Ang tanda ko na. May sarili na akong trabaho at may income na pumapasok sa akin every month.

Hindi lang ako teacher. Minsan ay tumutulong ako sa business ni Pinky. Hindi gano'n kataas ang binibigay niya sa akin pero okay na 'yon dahil minsan lang naman ako tumulong.

Stay na rin sila mommy't daddy sa bahay dahil matanda na sila. Si mommy ay 43 years old. Si daddy ay 46 years old.

Ako at si kuya na ang nagtatrabaho para may makain kami sa araw-araw. Si Dane nasa bahay lang din, taga-alaga sa dalawa niyang anak at s'yempre sa kanila mommy't daddy.

"Thank you" saad ko ng makabalik siya rito sa terrace. Kumuha kasi siya ng snack para may makain kami.

May unan at kumot kami rito para mag-daldalan at mag-pahinga. Bababa kami mamaya kapag nakaramdam na kami ng antok.

Hindi kami p'wedeng matulog dito dahil malamok at baka umulan.

"I love you so much" saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you too, Mrs. Bautista" nakangising saad niya.

Uminit naman ang pisngi ko sa gulat at kilig, kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Mrs. Bautista?" bulong ko sa sarili ko.

"Yes, Mrs. Bautista" saad niya mismo sa tenga ko kaya nilingon ko siya. Sa sobrang lapit ng mukha namin nahalikan ko siya. "Manyak" saad niya at tinusok ako sa pisngi.

"Wow! Sino kaya itong sobrang lapit ng mukha sa akin? Ako ba?" pagtataray ko. Tinuro turo ko pa ang sarili ko. Tumawa naman ang gago. "Parang hindi nagustuhan. Tse" saad ko at inirapan siya.

Tumalikod ako at kinain 'yong Piattos na dala niya. Tatlo ang dala niyang piattos at apat na coke.

Sa aming sampu kami lang ni Lance ang mag-partner na hindi umiinom ng alak kapag magkasama.

Iyong walo kasi ay umiinom 'pag nagkakasama o kahit magkakasama kaming magkakaibigan.

Si Lance umiinom lang kapag kasama ang mga kaibigan namin. Pero kapag ako ang kasama niya ay hindi siya umiinom.

Pinagbabawal ko kasi sa kaniya ang pagi-inom ng alak lalo na kapag sobrang dami.

Matakaw kasi sa alak ang mga kaibigan niya. Alak lang naman ang bisyo nilang lima. At wala ng iba pa.

Mahina pang uminom sina Pinky, Alexa, Jane at lalo na si Claudette. Madaling sumuka at mabilis mahilo kahit nakakailang shot pa lang.

"Tara, baba na tayo" pagyaya ko maya-maya dahil ubos na 'yong piattos at coke.

Kinuha ko ang unan na ginamit ko at nagpaunang mag-lakad.

"Wait lang" sigaw niya ng malapit na ako sa hagdan papasok sa loob.

Inirapan ko siya at nag-hintay. "Bading kumilos, amp" singhal ko habang nakatingin sa kaniya.

Tinutupi niya pa kasi ang kumot. Akala naman niya ay hindi na niya gagamitin pa.

"Bilis! Inaantok na ako" sigaw ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako at tumango nang tumango. "Sumakit sana 'yang leeg mo" saad ko.

Tapos na siya kaya tumakbo na siya sa akin. Nauna na siya at inalalayan akong bumaba.

"Gan'yan" saad ko habang bumababa at hawak ang kamay niya.

"Lagi ko namang ginagawa sayo ito, love" saad niya sa akin.

"Pake ko?" singhal ko pa rin sa kaniya.

"Hindi pa rin tayo bati?" nakangusong tanong niya. Tumango naman ako. "Love, ang pangit mo" saad niya pa.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now