Akala Ko Akin Ka by girlinparis

170 10 7
                                    

011921

Paalala: Ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga spoilers. Maaring basahin lamang kumporme sa inyong nais.


Hi, Ms. Tay! Less formal na ang approach ko dito compared sa introductions. I'd like to make this feel more conversational kaya kung may tanong at reaction(positive man 'yan o negative), 'wag po mahiya at i-comment lang sa baba or sa mga inline comment sections. I'll be as open as I can be. Anyway, salamat ulit sa pag-apply. Sana ay may matutunan ka sa review kong ito. Susubukan kong himay-himayin ang kuwento sa abot ng aking makakaya. Mej challenging 'to dahil short story siya. 

I. Title in Relevance to the Story

Nagustuhan ko kung paano umakma ang title sa buong story pero sasabihin kong sa bandang huli na siya nag-connect. Okay naman ang strategy na ito dahil nagawa niya akong hilain papasok at alamin kung bakit gano'n ang ginamit mong title. (Plus points na rin siguro dahil bihira lang ako bumitiw ng story. Madali lang kasi ako ma-please.) Para sa akin, sa unang basa, hindi gano'n ka-appealing ang title pero na-utilize mo 'yung impact na dala niya base sa pagkaka-incorporate mo sa kanya sa story. Hindi siya appealing sa akin in a sense na may vibes siya ng tragedy, which ironically is actually good dahil iyon ang direksyon ng story in line sa blurb. (Nasa preference ko lang siguro 'to dahil mas pumapanig ako sa mga team good vibes na story.) But all in all, good choice for the title. Na-convince rin akong compatible siya after I read the story, at nag-escalate nga 'yung effect niya compared sa unang basa.

II. Setting

Realistic fiction ang nakita kong genre niya. In this light, na-compensate niya 'yung less descriptive na setting which are the restaurant, mall, park, and apartment. Bale binigyan mo lang kami ng gist ng setting at ipinaubaya mo na sa imagination naming mga reader kung anong gusto naming makitang lugar. Madali naman siyang ma-picture dahil nga naka-angkla ang kuwento sa mga sitwasyon na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mirror of the world natin lang ang peg; no special cases unlike sa mga fantasy and sci-fi na dumidepende sa mga world-building. 

Downside is not all readers will accommodate the limited display of description for the setting. Kapag general idea lang ang nilatag mo, 'yung default perception naming mga readers ang magre-register sa utak namin at magiging dull ang kinalabasan niya at the least. My advice is add a bit more spice to it. Iparamdam mo sa amin iyong lugar. Anong oras na ba? Maganda ba ang panahon sa labas? Sa introduction, saan naglalakad si Maya? Anong hitsura ng paligid niya? Mausok ba? Maingay? This way, nabibigyan mo ng guide ang readers; at the same time, mas mabibigyan mo pa ng sariling identity 'yung story. 

Also, remember that introducing the setting is one way of indirect characterization. Anong klaseng restaurant ba ang madalas nilang puntahan? Matao ba sa mall? Saang parte ng parke sila nagpunta at nagawa nilang makasayaw nang hindi nahihiya na mapanood sila ng iba? Anong lighting sa loob ng apartment? In turn, magre-reflect do'n 'yung background ng mga characters; kung mayaman ba sila, down-to-earth, o mataas lang talaga ang confidence. 'Pag may background na ang characters, mas maiintindihan ang ibig-sabihin ng mga kilos nila at nagagawa ring ma-solidify 'yung mood at atmosphere sa paligid nila.

III. Characters

Dito, hinainan mo kami ng tatlong main characters: sina Maya, Rio, at Marcus. Buhay sila para sa 'kin. Ang galing mo do'n. *claps* Distinct sila sa isa't isa at relatable ang mga persona nila. May mga kanya-kanyang hugot at pinanggagalingan. 

Ang pagkakakita ko kay Maya dito ay isang antihero. Naiintindihan ko naman 'yung pagiging attached niya kay Rio dahil nga first love niya ito. Pero tumagal sila ng apat na taon. Anong nangyari sa panahong iyon at parang wala siyang ginawa para mabago 'yung nararamdaman ni Rio? Lalo na at alam naman pala niya 'yung past nito with Lea. Hinahanap ko 'yung struggle niya dito. Na siguro, since alam nga niya 'yung tungkol kay Lea, baka may part niya ang gustong magpaubaya kaya naging indecisive siya, mga gan'tong punto. But then, another two years since their break up, hindi ko siya nakitaan ng effort na umintindi at matuto. Parang hindi siya naggu-grow as a person. At lalo ako na-disappoint nang malaman 'yung buong sitwasyon with Marcus. Nahirapan akong depensahan si Maya dahil hindi buo 'yung ideya ng backstory niya. Feeling ko, parang meron pa siyang dapat sabihin na hindi niya sinasabi. Otherwise, siya ang may problema. She needs help, I dare say.

Read and ReviewWhere stories live. Discover now