chapter 27

95 4 0
                                    

Mary's POV.

Nakarating na kami sa mall na gustong puntahan ni Shairah, Mamimili daw siya ng decoration sa kuwarto ni baby.

At eto kami, Meron siyang biniling  color blue at pink decor dahil baka daw pagpink lang baka boy daw si baby at kapag blue lang naman daw baka girl daw si baby kaya ginawa na naming pink at blue.

"Bhe, Ito oh" Sabi ko kay Shai at tinuro ang color blue at pink na flower decor.

"Sige, Kuhanin mo" Sabi nito ng makaramdam ako ng pagkaihi

"Bhe, Wait lang ah" Paalam ko rito

"Bakit?" Tanong nito

"Iihi lang ako, Jherico ikaw muna bahala kay Shai ah" Sabi ko at tumango naman ito, Kaya agad akong sumakay ng escalator at namataan ko si Gm at Vanessa sa bilihan ng grocery.

Nilapitan ko ang dalawa habang magkayakap at pagkalas nila ay agad kong sinampal si Vanessa.

"Walang hiya talaga kayo!" Sigaw ko sa kanila

"Mary, Ano ba?" Tulak sakin ni Gm

Wow ah! Ako pa talaga ang tinanong niyo niyan!

"Talaga lang Gm ah! Dito pa talaga kayo naglalandian at naglalampungan? May payakap-yakap pa kayong dalawa, Umalis na nga kayo!" Bulyaw ko sa kanila na nagpakuha ng atensyon ng lahat

"Bakit sayo ba toh? Makapalayas Ka akala mo naman kong sino" Sabat ni Vanessa at inirapan ako

"Wag mo kong irap-irapan jan baka dukutin ko yang mata mo!" Banta ko rito

"Umalis na kayo, Bago pa kayo makita ni Shairah" Sabi ko na nagpatigil kay Gm

"Andito siya?" Tanong nito

"Oo" Malamig na usal ko

"Halika na Vanessa" Paghihila sa kanya ni Gm tsaka ito nilabas sa mall

Bwisit na Vanessa! Siya na nga tong nang-agaw siya pa matapang.

Nanginginig ang kamay kong bumalik sa taas ng mall at naabutan kong namimili na ng toy si Shairah para sa baby niya.

"Bhe, May nag-aaway ba sa labas?" Bungad na tanong nito sakin

"Hu-huh? Wa-la" Utal na sagot ko

"Sabi ni Jherico meron daw" Nang masabi ni Shairah yan ay agad kong tinignan si Jherico na ngayon ay puno ng galit ang mata

Nakita niya kaya si Gm at Vanessa?

"Ahmm, Shai ihatid ko na kayo gusto mo?" Tanong ni Jherico

"Pero hindi pa tayo nakakabili ng toy ni baby" Sagot ni Shai

"Bukas nalang natin ituloy toh" Sabi nito kaya tumango nalang ito at hinila si Shairah palabas, Ako nakasunod lang sa kanila.

Jherico's POV.

Naihatid ko na sila Shai, Nagpaalam itong matutulog na dahil bigla daw siyang inantok, Papasok na rin sana si Mary ng hablutin ko ang braso niya.

"Mary umamin ka nga sakin, Yung nangyari kanina sa baba ng mall, Ano yun?" Mahinahon na tanong ko

"Jherico, Wala lang yun" Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa braso niya dahil sa sinabi nito

"Niloloko ba nila si Shairah?!" Di pamigilang sigaw ko, Dahan-dahan itong tumango kaya nasipa ko ang gulong ng kotse ko

"Tang ina! Kailan mo pa toh alam?" Tanong ko dito na ngayon ay lumuluha na

Tang ina! Wala siyang kuwentang lalaki!

"Nung mga nakaraang araw lang" Sagot nito kaya mas lalo akong nagalit

"Bakit hindi mo sabihin kay Shairah!" Muli ko nanamang sigaw

"Baka maistress siya, Hindi namin alam kong makapit yung baby niya" Pagpapaliwanag nito

"Hanggang kailan mo hahayaan na lokohin siya ni Gm?" Napatigil ito sa tanong ko

"Hindi ko alam" Sagot nito kaya pumasok ako sa kotse ko at tsaka ito pinatakbo ng mabilis.

Napagdesisyonan kong pumunta sa bahay ni Vanessa dahil alam kong andun den si Gm.

Pagkatok ko palang ay agad na binuksan ni Gm ang pintuan kaya agad ko itong sinuntok.

"Anong problema mo?" Tanong nito habang inaalis ang dugong nasa gilid ng labi niya

"Ibang klase ka Gm, Magkaka-anak kana humanap ka pa ng iba" Sabi ko kaya napatingin ito sakin

"Kanino mo nalaman?" Tanong nito

"Nakita ko kayo sa mall" Sagot ko

"Wag mong sabihin toh kaya Shairah, Baka mapano yung magiging baby namin" Sabi nito kaya natawa ako

"Wow ah! Sana bago ka kumabet inisip mo muna yan" Sabi ko na nagpatauhan sa kanya

"Please Jherico, Hayaan mong ako ang magsabi"

Bobo ba toh?

"Kapag kayo parin pagkatapos ng month na toh, Sasabihin ko na kay Shairah" Sabi ko kaya napalapit ito sakin

"Jheri--" Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya ng magsalita ulit ako

"Wag mo kong subukan Gm" Sabi ko at pinatakbo ang kotse ko, Hindi ko kayang patuloy niyang gagohin si Shai.

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now