagawa rin kaming ipatingin sa mga espesyalista ngunit wala pa ring nangyari. At ang isa pa sa napansin namin, tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.

Nagbabago ang mga kulay nito, kaniya ay bughaw at akin naman ay pula, tanging kaming dalawa lang ang nakakakita noon, dahil kapag ibang tao ang aming kaharap, normal ang aming mga mata.

Isang linggo matapos naming malaman ang mga kakaibang pagbabago sa aming sarili, doon na nagsimula ang trahedya, si Xion ay nawala.

Sa isang iglap muling nag-apoy ang aking mga mata nang kuminang ang nagninyebe niyang mga mata sa isang madalim na parte ng hardin. Prente itong nakatayo sa isang sulok ng hardin, napakagaling mo talaga kambal, dahil sa kadiliman hindi mo ito mapapansin, ngunit dahil parang may komunikasyon ang aming mga mata at isip.

Nagagawa maming mag padala ng mensahe at senyales sa isa't isa, kaya naman kampante ako na buhay siya at walang nangyaring masama sa kaniya, hindi sa instinct ko bilang kakambal niya kung hindi dahil sa kapangyarihang nagdudugtong sa aming dalawa.

Katulad nga ng aking sabi tila kuminang din ang nagliliyab kong mga mata, parang nagkaroon ng komunikasyon sa aming mga titig, isang mensaheng kaming dalawa lang ang nakakaalam at nakakaintindi, tumango kami sa isa't isa bago ko tuluyang harapin si Zean.

Tama lang na natili ako rito kahit saglit, kahit papaano siya ay nakita ko.

Nakasulyap ito sa bilog na bilog na buwan sa itaas, marahil hindi niya naramdaman ang panandaliang komunikasyon namin ni Xion. Dahil ang isa pa naming kapangyarihan ay ang pagtigil ng oras, sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata, tumitigil panandalian ang oras.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now