Papunta ito kung saan kami nagparada kanina, kahit nagtataka ako sumunod lang ako, tumigil kami sa tapat ng motor niya, kunot-noo ko siyang tinignan.

"Anong meron?" tanong ko.

"Pinuntahan ako nu'ng nagbabantay dito, at sinabihan akong i-check 'yung motor ko, at 'yan ang nakita ko." sabay turo sa kabilang parte ng kaniyang motor.

Umikot ako at napasinghap ako nang makita ko kung ano ang nangyari sa motor niya, may spray paint ito na kulay pula at may nakasulat.

"Time is ticking..."

Iyon ang nakasulat sa motor ni Zean, unti-unti na talaga akong nababalot ng kaba at takot, hindi ko alam kung si Xion o ibang tao ba ang gumagawa ng lahat ng ito.

"Nareport ko na iyan sa malapit na police station dito, dahil nag-aaalala rin ako sa mga bata, wala akong pakialam diyan sa motor ko, kaligtasan ng mga bata ang dapat na unahin dito."

Lumuwag ang paghinga ko nang sabihin iyon ni Zean, tama naman siya, hindi namin alam kung anong kapahamakan ang dala ng mga nangyayari na ito, marahil sabihin ko sa kaniya kung ano ang mga nangyari kanina.

Ibinilin niya ito kay Mang Sigor, at bumalik na kami sa loob, sinabi na rin namin ito kanila Sister upang maging aware sila, pinapasok muna ang mga bata upang sa loob maglaro, mahirap na baka kung anong mangyari. Kaagad kong hinanap sila Sapphire at Josiah.

Nang natanaw ko sila, tinawag ko ang mga ito, napaluhod ako at niyakap ko sila.

"Ate, ano pong nangyayari?" takang tanong ni Sapphire.

Kapwa ko silang hinarap at tinitigan sa mata. "Wala, basta sumunod lang kayo sa mga sasabihin nila Sister, okay?" paalala ko sa kanila.

"Huwag kayong magpapasaway sa kanila." dagdag din ni Zean.

Tumango ang dalawa at muli akong niyakap, tinanggap ni Sapp ang kamay ni Zean, habang ako ay hawak-kamay si Josiah, sabay kaming apat na pumasok sa loob kung saan nadoon ang mga bata pati na rin ang mga madre.

Pinakain muna ng meryenda ang mga bata habang kami ay abala sa pag-alam kung ano ba talaga ang nangyari kanina. May ilang madre at facilities ang naiwan upang bantayan ang mga bata, habang kami ni Zean at ilang head Sisters na kasama ni Sister Trina ay magkakasama.

Dapat masiguro namin ang kaligtasan ng mga bata, pumunta kami sa CCTV room upang tignan ito, kasama namin ang isang head guard ng orphanage. Seryoso at tutok ang lahat habang pinapanood ng CCTV footage.

Bawat sulok ng orphanage ay kuha at kita sa CCTV, nakita rin namin ang motor ni Zean, pasado alas tres ng hapon nang may dumaan doon, ito siguro 'yung oras na magkausap kami ni Sister.

Luminga-linga ito at agad nilabas ang spray paint niya, full hlack ang suot nito, pati ang mukha niya ay natatakpan, hindi ko malaman kung babae ba ito o lalaki, I can't identify its body shape. Mabilis itong tumakbo at sampung minuto bago ito mawala, dumating si Mang Sigor.

Agad ding tumakbo si Mang Sigor at maya-maya kasama na nito si Zean, limang minuto na nag-usap sila Zean at Mang Sigor bago tuluyang umalis si Zean.

Nagkatinginan kaming lahat, at halos lahat ay puno ng katanungan.

"Mukha namang hindi siya armado, marahil napagtripan, o kayo talaga ang pakay." sambit ng head guard at sabay turo sa aming dalawa ni Zean.

"Dahil base sa mga CCTV hindi naman ito lumapit o pumunta kung nasaan ang mga bata." dagdag pa nito.

"Zean, Xian, may nakaaway ba kayo?" tanong ni Sister, at kapwa kaming umiling.

"Dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi, bukas na kayo umuwi, baka abangan kayo sa labas kung sino man iyan." sambit ng isang Sister sa amin.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now