Sumang-ayon na lang kaming dalawa, dahil bakas sa kanila ang pag-aalala, at tama sila na wala pang kasiguraduhan kung kami nga ba talaga ang pakay o hindi.

Tumawag na ako kay Nana para sabihin na hindi ako makakauwi ngayon, at ganoon na rin ang ginawa ni Zean, pinaghandaan na kami ng matutulugan nila Sister, nagkasundo kami na sa iisang kwarto na lamang kami.

Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ni Sister, kapwa kaming nagtatanungan gamit ang aming mga mata. Matapos iyon ay bumalik na kami sa aming mga ginagawa, hindi na muna namin ito inisip upang hindi mahalata ng mga bata.

Nakipaglaro lang kami ni Zean habang sila Sister ay tahimik na nanonood sa amin. Dahil start na pala ng sports fest bukas pwedeng hindi pumasok, gustuhin ko mang pumasok, hindi ko magawa dahil nag-aalala ako sa mga bata rito.

Alas singko ng hapon, naglinis na ang mga bata at naghanda na upang maghapunan, tumulong kami ni Zean sa paghanda ng mga pagkain. Mahigit thirty orphans ang handle nila rito, nababawasan dahil na rin sa may mga naaadopt na.

Kahit na hindi mapalagay pinilit naming magmukhang normal sa harap ng mga bata, maya-maya ay isa-isa na silang nagdatingan at umupo sa nga pwesto nila. Hindi sila mahirap pagsabihin dahil mga masusunurin sila at hindi mga pasaway.

Nang makumpleto ang mga bata, nagsimula na rin kaming umupo, ako na ang nag lead ng prayer bago kami magsimulang kumain.

"Dear Lord, salamat po sa biyayang ipinagkaloob mo sa amin ngayong araw, salamat din po dahil hindi mo kami pinapabayaan, salamat po sa inyong gabay at patnubay, huwag niyo po kaming papabayaan. Ang lahat po ng aming dasal at pasasalamat ay ipinagkakaloob namin sa inyo, Amen."

"Amen." sambit ng lahat.

Masaya ang naging hapunan namin, lima na lamesa ang nandito, ang tatlo ay ukupado ng mga bata habang ang dalawa ay para sa mga madre at facilities.

Madidinig mo ang mga tawa at kuwentuhan ng mga bata, napakasarap nilang pagmasdan, mga wala pang problema at tanging laro lang ang inaalala. Nakakamiss bumalik sa pagkabata.

"Uy, lalim ng iniisip mo ah." biglang sambit ni Zean na ikinagulat ko.

Mahina ko itong hinampas sa braso niya at medyo napataas ang boses ko. "Zean naman!" buti hindi napansin ng mga tao rito.

"Sorry na." natatawa nitong sambit sabay inom ng tubig.

Muli akong napatingin sa mga bata at nagsalita. "Wala ang saya lang kasi pagmasdan ng mga bata."

"Gusto mo na bang magka-anak? Nako Xian, hindi pa ako handa ah, hindi pa tayo graduate." napatingin ako sa kaniya at pinandilatan ng mga mata. Nako talaga Zean baka masapak kita.

Umayos ako ng upo at seryoso siyang tinitigan. "Zean, may saltik ka ba talaga?" sarkastiko kong tanong.

Tumawa ito ng mahina bago magsalita. "Ito naman hindi mabiro." biro mo mama mo.

Sumulyap din siya sa mga bata at nagsalita. "Oo ang saya nila pagmasdan, ang sarap ulit maging bata 'no?"

"Oo sobra, walang problema at puro laro lang." sambit ko na lang.

"Zean, Xian, kumusta naman ang pag-aaral ninyo?" pagbasag ni Sister Trina sa katahimikan sa aming lamesa.

"Maayos lang po, kayang-kaya po." sambit ni Zean sabay subo.

"Mabuti, pagbutihan niyo lang sa pag-aaral upang makamit niyo ang mga pangarap niyo." pagpapa-alala ni Sister Shina.

"Opo naman, laban lang." sambit ko.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now