"Ang love life niyo, kumusta naman?" ano ba namang tanong 'yan jusko mahabagin.
"Waiting na lang po sa matamia na oo hehe." preskong sambit ni Zean kaya naman nagkantyawan sila.
"Basta importante nakakahinga ako." biro kong sambit kaya naman nagtawanan sila.
Tamang tawanan at kuwentuhan lang kami tungkol sa buhay-buhay hanggang matapos nang kumain ang lahat.
Natapos kaming maghapunan at nagpasya kami na maghugas ng pinggan, naligo na ang mga bata at inaasikaso sila ng mga madre habang kami ni Zean naiwan dito sa kusina at naglinis.
Napaupo ako saglit at si Zean ay patuloy pa rin sa paglilinis, napakasipag niya, napakabait, matalino, may itsura, hindi ko inaakala na mapapalapit ako sa kaniya. Oo aaminin ko, humanga ako sa kaniya noon, paghanfa lamang iyon o infatuation.
Ngunit, hindi ko namalayan na buwan na pala, at sa mga nakalipas na buwan na iyon, napapalapit at nahuhulog na ako sa kaniya. Oo siguro nahulog na talaga ako kay Zean. Ngunit natatakot akong umamin, alam kong may gusto rin siya sa akin.
Ngunit pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan namin, ayaw ko siyang mawala sa akin, ayokong mawalan ng kaibigan, ng kasama sa drama, sa lahat.
"Xian!" sigaw ni Zean.
"Ay punyeta!" napamura ako sa gulat. Kanina pa 'to sa kakagulat sa akin.
"Kanina ka pa kasi hindi mapakali simula roon sa resto, may problema ka ba?" tanong nito sabay upo sa tabi ko.
"Wala, tara linis na tayo para makapagpahinga na tayo." sambit ko sabay tayo.
Nagkibit-balikat na lamang ito at miling nagpunas ng mga lamesa, nagtungo ako sa lababo at naghugas na ng mga pinggan at kubyertos.
Biglang pumasok sa isip ko si Frank, takot akong mag-reject, kaso, wala naman akong pagtingin kay Frank, simula pa lamang si Zean na ang pumukaw sa atensyon ko, nalilito ako, hindi ko na alam gagawin ko.
Lalo na at kapwa ko silang kaibigan, at kapwa na silang malapit sa akin, alam kong may masasaktan na isa, kung pipili ako may matutuwa at may masasaktan, ayokong mangyari 'yon, ayokong saktan sila parehas.
Siguro nakahalata na si Zean kaya dumistansiya muna siya, alam niyang kapag hindi ako mapakali nais ko mapag-isa, kalahating minuto nang matapos kamung maglinis sa kusina. Kapwa na rin kaming naligo, mabuti na lang at mag spare clothes kami.
Matapos kong maligo nagtungo kaagad ako sa teresa malapit sa tutulugan namin, nasa second floor kami ngayon, malamig at presko ang simoy ng hangin. Maya-maya pa ay nakaramdam ako na may tumabi sa akin. Si Sister Trina pala.
Inabutan niya ako ng isang baso na may gatas.
"May problema ka ba Anak?" bungad niya sa akin, habang nakatanaw sa malayo.
Marahan akong sumimsim sa gatas na ibinigay niya ay nagsalita. "Sister, naguguluhan ako..." huminto ako at huminga ng malalim.
"...may dalawa akong kaibigan na may gusto sa akin, ayoko silang masaktan pareho kapag pumili ako, Sister mas gusto kong manatili kaming magkakaibigan, pero..."
Narning ko na napabuntong-hininga rin si Sister bago ito humarap sa akin. "Anak, alam kong mahirap iyang sitwasyon mo, may dalawa kang kaibigan at ayaw mong masaktan ang isa sa panahong pipili ka na, alam kong nahulog na ang loob mo sa isa sa kanila. Sana maging tama ang desisyon mo, dahil wala akong magagawa diyan, ikaw ang mag dedesisyon niyan kaya ayusin mo." tama naman siya, ngunit naguguluhan talaga ako sa ngayon.
"Sister, simula pa lang siya na ang gusto ko, noon pa man noong nagkita kami alam kong nahulog na ako, pero Sister takot akong mawala siya sa akin kapag dumating 'yung punto na magkalabuan kami." hindj ko na alam kung ano na ang mga sinasabi ko, hindi ko alam kung tama pa ba.
