Prologue

4.1K 102 22
                                    

"Bata, tagay ka pa!" iniabot ng lalaking nasa harap ko ang baso na ininuman nya. Gabi-gabi na nilang buhay ang pagtungga ng alak na idinudulog sa kanila ng lalaking iyon. Gabi-gabi na may dala silang babae para paglaruan. At gabi-gabi ko na din trabaho ang linisin ang pinagkalatan nila. Limang bote ng alak bawat isa sa kanila at siguradong tumba na naman samantalang kahit tumbasan ko pa ang iniinom nila buhay pa din ang dugo ko. Marahil isa itong magandang naituro ng aking ama. Ang pataasin ang tolerance ko sa alak.

Kinuha ko ang basong inaalok nito at saka nilaklak ang laman. Hindi na ito kasing pait ng unang inom. Hindi na din ganoon kalasa.

"Alam...nyo bha..Naphapha-iship talaga ako..shayong bata ka. Napakamisteryosho mo. Kaya shiguro hindi ka maalish-alish ni Boss Gavin..Kung tutuushin, napakalaki pa ng pag-asha mo. Bata ka pa at may-itshura. Kahit nga ang mga babaeng yan na nasa loob ang kulo shiguradong gustong matikman mo.." Napukol ang tingin namin sa lalaking nag-abot sa akin ng baso. Sa tono ng pananalita nya ay halatang malakas na ang tama nya. Wala din akong maisagot pa sa kanya. Pilit kong iniisip kung compliment ba o pang-uyam ang lumalabas sa bibig nya.

"Shayang ka talaga. Hinahaksaya mo ang buhhhay!! Mo dito." Nginitian ko lamang sila tulad ng ngiting lagi kong ipinakikita. Nag-aaksaya ng buhay? Hindi sa tingin ko. Ito ang nakatadhana sa akin. Dito ako nababagay sa mundong ipinakilala sa akin mula pagkabata at sa tingin ko ay walang mali sa pamumuhay na ito.

Tulad nga ng inaasahan, isa-isa na din silang nagbagsakan samantalang patuloy lang sa pag-iyak ang mga kababaihang pinaglaruan nila. Kahit anong iyak ang gawin nila, wala din namang mangyayari. Walang puso ang lahat ng tao sa loob na ito at hindi ko itatangging isa ako sa kanila.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko ngunit isang pangungusap ang nagpatigil muli sa akin. "Shino ka nga bang bata ka? Shino ka bukod sha pangalang Vougn?" Muli kong nilingon ang lalaking iyon ngunit tulad ng parehong tanong lasing man o hindi ay ngiti lamang ang kaya kong ibigay. Ang pagkatao ko ay parang isang papel na walang nakasulat. At kahit anong pilit nyo, tingin ko'y hindi nyo din masusulatan dahil wala kayong maisusulat at wala akong maibibigay sa inyo na maaari nyong isulat.

"Parang awa mo na tulungan mo kami." Pagmamakaawa nang isang babae habang hirap takluban ang katawan nyang natanggalan ng saplot. Tulong? Napangiti na lamang ako ng mapait. Hindi ko ata alam kung ano ang bagay na iyon.

Kumuha ako ng upuan at naupo sa harap nila. Not to look at their bodies 'cause I have seen hundreds of female body much beautiful than theirs, instead to look at their expression. They're easy to read.

I sat there looking at them with a blank space until they got tired of crying; until the morning comes.

"You're heartless." Matigas na wika ng isa sa kanila. She's right and hearing that is just so normal.

The Psychopath's Son (On Going)Where stories live. Discover now