chapter 16

97 3 0
                                    

Ejay's POV.

Magaalas-tres na ng hapon pero hindi parin nakakauwe yung mga babae sa shop, Ang sabi sakin ni Mary bago daw mag alas-dos andito na sila.

"Ano Gm, Sumagot na ba si Shai?" Tanong ni Ariel sa kanya

"Hindi pa nga eh, Try mo ngang tawagan si Crystalline Daryl" Baling nito kay Daryl

"Naiwan niya nga yung phone niya" Sagot naman nito

"Pano yan eh, Iniwan pala nila Izen, Crystalline at Jasmine phone nila" Sabat ko

"Sunduin na kaya nat--" Hindi na naituloy ni Gero ang sasabihin niya nang biglang pumasok ang kotse sa loob ng gate namin.

Lumapit kaagad si Ariel at Gm doon, Inabangan nilang bumaba ang mga babae.

"Oh love, Anong ginagawa niyo jan?" Bungad ni Shairah

"Bakit ngayon lang kayo Shai" Sagot ni Gm kay Shairah

Ay tampo toh, Bat naman kase Shai!

"Hoy Gm, Ang epal mo!" Sabat ni Mary

"Akala kase namin may masamang nangyari na sa inyo" Sagot ko sa kanya

"Ganon na ba kami katanga?" Singit ni Jasmine

"Bakit nga ngayon lang kayo love?" Tanong ulit nito

"Bumili pa nga kami ng cake ni Ejay eh" Sagot nito at pumasok sa loob, Sumunod naman si Mary, Crystalline, Jasmine at Izen

"Kase pare eh, Tuloy parang may magiging tampuhan pa kayo ni Shai" Sabi ko at tinapik ang balikat niya

"Tara na mga pare, kanta na ulit tayo!"  Sigaw ni Daryl kaya bumalik kami agad doon

Mary's POV.

Kinakabahan ako kapag naibigay ko na ang sulat kay Ejay, Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya.

Ngayon na ang araw ng pag-sagot ko ng oo kay Ejay.

"Mary, Ready ka na ba?" Tanong ni Crystalline

"Wag kang kabahan friend, Kaya mo yan" Sabat ni Izen

"Oo nga besh" Singit den ni Jasmine

"Thank you sa inyo ah" Sagot ko sa kanila

Ang swerte ko sa kanila!

"Oh siya, Labas na tayo" Sabi ni Shairah

"Sandali lang bhe, 5 minutes pa" Pagmamakaawa ko

"Wag kang kabahan, Ibibigay mo lang naman yan eh" Sabi ni Shai

"Sige ngarud labas na tayo" Sabi ko at binuksan ang pintuan dala ni Shairah ang cake at gift niya para kay Ejay

"Happy birthday Ejay!" Sabay-sabay nilang sigaw maliban sakin

"Para sayo oh" Bigay ni Jasmine ng regalo niya para kay Ejay

"Eto rin Ejay" Sabi ni Izen at inabot ang regalo nito

"Ejay oh" Sabi rin ni Izen at binigay ang regalo na hawak niya

"For you Ejay" Sabi den ni Shai at inabot ang gift niya kay Ejay

"Thank you sa inyo" Pasasalamat na sabi nito

"Ikaw Mary, Wala ka bang regalo kay Ejay" Sabi ni Gero

Eto na yun Mary, Wag kang kabahan

"Meron siyang regalo Mahal!" Sabat ni Izen

"Bigay muna bhe" Bulong ni Shai sakin

"Ha-ppy birthday E-jay" Utal kong sabi at inabot ang regalo ko sa kanya

"Thank you" Nakangiti nitong sabi

"Open muna mga regalo nila para makakain na tayo" Sabi ni Daryl habang katabi si Crystalline

"Oo nga Ejay, Kain na tayo kanina pa ako nagugutom eh" Reklamo ni Ariel

"Sige" Sabi lang nito una niyang binuksan ang regalo ni Crystalline.

"Wow, Thank you" Sabi nito kay Crystalline nung nakita niya ang sapatos na binili namin para sa kanya.

"Yung sakin naman Ejay" Sabi ni Izen

"Oh sige" Nakangiti niyang sabi tsaka niya binukasan ang regalo ni Izen.

"Thank you, Izen!" Pasasalamat niya kay Izen, Ang regalo sa kanya ni Izen ay isang jacket

"Sakin naman Ejay" Sabi ni Jasmine agad niyang binuksan ang regalo at napangiti ito dahil sa regalo ni Jasmine

"Thank you" Pasasalamat nito

"Next mo nga kay Shai" Request ni Gm kaya binuksan niya ang kay Shai at napangiti.

"Thank you, Shai" Pasasalamat nito dahil sabi kase ni Gm, Gusto niya daw ng pabango na Victoria Secret.

"Kay Mary na!" Sigaw nila Daryl, Binuksan niya ito at ganon nalang ang pagguhit ng ngiti sa labi nito dahil sa nabasa niya

"Totoo ba toh Mary?" Tanong nito

"Oo, Tayo na" Sagot ko agad niya akong niyakap.

"Thank you, Ito ang pinakamagandang regalo na natatanggap ko" Sabi nito habang yakap parin ako

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Where stories live. Discover now