Doon ako parang natauhan. Napakurap ako at tumayo ng tuwid. Umusog pa ako para mabigyan sila ng espasyo. "Anong ginagawa ninyo rito? Kayo ba ang sinasabi ng caretaker na palaging dumadalaw dito?" Tanong ko. Not minding her question.

"Kami nga, Iha. Gusto lang sana naming dalawin ang apo at ang mama mo. Naisip kasi namin na habang wala ka, kami muna ang bahala sa kanila...." Umiling ako sa sinabi ni Mr. Dela cruz.

Hindi makapaniwalang nilingon ko sila. "Bakit? Nagi-guilty ba kayo? Inuusig na ba kayo ng konsensiya ninyo?"

"Iha, kasalanan ko ang lahat. Sa 'kin ka na lamang magalit." Sabat ni Mrs. Dela cruz.

"Tama, kasalanan mo nga ang lahat." Malamig kong tugon. Binalik ko ang mata sa lapida ng anak ko. "Namatay si Maximo dahil sa 'yo. Ang nanay ko....hindi niya kinaya....ni...ni hindi man lang niya nasabing masama ang loob niya sa inyo ng pamilya mo. Buong buhay niya nagsilbi siya sa inyo....pero anong ginawa mo? H–Hindi mo man lang kinaawaan ang mama ko."

"I'm really sorry! Nagsisisi na talaga ako!" Kulang na lang ay lumuhod siya sa pagmamakaawa.

"Wala naman ng magagawa ang sorry mo. Kahit magsisi ka pa buong buhay mo, wala pa ring magbabago. Nawalan pa rin ako ng anak at ina. Nasira ang buhay ng pamilya ko at hanggang ngayon dala dala pa rin namin ang sakit na dinulot ninyo."

"L-Lahat gagawin ko para mapatawad lang ninyo a-ako...." Nanginig ang boses niya. "Please, Corraine. Hayaan mo akong makabawi..."

Anong gagawin ko, Mama? Kakayanin ko bang tanggapin sila, Maximo?

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko iyong kinuha sa bag ko at sinagot nang makitang si Georgia ang tumatawag.

I sighed. "Georgia...."

"C—Corraine! Si D–Daniel!" Natatarantang bulalas niya.

Namutla ako at kinabahan. "H-Ha? Bakit? M–May nangyari ba?!" Nataranta na rin ako. Nang tingnan ko ang mga magulang ni Daniel ay nakita ko ang takot sa mga mata nila habang nakaabang sa'kin.

"T–Tinakbo namin siya sa h-hospital....h-hindi ko alam...b–basta..." Hindi ko na siya masyadong naintindihan.

Napalunok ako. "P-Papunta na ako diyan!" Natatarantang binaba ko ang tawag at akmang tatakbo na paalis nang may pumigil sa braso ko.

Tiningnan ko ang Mommy ni Daniel pababa sa kamay niyang nakakapit sa braso ko. "A-Anong nangyari? S–Si Daniel..."

Nanghihinang binawi ko ang braso sa kaniya. "Sumunod na lang kayo sa'kin...." Sabi ko bago tumakbo paalis.

Daniel, please.

"M—Mommaaaa!" Umiiyak si Maxine nang salubungin niya ako ng yakap. Niyakap ko siya nang mahigpit para pakalmahin. Puno ng takot at pag-aalala ang mga mata ko nang nilingon ko si Georgia na nakaupo lang sa gilid.

Nakagat ko ang ibabang labi at hinarap si Maxine sa'kin. "Okay lang, baby. Magiging okay rin si Daddy..." Pag-aalo ko sa kaniya. Marahan kong pinunasan ang mga luha niya. Iyak pa rin siya ng iyak.

Niyakap ko na lamang siya ulit at binuhat. Nilapitan ko naman si Georgia at umupo sa tabi niya. "G–Georgia, ano bang nangyari?"

"H-Hindi ko alam..." Umiling siya. "...inalalayan ko lang siya papunta sa k-kusina para sana pakainin sila ni Maxine ng agahan pero bigla na lang....dumugo ang ilong niya tapos...tapos may dugong lumabas sa bibig...niya..." Nagbaba siya ng tingin sa damit. Tiningnan ko naman ang damit niya. May mga dugo! "N–Nawalan na siya ng malay...kaya tinakbo na namin siya ni Maxine rito..."

Nanginig ako sa takot. Nasa emergency room pa daw siya. Niyakap ko na lamang si Maxine. He will be fine, baby. Hindi tayo iiwan ni Daddy.

Nilingon ko naman ang mga magulang ni Daniel na umupo sa harap namin. Iyak ng iyak ang Mommy niya samantalang inaalo naman ito ng asawa. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Corraine!"

Nilingon ko sila Rhea at ang parents niya. Hinihingal silang lumapit sa'kin. Saglit pang natigilan si Rhea nang makita ang parents ni Daniel pero nagpatuloy rin naman siya sa paglapit sa'kin.

"Are you okay? Pumunta agad kami no'ng tumawag si Georgia.." Sabi niya.

Tumango ako. Kinuha naman nila Tita at Tito si Maxine sa'kin para pakalmahin na rin. Hinayaan ko na ang anak ko sa kanila lalo na't willing naman siyang humiwalay muna sa'kin.

"I thought...he's getting bettet?" Tanong ni Rhea.

Kaagad akong umiling. "He's not getting any better." Nilingon ko siya. Nanginginig ang mga labi ko. "I think....his c-cancer...." Humikbi ako. "I think....Its getting w—worse!" Hagulgol ko.

"C–Corraine..." Niyakap niya lang ako.

Umiling ako. "R–Rhea...dumating na ang kinatatakutan ko....I-I can't do this..." I really can't.

"Shhh it will be alright. He'll be alright." Pag-aalo niya.

Please. Please, be alright.

(Wasn't backread before publishing.)

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon