chapter 04

178 5 0
                                    

Mary's POV.

Nagising ako dahil sa mga tawanang naririnig ko mula sa baba, Jusme dis oras na nang gabi gising parin tong mga toh? Bumangon ako at bumaba para pagsabihan ang mga ito.

Nang makarating ako sa sala si Gm at Daryl lang ang nakita ko, Pero grabe! Napakalakas ng tawa nilang dalawa.

"Grabe naman kayong dalawa, dis oras na nang gabi oh nagiinoman pa kayo" Panenermon ko sa kanila

"Nagkakasiyahan lang naman Mary" Sagot naman ni Daryl

"Ikaw Gm, Mamaya hinahanap ka na ni Shairah matulog kana dun!"

"Last na nga toh eh, Matutulog na kami" Sagot naman ni Gm sakin

"Tsaka diba may outing tayo bukas?"

"Oo nga last na nga eh" Sagot ni Gm sabay inom ng alak

"Pakitawag mo nga si Ejay Mary" Sabi ni Daryl

"Ejay? San ba kuwarto non?" Tanong ko

"Don sa guest room" Sabi nito, Aalis na sana ako ng maalala ko na last na bote na pala ang iinomin nila

"Teka, Akala ko ba last niyo na yan? Eh bakit pinapatawag niyo yung Ejay?" Tanong ko

"Oo nga, Sasamahan lang namin siya" Sagot ni Gm

"Sige." Sagot ko at nagtungo na sa guest room

Kumatok ako ng tatlong beses tsaka ako nagsalita

"Ejay, Pinapatawag ka ni Gm at Daryl" Sabi ko at akmang hahakbang na ako ng bigla itong sumagot

"Asan sila?" Halata ko ang pagkatamlay sa boses niya

"Andon sila sa baba"

"Sige, Salamat" Sagot nito kaya bumalik na ako sa kuwarto ko at itinuloy ang aking pagtulog.

Ejay's POV.

Naalimpongatan ako dahil sa tatlong beses na pagkatok na narinig ko

"Ejay, Pinapatawag ka ni Gm at Daryl" Hindi ko kilala kong kaninong boses yun pero sumagot parin ako

"Asan sila?" Matamlay kong sagot

"Andon sila sa baba"

"Sige, Salamat" Ramdam ko ang pagalis niya sa harap ng kuwarto ko kaya agad akong tumayo at nagbihis, Bumaba na ako at naabutan ko silang umiinom.

Anak ng.... Akala ko ba meron kaming outing bukas, Bakit sila umiinom?

"Anjan kana pala Ejay eh, Halika saluhan mo kami dito" Pag-aaya sakin ni Gm lumakad ako papunta sa kinaroroonan nila

"Kamusta pre?" Tanong ni Daryl

"Ok naman pare" Sagot ko

"Oh Ejay" Bigay ni Gm sakin ng isang bote ng San Mig, Kinuha ko agad ito at ininuman

"Matanong ko lang Ejay ah, Sa pogi at sa bait mong yan wala ka pang asawa o jowa man lang?" Pagtatanong ni Daryl

"Daryl since birth wala pa yang jowa, Hindi naman yan torpe eh, Siya pa nga nagtuturo samin mangligaw eh" Sabat ni Gm sabay tawa silang dalawa

Laseng na'tong mga ito!

"Oh bakit hindi ka magkajowa?" Tanong ni Daryl

"Kayong dalawa, Pumasok na kayo sa mga kuwarto niyo kase laseng na kayo" Sabi ko

"Kakaumpisa pa nga lang namin eh" Sagot ni Gm

"Ano na pare? Bakit hindi ka pa nagkakajowa?" Tanong ulit ni Daryl

"Alam mo Daryl, Halos mga babae na ang nangliligaw jan pero wala parin" Sabat ni Gm

"Naku, Parehas pala kayo ni Mary" Sabi ni Daryl

"Paanong parehas kami?" Tanong ko

"Paano ayun, Andami nang nangliligaw dun pero binasted niya lahat" Sagot ni Gm

"Bakit naman?"

"Eh kase daw hindi niya daw makita sa mga lalaking nangliligaw sa kanya yung hinanap niya" Sabi ni Daryl

Parehas nga kami.

"Alam niyo kase mga pare, Ganon talaga hindi mo naman matuturuan ang pusong magmahal diba?" Sabi ko akmang sasagot na si Daryl nang bigla siyang sumuka.

Dali-dali akong umakyat at pinuntahan ang kuwarto nila ni Crystalline.

"Crystalline si Daryl laseng na" Sabi ko at agad namang bumukas ang pinto

"Ano?" Tanong niya habang pinupunasan ang mata niya

"Si Daryl laseng sabi ko"

"Ano? Halika na puntahan natin" Agad kaming bumaba at naabutan namin si Gm na natutulog na.

Tinulungan kong maiakyat si Daryl sa kuwarto nila ni Crystalline at tsaka ko binalikan si Gm na ngayon ay mahimbing ang tulog.

Inalalayan ko ito paakyat hanggang sa kuwarto nila ni Shairah, Nang andun na kami sa harap ng kuwarto nila ay agad akong kumatok.

Shairah's POV.

Nagising ako dahil sa katok na nanggagaling sa pintuan ng kuwarto namin ni Gm, Kaya dali-dali ko itong binuksan at tumambad sakin si Gm na inaalalayan ni Ejay.

"Ejay, What happened?" Tanong ko habang tinitignan si Gm

"Shai, Kase uminom sila eh" Sagot nito

"Ipasok muna siya sa loob, Kukuha lang ako ng mainit na tubig at towel"

"Bakit anong gagawin mo?"

"Pupunusan ko siya iwan muna nalang siya jan, Thank you" Sabi ko at agad bumaba, Mabilis
kong kinuha ang basin at hot water tapos ay umakyat na sa taas.

Ipinatong ko muna ang basin sa side table at kumuha ng towel sa cabenit.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan siya, Saglit siyang gumalaw at iminulat ang mata niya.

"Love, Anong ginagawa mo?" Tanong nito

"Matulog kana, Para naman may lakas Ka bukas" Sabi ko at akmang tatayo na ng bigla niya akong hilahin dahilan para mapahiga ako sa kama

"Bakit ko kailangan ng lakas Bukas love?" Tanong nito na parang nangloloko

"Diba mag-oouting tayo!" Sabi ko at tumayo mula pagkakahiga

"Wag muna yang ibalik tulog na tayo" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko, Tumango nalang ako.

Ang cute pala nito paglaseng, Lasengin ko nalang kaya lagi, Char!

Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya tsaka ko ipinikit ang mata ko.

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now