"Xian, Anak, sa pagmamahal, hindi mawawala ang mga problemang haharapin niyo, kailangan niyo lang na maging matatag at magkaroon ng tamang pag-iisip at pang-unawa sa isa't-isa, minsan kailangan mo ring sundin ang sinisigaw ng puso mo, dahil minsan mas tama pa iyo ay kaysa sa sinisigaw nito." sabay turo sa may sentido ko.
"Sister, ayoko kasi na may masaktan ako, kung pipiliin ko 'yung taong gusto ko paano na lang 'yung isa? Sister ayokong makasakit e." totoo naman na ayaw kong may masaktan, kung pwede nga lang akong maglaho bigla ginawa ko na.
"Kaya mas gugustuhin mong ikaq ang masaktan?" napatahimim ako sa tanong ni Sister at napainom na lang ako bigla.
"Naiintindihan kita, pero ayos lang ba sa'yo na palaging ikaw ang masasaktan? Deserce mo ring maging masaya 'di ba? Deserve ng lahat 'yon, at iyong lalaki na hindi mo mapipili, oo masakit sa kaniya, pero dapat niyang tanggapin at respetuhin ang desisyon mo." tama naman si Sister, ang expert mag-advice ah, parang may history chos.
"Huwag mo siyang pipiliin kung naaawa ka lang sa kaniya kasi ayaw mo siyang masaktan, kasi lalo siyang masasaktan sa huli." puro malalalim ang mga sinasabi ni Sister sa akin ah.
"Alam kong matalino ka, at alam kong may napupusuan ka na, walang masama kung susubukan mo ngunit, kailangan mo ring tanggapin kung ano ang kakalabasan nito." makahulugan niyang sambit sa akin.
"Sister, ayoko rin namang humantong sa punto na magsisisi ako dahil naging duwag ako, pero Sister, paano kung hindi pala kami?" jusko naman Xiridrea, kung ano-ano na ang pumapasok sa isio mo.
"Xian, hindi natin alam ang mga mangyayari kung hindi natin susubukan. Hindi masama na mag-take ng risk, ang masama ay iyong naduwag ka at magsisi ka, pag-isipan mo 'yang mabuti." tango ko sa kaniyang sinabi.
Napaisip ako sa mga sinabi sa akin ni Sister nagkagulo-gulo na ang brain cells ko, jusko naman. Gulong-gulo na talaga ako. Hihintayin ko pa ba 'yung right time? O kikilos na ako? Baka kasi magsisisi ako at the end.
Damn it, ang daming tanong na pumapasok at nabubuo sa isip ko, nakakastress baka pumangit ako, chos lang. Hindi ko na alam bahala ka na Captain America.
"Sister, last na 'to."
"Ano ba iyon?" tanong nito.
"Naalala niyo pa po ba si Yanyan? Iyong batang lalaki na kasama ko palagi noon?" sunod-sunod kong tanong kay Sister.
Ilang sandali itong natahimik, tila inaalala kung sino iyon. "Iyong batang tahimik? Na ikaw lang ang pinapansin?" tanong nito pabalik.
"Opo." tipid kong sagot.
"Wala na akong balita sa kaniya, simula noong huli nilang dalaw ng Mama niya, iyon din 'yung araw na nawala si Xion." lumungkot ako lalo dahil muli kong naalala ang kakambal ko.
Nakakalungkot lang dahil, ni-isang bakas walang iniwan si yanyan sa akin. Kalahating minuto nang magpaalam si Sister sa akin.
"Matutulog na ako, magpahinga ka na rin huwag ka na magpuyat." paalam ni Sister sa akin, kaya naman nagmano na ako.
Nakasilip pa rin ako rito sa teresa habang nag mumuniçmuni. Kung ano-ano na ang naiisip ko, una ang misteryong nagaganap, pangalawa su Xion, pangatlo si Yanyan, at itong kakaibang pakiramdam ko kay Zean.
Pasado alas nuebe nang naisipan ko nang pumunta sa kwarto, ngunit natigilan ako nang may napansin akong nakatayo hindi kalayuan sa baba ng teresa.
Nagtagpo ang aming mga mata, ramdam ko ang lamig ng tingin nito, pilit kong nilalaban ng init sa aking mga mata ngunit malakas ang pwersa niya. Muli na naman kaming nagkita, muli na namang naglandas ang aming mga mata.
Ang mga mata ng nyebe at apoy...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-cassioussness
أنت تقرأ
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
أدب المراهقينAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWENTY
ابدأ من البداية
