Fated Lovers: Kaluwalhatian Chronicles by -IndieWriter-

259 6 25
                                    

032521

Paalala: Ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga spoilers. Maaring basahin lamang kumporme sa inyong nais.


Hi, Ms. Rey! Nabasa ko nang buo ang nobela mo. Napasabak ako dito dahil sa haba niya. Hehe! Salamat pala sa paghihintay. Sana ay may maibahagi ako sa 'yo sa review na ito. Kung may tanong at reaction(positive man 'yan o negative), 'wag po mahiya at i-comment lang sa baba or sa mga inline comment sections. I'll be as open as I can be. Anyway, salamat ulit sa pag-apply.

I. Title in Relevance to the Story

Nailapat mo nang maayos ang kuwento mula sa punong titulo niya na Kaluwalhatian Chronicles. Napanindigan ang pag-iral ng mga diyos at diyosa. Napaikot ang mga eksena at naipahatid ang hiwagang dala ng mitolohiyang Pilipino. Sa gitna ng ginawa mong setup na ito, tagumpay na pumasok ang pinakaistorya ng nobela na sinuportahan ng subheading na Fated Lovers. Umusad ang daloy ng kuwento, umayon sa pinababatid nitong katuturan, at hindi lumihis hanggang sa katapusan. Kumbaga, hinulma na ng titulo ang magiging ekspektasyon ko sa kuwento at pagdating sa dulo ay hindi niya ako binigo.

II. Setting

Fantasy. Romance. Historical fiction. Tama lang ang timpla ng mga pinangyarihan na umayon sa tatlong genre na 'yan. Nadala ng paraan ng pagsasalaysay ang mood ng setting. Dama ko ang ambiance na dala ng probinsya ng Laguna. Nagawa mo rin akong dalhin sa panahon noon patungo sa modernong panahon ngayon. Maging 'yung feels ng rural at urban, present. Natuwa rin akong maka-relate sa iilang mga pamilyar na lugar na binanggit mo tulad ng Enchanted Palace (na malamang ay hango sa Enchanted Kingdom), Fort Santiago, Manila Bay, etc. Nakatulong ang mga iyon para maging realistiko ang atake ng kuwento sa kabila ng pantasyang dala nito.

III. Characters

Concrete ang pagkakabuo mo sa mga tauhan. 'Yung mga roles at goals nila sa kuwento, malinaw mong naipakita. 

Si Fate (o si Maganda). Pride and envy ang nakita kong humulma sa kanyang personality. Gusto ko kung paano siya nag-stick sa paninindigan niya na ang tulad niyang babae ay meron ding ibubuga. Kung paano siya nakipagbuno sa buhay maipakita lang na tao siya at nararapat sa pantay na karapatan. 'Yung katigasan ng ulo niya (at ng puso niya), nangibabaw lalo na sa unang parte ng istorya kung saan nasagasaan siya. Namangha ako dito kasi dito ko nakita 'yung level ng galit niya kay Amanikable. Matindi! Bungad na bungad, na-set agad 'yung position niya sa story at 'yung emosyon na magmamaneho sa kanyang karakter sa kabuuang daloy ng kuwento. Matagal na panahon niyang hinintay na matapos ang kanyang buhay pero sa kabila ng nangyaring aksidente, mas naisip niya pang ingatan 'yung pride at dignity niya sa harap ng taong kinasusuklaman niya. Sa pag-usad ng kuwento, nagustuhan ko rin ang pag-usbong ng takot niya na mamatay. Hindi dahil literal na masakit sa katawan kung hindi dahil sa mga bagong relasyon na nabuo niya (o dating relasyon na muling nabuo). 'Yung mga agam-agam, nagsulputan. At sa pinakahuli, ginawa niya 'yung makakaya niya matupad lang iyong pinangako niya noon kay Miguel, ang protektahan ito. Napaka-heart-wrenching but at the same time I was satisfied. Ang hindi ko lang siguro nagustuhan sa kanya ay ang pagiging violent niya. Hindi ko binilang pero naumay ako sa pauli-ulit niyang pagsampal at pagsuntok sa dibdib ni Henry. Naging monotone ang reaction niya sa bawat pag-take advantage sa kanya ng lalaki. Maybe because to build a specific personality of her when faced with the man, but I think you can show this with another approach. Repetition is good para tumatak sa readers, pero 'wag namang all the time dahil nawawala rin ang effect niya kinalaunan. Nagiging cycle na lang siya at wala nang gulat factor.

Si Henry (o si Amanikable) naman ay very possesive and his consistent love for Maganda is what drove his personality. Gusto ko 'yung kinahantungan niya sa huli. May justice. Dahil whole throughout the story, hindi ko na-feel na responsable siyang diyos. Even before he met Maganda, hindi clear kung ano ang "job description" niya bilang isang diyos ng karagatan. On the other hand, he deserves to be reunited with Fate dahil sobra niyang loyal. Nabilib ako sa persistence niya pero naawa rin dahil sa ginawa niyang panlilimos ng pag-ibig. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Read and ReviewWhere stories live. Discover now