chapter 32

119 4 0
                                    

Jherico's POV.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay mas lalo akong nagalit kay Gm dahil sa ginawa niyang panloloko kay Shairah dinugo siya Dahil sa kanila, Naisipan kong tawagan na si Daryl para malaman niya yung nangyari sa ate niya.

Tinawagan ko ito at agad naman itong sumagot at tsaka nagsalita.

~In call~

Daryl: Hello Jherico? Napatawag ka?

Huminga ako ng malalim tsaka sumagot

Jherico: May nangyari sa ate mo
Daryl: Ano! Bakit anong nangyari?
Jherico: Dinugo siya eh, Nahuli niya si Gm na may babae
Daryl: Walang hiya! Andito na kami sa shop, Pupuntahan na namin si Ate jan. Itext mo kong saan

~End call~

Agad niyang pinatay ang tawag, Ramdam ko ang galit sa boses niya.

Daryl's POV.

"Bakit tumawag si Jherico?" Tanong ni Mary

"Dinugo daw si Ate, Nahuli niya daw na may babae si Gm" Sagot ko halatang nagulat sila sa sinabi ko

"Ano? Puntahan niyo na siya, Susunod kami ni Ejay dun" Sabi ni Mary kaya agad kaming nagpunta sa ospital na itenext ni Jherico at naabutan ko siya Doon.

"Jherico, Asan si Ate? Kamusta yung pamangkin ko?" Tanong ko rito

"Halika kayo, Ok lang yung baby Pero... Muntik na siyang makunan" Napahilamos ako sa sagot nito natapat kami sa isang kuwarto, Agad binuksan yun ni Crystalline at tumambad samin si Ate na Walang Malay

"Tang inang Gm yan! Kaya naman pala hindi na umuuwe" Sigaw ko

"Pwede ng bayaran yung bill niya at sabi ni Doc Pwede na daw siyang madischarge mamaya" Sabi nito

"Talaga?"

"Oo, Mauna na muna ako sa inyo" Paalam nito

"Sige, Salamat pare ah" Sabi ko tumango lang ito kaya nilapitan ko na si Ate

"Hindi ko inaasahan na lolokohin ni Gm si Shai" Saad ni Izen

"Ako den nga eh, Ang perfect ng pagsasama nila tapos lolokohin niya lang si Shai" Sagot naman ni Jasmine

"Magbabayad muna ako ng bill, Kayo muna bahala di--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makitang mulat na ang mata ni Ate

"Shai? Kamusta Ka? Ok na ba ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong ni Crystalline

"Hindi ako ok, Yung baby ko? Ok lang ba siya?" Pabalik na tanong niya

"Ok lang siya Shai" Sagot ni Gero

"Tang ina Ate! Bakit hindi mo sinabi sakin na niloloko ka ni Gm?" Pasigaw na tanong ko

"Bebe" Pagpipigil sakin ni Crystalline

"Ngayon ko Lang den nalaman, Asan si Mary" Sagot nito at umiiyak na

"Tama na Shai, Hindi namin papalapitin sayo si Gm" Pagpapakalma nila Izen sa kanya

"Susunod na sila ni Ejay" Sagot ni Ariel

"Magbabayad Lang ako ng bill mo ate" Paalam ko kay Ate tumango lang ito tsaka binaling ang ulo sa kawalan

"Sama Kami pre" Sabi ni Gero Kaya lumabas na kaming tatlo.

Shairah's POV.

Ang sakit-sakit ng ginawa nila! Sobrang sakit! Hindi ko alam kong mapapatawad ko si Gm sa nagawa niya.

"Shai? Kamusta kayo ng baby?" Narinig kong tawag ni Gm at akmang lalapit na sakin ng harangan siya nila Izen, Jasmine at Crystalline

"Wag mong malapit-lapitan si Shairah" Duro sa kanya ni Crystalline

"Asawa ko siya, Gusto ko siyang kausapin" Sabi nito habang nakatingin sakin

"Tawagin mo sila Daryl Izen, Bilis" Sabi ni Crystalline at agad namang tumakbo si Izen sa labas.

Daryl's POV.

Malapit na sana kaming nakarating sa may elevator ng biglang sumigaw si Izen.

"Daryl!!!! Sandali lang" Sabi nito kaya tinakbo namin siyang tatlo

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko

"Si Gm andun" Sabi nito kaya patakbo akong pumunta sa kuwarto ni Ate at naabutan ko nga na andun si Gm at hinaharangan siya nila Crystalline at Jasmine.

"Tang ina Ka! Bakit mo niloko yung ate ko!?" Malakas na Sigaw ko tsaka siya sinuntok

"Magpapaliwanag ako Daryl" Sabi nito kaya isang suntok ulit ang natikman niya mula sakin

"Hindi mo man lang ba naisip na buntis siya?" Tanong ko habang inaawat na ako nila Gero at Ariel, Sasagot na sana ito ngunit biglang may nagsalita sa likod namin at si Mary yun.

Mary's POV.

Hinding-hindi ko mapapatawad si Gm kapag may nangyari sa baby ni Shai, Papunta na Kami sa room ni Shai ng maabutan Kong nagkakagulo sa loob, Nagsusuntukan si Gm at Daryl.

"Mary? Gusto kong makausap si Sh--" Agad ko siyang sinampal dahil sa sinabi niya at ramdam ko ang pamamanhid ng palad ko dahil sa lakas ng pagsampal ko sa kanya

Pagkatapos ng nangyari kakausapin niya pa si Shai?

"Ang kapal ng muka mong magpakita dito! Lumayas ka na!" Pagtataboy ko rito

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakusap si Shairah" Sabi nito kaya mas lalo akong nagalit.

"Babawiin ko na sayo si Shairah!" Dumadagondong na Sigaw ko

"Hindi, Aayusin namin toh" Sagot nito

"Bhe, Daryl? Hayaan niyo siya" Sabat ni Shairah kaya napangiti si Gm

"Pero b--"

"Sige na, Ok lang ako" Sabi nito at pilit na ngumiti, Iniwan namin silang dalawa dun.

Shairah's POV

Naiwan kaming dalawa ni Gm dito at nasa labas lang sila Mary.

"Love, Kamusta yung baby?" Tanong nito

"Ok lang kami, Anong paguusapan natin?" Tanong ko

"Wag mo kong iwan please" Pagmamakaawa niya sabay hawak sa kamay ko

"Wag kang magalala hindi ko gustong walang makilalang ama yung anak ko" Sabi ko

"Salam--"

"Ngayon, Kong yan Lang ang paguusapan natin umalis Ka na" Sabi ko at binaling na ang ulo ko sa kanan tsaka umiyak.

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now