"Xian..." tinig ng isang pamilyar na boses.

Kaagad ko itong nilingon, baka siya na ito.

"Buti nagkita ulit tayo, buti na lang napilit ko si Mom na pumunta kami rito." tumabi ito sa akin.

Kaagad ko siyang niyakap dahil namiss ko siya. "Yanyan, namiss kita!" halos mangiyak-ngiyak kong ani.

"Ako rin, tahan na ang pangit mo umiyak." asar nito sa akin.

Kaming dalawa lamang ang malapit dito sa orphan, katulad ko rin siya na bumibisita rito upang makipaglaro. Naaalala ko noon, six years old kami ni Xion noong dinala kami nila Mama rito.

May batang lalaki akong nakita, tahimik lang ito at palaging nasa sulok, sa isang linggo na pagdalaw namin dito palagi ko siyang napapansin, kaya naman naglakas loob akong kausapin siya. May mga kalaro naman si Xion dito, ako lang naman ang wala, dahil mailap ako sa mga tao.

"Hi..." bati ko sa kaniya, ngunit tinignan lang ako.

Hindi ko malilimutan ang maamo niyang mga mata mula nang magtagpo ang mga mata namin. Kinulit ko ito hanggang sa napalagay ang loob niya. At simula noon, naging magkaibigan na kami, at naging tambayan na namin ang swing na ito.

At hanggang ngayon ten years old na kami, magkaibigan pa rin kami.

"Xian, habulin mo ako!" sambit nito sabay takbo.

Tumayo kaagad ako sa swing at hinabol siya. "Madaya ka!"

"HAHAHA! Takbo ka kasi mabilis!" masaya nitong sabi sa akin habang tumatakbo

"Aray!" sigaw ko nang matalisod ako sa nakaharang na bato

"Ayoko na nga maglaro, nasugatan ka tuloy, sorry..." mahina niyang sabi.

Niyakap niya ako at panay ang sorry niya, hanggang sa kapwa na kaming umuwi, nagpaalam sa isa't-isa at kapwang nangako na magkikita muli.

Ngunit, iyon na pala ang huling laro, huling yakap at huling kita naming dalawa ni Yanyan. Dahil matapos ang araw na iyon, hindi na kami muling nagkita, kasabay ang pagkawala ni Xion.

"Alam mo bang nagulat ako dahil bigla na lamang siyang sumulpot dito." napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Sister Trina.

"Hindi ko sukat akalain na buhay pa pala siya, ngayon ko na lamang ulit siya nakita makalipas ng mahabang panahon." kahit din ako Sister.

Sa katunayan, si Xion talaga ang malapit dito, napalapit lang ako dahil palagi niya akong sinasama at niyayaya na pumunta rito. Sa susunod, itatanong ko kay Sister Trina kung bumibisita pa ba si Yanyan dito.

Gusto ko ulit siyang makita, lalo na ngayon, ngunit sa sitwasyon namin ngayon, isasantabi ko muna iyon, dahil mas importante ang kaganapan ngayon.

"Sister sa katunayan, may gusto rin po akong sabihin sa iny-" naputol ang sasabihin ko nang nadinig ko ang boses ni Zean.

"Xian, nandito ka lang pala..." napahinto ito nang makita niya si Sister. "...kasama mo pala si Sister, sorry."

"Okay lang, mukhang may pag-uusapan kayo, maiwan ko muna kayo." ngiting sabi ni Sister at sabay alis.

Kaagad kong sinulyapan si Zean, at tinignan ito ng naka "Ano 'yon" look, agad niya itong naintindihan kaya hinila niya ako. Sumabay na lang ako sa kaniya at hinayaan kung saan niya ako dadalhin.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now